42

204 16 0
                                    

Hindi ko alam kung sa loob ng ilang taon, ngayon ko lang napagtanto ang nararamdaman ni Max. Pero, kahit anong gawin ko, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

"Dalen, pakibigay nga muna ito kay Ninang mo," Kinuha ko ang naka tupperware na binigay sa'kin ni Nanay. Dahil birthday din ng nanay ni Max, ginawaan siya ni Mama ng mango float bilang regalo sa kaniya.

"Ninang! Tao po!"

"Oh, Dalen, anak, pasok ka!" Nagmamadali itong lumabas sa kanilang bahay at pinagbuksan agad ako ng pinto. Nakita ko si Max na naghuhugas ng pinaggamitan ng mga nilutong handa. Nag iwas siya ng tingin sa akin nang makita niya ako.

"Ninang, pinapabigay po ni Nanay. Happy birthday po sa inyo," Wika ko at ibinigay na sa kaniya ang tupperware. Malugod niya naman itong tinanggap at pinapasok pa ako sa loob ng bahay nila upang kumain.

"Huwag ka nang mahiya, Dalen! Hindi ka naman naiiba sa'min, halika. Pasok ka na. Max, samahan mo itong si Dalen kumain," Sabi ni Ninang at saktong kakatapos lang maghugas ni Max ng kawali.

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at nakita ko ang iilang mga kapatid ni Ninang na sinasamahan siya sa pagluluto.

"Upo ka diyan, Dalen. Max, pakisandukan ito siya ng spaghetti at manok," Ibinigay ni Ninang ang plato kay Max at nagsandok naman ito. Dalawang plato ang binigay niya sa harapan ko at nakita kong umupo siya sa tabi ko.

"Dinagdagan ko ng isang manok yung plato mo. Kain ka na," Mabilis na wika niya habang hindi pa rin ako tinitignan. Kumain naman ako at ganoon din siya. Isa si Max sa mga pinakamalapit kong kaibigan. Hindi ako sanay na ganito kami, pero hindi ko naman siya masisisi.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nakita kong naglapag pa si Ninang ng dessert sa harap ko. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya.

Pagkatapos ng birthday ni Ninang, hindi na kami masiyado nakakapag usap ni Max. Depende na lang kung may importanteng dapat kaming pag usapan. Busy ako sa pag kain ko ng paboritong double dutch flavored ice cream dahil ito ang nakakapagpaginhawa sa utak ko nang may makita akong isang pamilyar na tao sa labas ng ice cream parlor na ito.

Pumasok ito at nakita ko kaagad ang mga mata niyang tumama sa'kin. Nag iwas naman ako ng tingin at nilagpasan siya. Nag iwan lang ako ng bayad sa lamesa. Bakit dito ko pa siya kailangan makita? At bakit dito pa? Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?

Bago pa ako makalayo ay naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"Dalen, let's talk, please. Pag usapan natin ang nangyari sa'tin,"

"Ano bang kailangan nating pag usapan, Hugo? Wala na, 'di ba? Pucha. Bakit ka pa nandito? Balikan mo na fianceé mo doon!" Hindi naman ako pala iyak simula bata pa lang ako, pero sa tuwing nandiyan na siya, ang bilis na lang mangilid ng mga luha ko. Pwede na akong mag artista.

"She is not my fianceé anymore. Please, talk to me. Pag usapan natin 'to. I just can't lose you like this..."

Sarkastiko akong napatawa sa kaniya. Nagmamakaawa siya ngayon sa harap ko na mag usap kami? Pero, noong pahiyain lang ako ng Nanay niya sa harap niya, wala man lang siyang ginawa. Pinanood niya lang ako na insultuhin ng Nanay niya.

"You can't lose me like this? Nabubuang ka na ba? Ikaw na nga mismo kumuha ng gunting para putulin ang relasyon natin! Gusto mo bigyan kita ng memory plus gold ha? B-Baka hindi mo lang natatandan!" Tinulak ko siya ng malakas.

"I didn't react because I want to be careful, Dalen... H-Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin,"

"Bobo mo naman! Kitang iniinsulto na ako ng Nanay mo, sasabihin mo sa'king hindi mo alam kung anong sasabihin? Kung anong gagawin? Pucha ka, sa lahat ng gagong rason, sa'yo pinakagago!" Unti unti na namang nangingilid ang luha ko. Halos mahimatay na ako noong mga unang araw. Tangina, nandito pa pala 'tong mga puchang 'to. Akala ko ubos na.

Iniwan ko siya doon at umalis. Umuwi ako ng bahay namin na siguradong namumula pa rin ang mga mata ko. Buti na lang at hindi niya ako sinundan, baka maging kriminal lang ako nang wala sa oras.

Nakita kong naghihintay naman sa labas ng bahay namin si Max. Alalang alala ang ekspresyon sa mga mukha niya. Ako na ang nag iwas ng tingin sa kaniya.

"Umiyak ka?"

"Kung hindi pa obvious, oo,"

Ngumiti ito nang malungkot sa'kin at lumapit. Pinunasan niya ang iilang hindi natutuyong luha sa mga pisngi ko, pero iniwas ko ang mukha ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"Max, may boyfriend na ako," Pagpapakatotoo ko sa kaniya. Ayoko nang magtago sa kaniya.

"Ay, joke lang. May boyfriend pala ako... dati," Pagbawi ko sa sinabi ko. Nakita ko lang siyang nakatingin lang sa'kin at walang sinasabing kung ano. Ilang sandali pa ang tumagal nang magsalita ito.

"Alam ko. Nakita ko kayo, Dalen,"

Nginitian ko siya nang malungkot. Guilty na guilty na ako. Ni hindi ko man sinabi sa mga kaibigan kong may jowa na pala ako dati, tapos sa ganitong paraan niya lang pala malalaman.

"Potangena niya 'no. Habulin ko siya ng itak ni Tatay," Pinilit kong pasayahin ang tono ng boses ko, pero hindi ko magawa.

"Pwede ko naman siyang bugbugin," Aniya. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Siraulo ka ba? Kita mo yung mga maskels no'n,"

"Ano ngayon? Kayang kaya ko pa rin naman 'yon bugbug--"

"Dalen,"

Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Kabute talaga 'tong hayup na 'to. Akala ko umalis na siya, pero kakarating niya lang at nag iigting na ang mga panga nito. Agad naman akong itinago ni Max sa likuran niya kaya pinagtaasan siya ng kilay ni Hugo.

"Umuwi ka na, gago ka," Asik ni Max.

"Please, Dalen. Just... this one. Hear me out please,"

"Umuwi ka na nga sabi!" Tugon ni Max. Pero, parang wala narinig si Hugo at nilapitan lang nito ako, pero mas lalo akong tinatago ni Max sa likod niya.

Kitang kita ko ang kalungkutan sa mata ni Hugo. Ewan ko kung true, pero ako, sigurado akong malungkot ako. Malungkot na naman.

"Dalen, please. Let's talk... I am begging you,"

"Umuwi ka na! Pucha, ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko?" Ako na mismo ang tumaboy sa kaniya. Mas lalo lang sumasakit ang puso ko habang sinasambit ko ang mga salitang 'yon.

Nakita ko ang panghihina niya at unti unti niyang pagsuko. Parang natuod siya sa kinatatayuan niya at tumatango tango na para bang kinukumbinse ang sarili niya na may naintindihan, at saka umalis.

Gusto ko na lang pumikit. Sa bawat paghakbang niya, tila napakasakit tignan.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon