35

214 19 1
                                    

Pasko na ngayon. Kakaiba ang simoy ng hangin ngayon dahil sa paparating na pasko. Ito ang unang pagkakataon na hindi ako makakapag celebrate kasama ng mga bugok kong kaibigan at pati ng pamilya ko.

To: Nanay

Nay, merry christmas!!!!!!! Miss ko na kayooooo!!!

To: Max and Eric

Hoy mga bugok, maligayang christmas!!!! Tagay na!!!

Wala pang ilang minuto ay nagreply naman kaagad sa'kin si Max.

From: Max

Hoy, umuwi kana! Miss na kita. ppp. Hahahahaha!

To: Max

Dalawang buwan pa!! Tagay na disss!! HAHAHA

Hindi na kami masiyado nakapag usap ni Max dahil naghanda kami ng mga kakainin mamayang noche buena. Pati si Tatang din ay nilabas labas ko muna kahit papaano para naman makalanghap ito ng preskong hangin. Baka sobra na kasing nababagot ito sa loob ng kwarto niya.

"Tatang, maligayang pasko!" Sambit ko at inilagay ko sa ulo niya ang Christmas hat na binili namin. Lahat kami ay may ganito dahil plano naming maglaro mamayang alas dose.

Pumalakpak si Tatang nang pindutin ko ang switch. Kakaiba nga ang hat na ito. Hindi lang umiilaw, kumakanta rin ng mga pang paskong mga kanta. Kaya lang, medyo masakit din sa bulsa ang presyo.

"Merry Christmas, everyone!" Masiglang pagbati ni Sir Hugo sa lahat habang pababa pa lang ito. Parang natulala ang mga tao rito nang biglang sumaya ang boses niya.

"Good mood na good mood yata si Sir Hugo ah. May nagpa good mood kaya sa kaniya?" Biglang dumako ang tingin ni Kuya Bando sa'kin. Pasikreto ko naman siyang sinaway. Bago ako matulog kagabi ay tinimplahan ako ni Sir Hugo ng gatas at ng donut na binili niya. Sakto rin namang nagpapahangin si Kuya Bando sa garden at nakita niya kami.

"Merry Christmas po, Sir! Pasko na, wala ka pa ring girlfriend na dinadala dito, Sir!" Ani Ate Via.

Humalakhak naman si Sir. Tinignan niya ako at nginisihan, pero nag iwas agad ako ng tingin at inayos na lang ang nahuhulog na Christmas hat ni Tatang. Nakiki sing along pa siya sa mga hits ng sumbrerong ito.

"Merry Christmas, Lolo," Biglang pagsulpot ulit ni Sir Hugo sa tabi ni Tatang at nakipag apir pa sa kaniya. Nagkuwentuhan silang mag Lolo kaya iniwan ko na muna sila at tinulungan sina Ate Ernesta na ayusin ang sala dahil doon gaganapin ang palaro mamaya.

Tinungo ko ang Christmas tree at inayos na ang mga regalo roon. Noong nakaraang linggo ay nagbunutan kami para sa exchange gift namin. Ang nabunot ko ay si Ate Gina. Naisip kong bilhan na lang siya ng damit na pang alis dahil hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang matanggap.

Inilista rin namin ang iilang mga palaro na lalaruin namin mamaya. May push that itlog with the talong, trip to Jerusalem, matchbox game at marami pang iba. Napaka mature nga ng mga nilalaro namin. Dapat nag tong its na lang kami. For sure, ako na panalo doon.

"Dalen, pwedeng pakisandok na itong lenggua?" Pakikisuyo ni Ate Ernesta.

Lumapit naman ako sa kaniya at pinunasan ang lalagyan. Pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya upang lagyan na ito.

"Wow, Ate. Ang bango nito ah. Mukhang masarap,"

"Nambobola ka pa, Dalen," Tumawa ito. Pero, totoo. Sobrang sarap magluto ni Ate Ernesta ng mga ganitong putahe.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon