Chapter 1

144 28 10
                                    

#TCW1

"Sige na kasi Calli pumayag ka na. Harmless naman siya eh"

Heto nanaman tayo ano, ilang beses na kong kinukulit ng mga kabigan ko na makipag blind date sa kung sino- sinong kakilala nila, eh ayaw ko nga. Ang hirap hirap magtiwala sa tao lalo na ngayon ang daming gago. 

"Ayaw ko nga! Ang papangit naman ng rinereto niyo sakin" pagdadahilan ko, kahit ang dami talagang gwapo sa mga rinereto nila ayaw ko lang talaga sa ngayon. Tinignan naman ako ng masama ng babaita, I just ignored her and finished doing my skincare routine.

"Wow! Ang ganda ganda mo naman po ano, edi wag!!" sigaw ni Snow saakin at binalibag pasarado ang pinto ko. Napailing nalang ako habang nagsusuklay ng buhok, kunwari pa yon pero mamaya nag aaya na siyang kumain. Pumasok ako sa closet para mamili ng isusuot. It's our first day as fourth year college students, and I am totally ecstatic to both start and end this school year quickly. Gusto ko na magtrabaho.

Pagkalabas ko ng kwarto, andoon na si Snow sa kusina, hinihintay niyang matapos mag brew yung kape. Napangiti ako kasi alam kong para saakin yung kape na ginagawa niya, she doesn't drink coffee, sa kadahilanang napaka pait daw kaya she prefers to drink tea. Lumapit ako sakanya at walang sabing inabot ko yung tinapay sa tabi ng coffee maker, I started to make a sandwich as my breakfast and since ginawan ako ng kape ni Snow, ginawan ko din siya ng favorite niya, Peanut butter and jelly sandwich. Pagkalingon ko inaabot niya na yung kape saakin, kaya nginitian ko siya at inabot na rin ang tinapay.

Matagal na kaming magkaibigan ni Snow, taga probinsya talaga kami dati kaso nung nagcollege nagdecide kami mag Manila. Hindi kami yung typical probinsyana na iniisip niyo, kasi madalas talaga kami mag manila dahil sa mga kamag-anak at mga ate at kuya naming nauna na dito. Best friend ko si Snow mula high school, nakakatawa nga kasi magkaaway pa kami niyan dati. Nagdecide kaming humiwalay ng condo dahil unang una nagrereview para sa board exams si kuya noong first year ako at ayaw niyang maistorbo, ang ate naman ni Snow ay may sariling roommate.

"Hoy, halika na umalis na tayo nasa school na daw sila Kylie." Sabi saakin ni Snow habang nagsusuot na siya ng sapatos. Kinuha ko ang susi ko sa kwarto at bumaba na kami sa parking lot.

Kung magcocommute isang sakay lang mula sa condo ang school, pero nakakatamad mag commute at ang hirap makasakay dito sa area namin kaya dinala nalang naming ni Snow ang kotse ko. Pagkarating namin sa school, dumiretso kami sa Starbucks dito sa loob ng campus. Kumakain nanaman sila pagkarating namin, nanaman? Kasi hobby naming magbabarkada yan, kumain. Pero buti nalang di kami masyadong tabain, binabawi naming sa pag gygym.

"Hoy Maze ang takaw takaw mo." Pang aasar ko, makakain kasi akala mo ma-agawan siya ng pagkain. "Hoy ka rin! Akala mo di ka matakaw" pikon na sagot ni Maze. Tinawanan ko nalang siya kasi baka umiyak, mapapagastos pa ako kasi susuhulan ko ng pagkain.

"Calli, free ka tonight?" tanong sakin ni Serena habang nagcecellphone siya. "Bakit ililibre mo ba ako?" tanong ko sakanya, syempre pag libre gagawan ko ng paraan para magka oras.

"Hindi ako ang manlilibre, yung makakadate mo, ano game ka ba?" excited na tanong niya sakin. Umasim nanaman ang timpla ng mukha ko, ano bang meron sa araw na ito at ang daming rinereto saaking lalaki. Masaydo na ba akong lonely? Hindi naman ah!

"Ayoko. Bakit ba reto kayo ng reto saakin, bakit hindi niyo kay Kylie ibigay?" sabay turo ko kay Kylie.Gulat na napatingin saakin si Kylie.

 "Bakit ako? may manliligaw ako noh!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ha?!" sabay sabay naming sigaw kaya napalingon tuloy saamin lahat ng nasa loob. Wag silang makielam di naman naming sila inaaway eh. 

"Ano ba kayo! ang iingay niyo!" suway saamin ni Kylie na nakayuko na ngayon.

The Calmest WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon