25

211 15 0
                                    

Hindi ko namamalayan ang pagdaan ng oras. Naka isang buwan na pala ako rito sa kanila. Parang kahapon lang noong nagtratrabaho pa ako sa La Costa. Naninibago pa ako, pero dahil sa kabaitan ng mga tao, unti unti na rin akong nasasanay.

Hapon na ngayon. Dahil tulog si Tatang, tinutulungan ko na lang ang ibang mga kasambahay sa paghahanda ng pagkain para sa hapunan ni Sir Hugo at Tatang Edward.

Isa pang masayang memorya ko dito ay kapag tapos naman na kumain sina Sir Hugo, kami namang mga kasambahay ang sama samang kakain sa hapagkainan.

Nagluto kami ngayon ng Sinigang. Naalala ko noong unang kumain 'to si Sir Hugo sa karinderya. Halatang naninibago pa siya na kumain sa karinderya. Simula no'n, hindi ko na siya nakita pang kumain magmuli doon. Siguro nga'y hindi niya kursunada.

"Paano nalamang kumakain si Sir Hugo ng Sinigang, Dalen?" Tanong ni Ate Via.

"Ah... Nung time kasi na inofferan niya ako ng trabaho... Doon niya ako kinausap sa karinderya sa harap ng kumpanya nila. Tapos, umorder siya ng Sinigang at nakadalawang sandok pa nga siya ng kanin,"

Tumango tango naman siya. Hindi ko rin inakala na ganoon siya kalakas kumain. O baka nasarapan lang talaga siya. Pero, kung nasarapan siya, bakit hindi ko na siya nakikitang bumabalik?

Inayos na namin ang hapagkainan nang sabihin ni Sir Hugo na malapit na siya. Umakyat naman ako upang gisingin na si Tatang para kumain.

"Tang, mukhang napasarap tulog mo ha. Halika, kain na po tayo," Sabi ko.

"Oo. Para akong nasa Japan sa lamig,"

Inalalayan ko naman siya bumaba at pinagsuot na lang siya ng jacket dahil hanggang ngayon ay nilalamig pa rin siya.

Nasa hagdan pa lang kami pero nakita na namin si Sir Hugo sa usual na suot niyang corporate attire. Nagmano siya sa kaniyang Lolo Edward at inalalayan siya upang makakain na silang dalawa.

Iniwan naming kumain ang dalawang mag Lolo at saka ko naman napagpasiyahan na ayusin saglit ang mga gamit ko. May plano sana akong humirit na magtanong kung pwede ba akong mag day off kahit tatlong araw para umuwi sa'min dahil miss ko na talaga ang mga tao doon.

Pero, nahihiya ako at hindi kami close ni Sir Hugo kaya hindi ko na ginawa. Baka sigawan na naman niya ako katulad ng ginawa niya sa Airport.

Pagkapasok ko muli ay naabutan kong kakatapos lang nilang kumain. Inalalayan ko ulit si Tatang upang ihanda siya. Mukhang may balak pa siyang manood ng mga documentaries sa TV nila.  Isa sa mga napansin ko kay Tatang, kung hindi siya mahilig sa mga balita ay sa mga documentaries naman.

"Ayan, Tatang. Nabusog ka ba kanina?" Tanong ko sa kaniya nang makaupo na siya.

"Oo. Ang sarap ng nilutong ulam. Hindi ko maalala anong tawag sa ulam na 'yon pero nalalasahan siya ng panlasa ko,"

"Sinigang po 'yon, Tang," Nginitian ko siya at binuksan na ang telebisyon upang makapanood na siya. Parang reaksyon ko lang noong bata ako kapag nanonood ako ng Dora.

Utong-uto pa ako noong panahong 'yon. Tinuturo turo ko pa pinapaturo ni Dora pero alam ko namang nakikita niya.

Nagstay naman ako ng mahigit sampung minuto upang bantayan si Tatang.  Ilang sandali pa ay nakaramdam na naman ulit siya ng paghikab. Napakatakaw din ni Tatang sa tulog.

Kaya katulad ng lagi kong ginagawa sa kaniya, pinahiga ko na siya at naglagay ng unan sa magkabilaan niyang pwesto at saka siya kinumutan. Binabaan ko rin ang temperature ng aircon para hindi siya masiyado ginawin.

"Goodnight, hija," Ikinaway niya pa ang kamay niya nang nasa pintuan na ako. Aapela pa sana akong hijo dapat, pero bukas na lang.

"Goodnight, Tatang. Tulog ng mahimbing ah. Tawag ka kung may kailangan ka," Nagmuwestra pa ako ng parang telepono at kinawayan siya pabalik.

Naghanda na ang mga kasambahay para kami naman ang kumain ngayon.

"Uy, ang sarap ng sinigang ah! Sino nagluto?" Komento ni Kuya Hans sa kalagitnaan ng pagsasalo salo.

"Si Dalen nagluto niyan!" Ngumiti si Ate Via sa'kin. Nag thumbs up naman si Kuya Hans at patuloy na kami sa pag kain. Ganito lagi kami. Para kaming isang buong malaking pamilya. Tawanan dito, kwentuhan doon.

"Ay, Dalen. Pinapatawag ka pala ni Sir Hugo. Nasa gym siya. Magdala ka raw ng tubig para sa kaniya," Ani Ate Via.

"Ngayon na ba?"

"Pagkatapos mong kumain,"

Nagtaka ako bakit hindi nagdala ng sarili tubig ang lalaking 'yon. Alam niya naman palang magg-gym siya, pero walang tubig.

Hindi na ako hinayaan nina Ate Via na maghugas ng plato at pinadala na lang sa'kin ang tubig. Pangalawang katok ko pa lang ay bigla nang bumukas ang pinto. High tech dahil hindi si Sir Hugo ang nagbukas.

Naabutan ko siyang nagbubuhat ng malalaking dumbbells. Bumibitak ang likod niya sa tuwing inaangat niya 'to.

Mukhang hindi niya naman napansin ang presensiya ko kaya naman nilagay ko na lang ang tubig sa lamesa niya.

"It was you, right?" Nakita kong ibinaba niya na ang mga binubuhat niya. Tagaktak siya ng pawis ngayon, pero nandoon pa rin ang panlalaking amoy niya. Natural yatang mabango 'tong lalaking ito, e. Biruin mo, kahit pawis na pawis, hindi nangangamoy.

"Saan po, Sir?"

"It was you who cooked the sinigang," Tinaasan niya ako ng kilay. Ano naman ngayon? Charot.

"Ah, opo, Sir. Hindi lang ako... Kasama ko si Ate Via,"

Tinanguan niya ako at aalis na sana ako pero biglang tumama ang paa ko isang sobrang tigas na bagay. Na sa hula ko'y isang dumbbell din na malaki pero hindi pa nalalagay sa lagayan ng maayos. Kaya ang ending, malakas ang napabagsak. Una pwet ko.

"Aray ko! Amputangina, ang sakit!" Agad akong napahawak sa tagiliran ko. Tangina naman kasi. Medyo madilim sa gym niya. Pero, putangina, ang sakit talaga.

Sinusubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil ang sakit parin ng balakang ko.

"Putangina. Jusme. Ang sakit, tarantado," Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagmumura dahil feeling ko naging manananggal ako. Feel ko humiwalay ang katawan ko.

Dahil hindi ko masiyado maaninag dahil medyo madilim nga, naramdaman ko na lang na mayroong humawak sa baywang ko nang dahan dahan at inangat ako. Putangina, shet. Paano na lang ako magtratrabaho nito bukas?

Pilit kong hinahawakan ang bewang ko at nang maiupo niya ako sa isang kumportableng upuan, dahan dahan niyang hinahawi ang kamay ko.

"Stay still, Dalen," Parang may pagbabantang sabi niya.

Agad niya namang kinuha ang telepono niya at nagtipa ng numero at may tinawagan.

"Is Doc Michivan still there?" Bakas ang pag aalala sa boses niya. O, ako lang nakakapansin no'n.

"Uh huh. Yes, please. Pakibilisan," Aniya at pinatay ang tawag at pinuntahan ako. Nilebel niya ang tingin naming dalawa at tinanong kung ano masakit sa'kin.

"Puta, Sir. Feel ko sexbomb na ako nito. Ang sakit talaga ng bewang ko, putangina,"

Tumayo naman siya at kumuha ng yelo sa... mini ref na may freezer?! Bakit nagpapadala pa ng tubig 'to, gayung meron naman pala siya dito?! Edi sana hindi na ako umuungol dito sa sakit. Konti na lang papalitan ko na si Sexbomb babes Jopay.

Inilagay niya 'yon na parang isang cold compress. Nagulat pa ako ng itaas niya ang uniporme ko papuntang bewang ko at nilagay doon ang cold compress.

Hindi niya inaalis sa'kin ang tingin niya. Pero, ako, hindi ko siya tinitignan. Nagboluntaryo akong ako na hahawak ng cold compress pero ayaw niyang pumayag.

"Aww, shit. Tangina. Ang sakit," Napakagat ako sa labi ko nang sambitin ko 'yon. Putangina. Ang tanga naman ng dumbbell.

Halos makalimutan kong nasa harapan ko nga pala siya. Sa sobrang lapit namin, naaamoy ko na ang mint niyang hininga at ang pabango niyang lakas maka air freshener.

"You cuss a lot, Dalen. I need to do something about that," Dumapo ang tingin niya sa labi ko. Tapos deretso ulit sa mga mata ko at bigla na lang siyang ngumisi.

Sa posisyon namin ngayon, pwede na siguro kaming gumanap sa music video ni Moira na titibo tibo.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon