Happy New Year!
Christmas passed by like a blur. We spent 5 days in Korea, at kakarating lang namin sa Manila ngayon. I'm really not sure if we'll spend a night here, or we'll go straight to Bataan. Christmas was fun, but i feel incomplete. I feel like there's a hole in my heart. I haven't heard from Kio since our argument/ break up. Agad akong nakaramdam nang pagsisisi kinabukasan non, muntik na nga akong tumawag sakanya para makipagbalikan, but Snow said i should give him time to think and reflect about the things he said.
Well, she's right. Masyado akong marupok, parusahan ko naman siya kahit kaunti. I know na sobrang hindi tama yung pinagsasasabi niya saakin nun, pero after ilang days i realized na what if nadala lang siya, what if may pinagdadaanan pala siya, i know it's not that reasonable, but i'll still have an open ear and an open heart when the time comes that he's ready to talk again.
Sa ngayon, hindi pa rin talaga kami nag-uusap. Naging marupok talaga ako nung pasko kasi binati ko siya, pero hindi niya ako nireplyan, Bwisit! Pero hindi rin talaga siya nag o-online sa mga social media accounts niya, and i'm starting to get worried.
Nang makasakay kaming lahat sa sasakyan ay nakatingin lang ako sa binatana, iniisip ko pa rin si Kio. I got my phone and tried messaging Zaide and the others. A few moments later, i only got one reply out of the the three i messaged.
Zaide: Hi Calli! Wala akong balita sakanya eh, hindi kasi siya masyadong nag oonline ngayon. Gusto mo ba puntahan ko siya sakanila?
Agad kong hinindian ang alok ni Zaide, nakakahiya naman, dapat kasama niya ang pamilya niya at nagsasaya hindi niya na kailangan problemahin and problema ko. Pinatay ko muna ang cellphone ko at sumandal na sa upuan, mamaya ko nalang iisipin lalo lang sumasakit ulo ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising ako gabi na at nasa Bataan na kami. Liningon ko ang katabi ko na tulog mantika, hanggang ngayon tulog pa rin, hindi ata matutulog tong si Kuya mamaya.
"Calli, pakigising na ang kuya mo. Malapit na tayo." utos saakin ni Mommy. Agad akong tumalima at dahan dahang yinuyugyog si kuya.
"Kuya.." medyo malakas na pagtawag ko sakanya, pero ayaw niya pa rin gumising. Tinampal tampal ko na ang pisngi niya pero wala pa rin.
"Calvin Lawrence, babangon ka o papaluin kita?!" dahil sa boses ni Mommy, biglang napatayo si Kuya sa kinauupuan niya, kaya nauntog siya sa ceiling ng van, at napaupo muli. Napahalakhak ako dahil sa nangyari, takot talaga si Kuya kay Mommy kapag ganoon na ang boses niya. Kahit si daddy ay tawang-tawa.
Nakarating naman kami sa bahay nila Lolo nang walang napapalo sa pwet. Nakatulog naman ako sa biyahe, pero yung katawan ko pagod na pagod kahit na gising na gising ang utak ko. Nang makapasok kami sa bahay, tulog na sila Lolo. Sabagay anong oras na rin naman kasi.
May kanya-kanya kaming kwartong tinutulugan dito kasi ancestral house ito ng side nila Daddy. Dad came from a well-built family, kaya may kalakihan ang bahay. Naghapunan lang kami saglit, at pagkatapos ay nagpahinga na sa kanya-kanya naming mga silid. Agad akong naligo, nagbihis, nag skin care, at binagsak ko na ang katawan ko sa aking kama nang matapos ako sa pag-aayos. Bukas nalang ako mag u-unpack.