Chapter 21

16 6 0
                                    

Talk



"What are you doing here?"


After that stunt that Kio pulled off, i immediately pulled him to my room. Nagulat ako, masaya ako na nandito siya, pero naguguluhan ako kaya kailangan naming mag-usap.


"Pumunta ako dito para makapg-usap na tayo." he replied.


"Ngayon mo lang naisip yan? Paano ka napunta dito? Paano mo alam kung saan ang bahay namin? Paano ka nakapasok? Ikaw lang mag-isa? Akala ko ba aalis kayo?" dire-diretso kong tanong. I was losing my cool.


Napatawa naman ng mahina si Kio dahil sa inakto ko. He came closer to me and held my hands. "Kalma ka lang,love. Ako lang 'toh" pagbibiro niya. Napasimangot ako. Kinalas ko ang hawak niya sa aking kamay at hinampas siya.


"Gago!" i bit my lower lip to stop myself from smiling. Hindi pwede, Calli. Hindi ka na marupok!


Iniwan ko siya sa loob at dumiretso sa veranda, kailangan ko magpahangin! Baka sakaling liparin yung karupukan ko. Humilig ako sa barandilyas at binigyang pansin ang magandang tanawin sa aking harapan. Naramdaman kong may tumabi sa akin, siyempre sino pa ba kundi si Kio. 


Binalot kaming dalawa ng katahimikan, biglang pumasok sa isip ko yung araw na sinigawan niya ako at sinabihan na cheater ako. Naramdam ko ang masidhing paninikip ng aking dibdib, kahit na pinipilit kong kalimutan, hindi pa rin talaga mawawala. Kahit gaano ako kasaya na nandito siya sa tabi ko at handa nang makipag-usap, masakit pa rin.


"I'm sorry..." he broke the silence. With that, my tears started to fall again. Hindi ko na mapigilan na mapalakas ang hikbi ko, kahit anong pilit kong pigilan ito. I didn't know it'll still hurt this bad. Akala ko okay na sa akin.


He grabbed my arm, and pulled me closer to him. He caged me inside his arms, as he wrapped his arms around my waist tightly. Nakasandal ako sa kaniyang dibdib, habang patuloy na umiiyak. I felt his arms are tightening around me, as he continued to whisper 'sorry' in my ear. 


Patuloy lang ako sa paghikbi, hindi niya ako binitawa, tila ba pinapakalma niya muna ako bago siya magsalita. I appreciate that. Alam ko na kapag sarado nanaman ang isip ko, wala akong ibang maiisip kundi ang mga masasakit na salita na nabinitawan niya.  


Nang kumalma ako ay bumitaw ako sa yakap niya, hinayaan niya lang naman ako.  I went inside and sat on my bed, he followed me. He sat down beside. He tried to hold my hand but i refused.


"Talk"


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I know there are no words or actions that can justify what I've said and what I've done that night. But, i just want to say that i'm sorry. Alam ko na nasaktan kita, alam ko na hindi tama yung mga sinabi ko, maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadya. Nung makita ko kayo, parang bigla nalang nandilim ang paningin ko. Pakiramdam ko...."


Nilingon ko siya nang hindi niya itinuloy ang sinasabi niya. He sniffed and looked away. He's crying.....

The Calmest WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon