#TCW17
"Kio, how many times do i have to tell you that John is just a classmate of mine?" I am so damn tired of this argument.
We've been arguing about his jealousy towards John for almost 2 months now. I don't really know where this jealousy is coming from. I mean, i'm not even flirting with the guy, and he is so not interested in me, i'm sure about that!
"Eh kung makatingin sayo parang iba eh!" He argued. Napakunot ang nuo ko, where is he even getting this?
"Paano mo alam? Ikaw ba siya? Ganoon ka ba sa mga kaklase mo, ha?!" I yelled. He's really getting into my nerves.
He was taken aback because of what i said. Nanlaki ang mata niya at natigilan. Nang hindi siya makasagot ay pinaghahampas ko siya ng papel na hawak ko.
"Gago! Ano hindi ka makasagot kasi totoo? Ha?! Ganoon ka rin makatingin sa magaganda mong kaklase, ha?! Edi doon ka na, pakyu!" I said and i walked out. Bago ako makalayo ay narinig ko ang pagtawa niya, kaya mas binilisan ko ang lakad ko.
"Hoy saglit lang!" Tatawa-tawa pa siya diyan, sikuhin ko mukha niya eh! Akala ba niya nakakatuwa siya?! Tsaka sinong matinong taong hihintayin yung taong tinatakasan niya?
Napatigil ako nang maabutan niya ako at hinila papunta sakanya. Dahil sa lakas ng pagkakahila niya ay napatid ako sa batong pakalat-kalay, kamalas-malasan ko lang talaga ngayon, nabitawan niya pa ako kaya nasubsob ako sa sahig.
Tangina!
Agad naman niya akong tinulungan tumayo. Kagat-kagat ni Kio and gilid ng pisngi niya, pero halatang-halata na pinipigilan niyang tumawa. Gago talaga tong jowa ko!
"Okay ka lang ba?" tanong niya habang pinapagpagan ang tuhod ko.
Ginawaran ko lang siya ng masamang tingin, "Pakyu" i whispered.
Napahalakhak naman siya, kaya mas lalong humaba ang nguso ko. Nagulat ako nang mabilisan niyang pinatakan ng halik ang aking labi. Nanlaki ang aking mata at hinampas siya.
"Aray ko! Kanina ka pa namamalo bhie!" maarteng ungot niya.
"Chansing ka kasi! Hindi naman tayo bati!" sigaw ko pabalik.
Akmang lalayasan ko nanaman siya ulit, pero naunahan niya ako at hinila ako papalapit lalo sakanya. He circled his arms around my waist, and pulled me even closer to him. I put my hands on his chest to push him away, but he won't budge.
"Kio! baka ma-disciplinary office tayo! PDA 'toh" panunuway ko sakanya
Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at yinakap ako ng mahigpit. "Hmm wala akong pake inggit lang sila" he whispered. Pinalo ko ang braso niya, kaya napatawa siya at inangat na ang ulo.