#TCW12
"Alam mo, gaga ka talaga. Ang hilig-hilig mong mag tago sa akin."
Napairap ako habang ngumunguya. Akala mo naman lahat din sinasabi niya sa akin, eh mas marami nga siyang tinatago sa akin. Kumakain kami ni Gavin at Snow ngayon sa Yellow Cab. Pagkatapos kong ipakilala sakanya si Kio ay pinaalis ko na agad si Kio dahil ayokong kuyugin siya ni Gavin ng tanong.
"Akala mo naman kinekwento mo sa akin lahat!" pagtatampo ko
"Luh! Anong hindi ko sinabi sayo?!"
Binaba ko ang hawak kong kubyertos at tinignan ko siya ng masama. "Gago! Tinago mo sa akin na nakipagkita ka sa ex mo last month!" pambawi ko
He was taken aback with what i blurted out. It seems like he really didn't want us to know about it. Nanlaki ang mata ni Snow sa sinabi ko at hinarap niya din si Gavin. "What the hell?"
Napabuntong hininga si Gawin at hinawi ang kanyang buhok. "Wala lang yun. May ibabalik lang daw sa akin kaya kami nagkita"
"Rupok ampota" bulong ko
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Paano mo nga pala nalaman na nagkita kami, ha?" tanong niya.
"Nakita namin kayo ni Kio sa starbucks" sagot ko
"Gav, wag ka na makipagkita doon uli. Ayoko na makita kang nasasaktan dahil sa lalaking yun." sabi ni Snow
"Oo na! Grabe ka naman baks, wala na nga talaga promise" he said and raised his right hand, parang nagrerecite ng pledge.
Hindi ko nalang siya inimik. Kilala ko yan eh, kasama ko yan sa tropahan ng marurupok. Hindi siya makikipagkita doon dahil lang sa isang bagay, gusto niya rin talagang makita uli. Hindi ko naman siya masisisi, alam ko rin kung gaano kahirap mag move-on, pero sa una lang yun.
"Calli, okay naman ba si Kio? Does he treat you right?" tanong sa akin ni Gavin bigla
Napangiti naman ako dahil doon. Kahit gaano kalambot ang puso niyan sa lalaki, hindi niya kami hinahayaan na basta-basta nalang napupunta sa kung kanino. He's always protective when it comes to us.
Bago pa ako makasagot, ay inunahan na ako ni Snow. "Ay bakla, oo! Alam mo ba ngayon ko lang uli nakita si Calli na ganyan sa lalaki uli! Sa lahat ng lalaking sumubok, si Kio lang ang pinayagan niyang manligaw" kilig na kilig na sabi ni Snow
Napailing at napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Well, it's true. Over the past years, they tried to set me up and i also tried to date, but it never works out for me. It feels like something is missing and something is not right about it. So i ended up rejecting each and every one of those guys.
"Not to mention, legal pa sila!" pahabol ni Snow