Chapter 8

35 13 13
                                    

Birthday special ;)

#TCW3

Pagkarating nila Kylie sa condo namin ay agad silang nag-aya para mag grocery, para daw sa mga baon namin sa biyahe and mga essentials nila. Aarte talaga netong mga ito, hindi nalang nagdala ng mga lumang gamit sa bahay.

Thursday na ngayon at bukas ang alis namin ng madaling araw papunta sa Pangasinan. Susunduin kami ng driver namin, andito na si Kuya Toni pero nandoon siya sa condo ni kuya na bakante sa ngayon dahil nasa Singapore siya.

Ayaw nilang mag grocery dito sa baba ng condo kaya napadpad pa kami sa S&R, buti nalang may membership card ako. Si Snow ang kumuha ng cart dahil nagtakbuhan na ang mga bata papasok sa grocery. 

Kung ano-ano ang pinagkukuha  nila, sinalampak nila lahat sa iisang cart. Nang mapadpad kami ni Snow sa mga ice cream ay nakita naming nag-tatalo si Kylie at Maze dahil sa ice cream flavor.

"Sabing Fudge Brownie nalang eh! ililibre na nga lita eh" inis na sabi ni Maze

"Eh gusto ko nga ng Cookie dough!" balik ni Kylie.

Pakiramdam ko ay mapipikon na si Kylie kaya lumapit ako sakanilang dalawa ang hinila ang ice cream na hawak nila.

"Ako na magbabayad ililibre ko na kayo." sabi ko nalang para matapos na ang away.

Nang makarating kami sa counter ay nagkanya-kanyang kuha din sila ng mga pinamili nila sa cart at isa-isa kaming pumila at nagbayad.

Hindi na ako ang nag drive pabalik sa condo dahil nag volunteer si Serena, bakit ko hihindian eh tinatamad ako. Habang nakatingin ako sa bintana, nagulat ako nung tumunog ang cellphone ko.

I recieved a notification from messenger, it's been a while.

Kiocumber: Uy hi hehe

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong galing kay Kio ang mesaage. Wow, kilala pa pala niya ako.

Callimansi: hello :)

Kiocumber: grabi so cold naman ma'am. Kilala mo pa ba ako?

Callimansi: yes i still know you. Hindi naman ako mabilis makalimot ng tao.

Nakaramdam ako ng inis dahil sakanya. Nakakahiya naman! Siya nga yung hindi namamansin at busy sa ibang babae tapos ako pa ang hindi nakakaalala? The audacity!

Kiocumber: bakit parang galit ka? Akala ko ba oks na tayo.

Callimansi: sino ba may sabing galit ako at yun ang dahil. You're too guilty.

Kiomansi: sorry na nga beh :((

Hindi ko siya rineplyan dahil alam ko sa sarili ko na naiinis nanaman ako sakanya. Ayokong gaguhin ang sarili oo ag sagutin siya na okay lang ang lahat.

Kiomansi: balita ko birthday mo daw sa Saturday. Hindi ba ako invited sa party ma'am? Hehe

I was surprised that he knew that it's my birthday on Saturday, he probably heard it from Zaide. Guilt suddenly crept inside me, he was very close to me after all, but i wanted to save myself.

Callimansi: Yea. Uuwi kami sa province namin tomorrow, i'll celebrate my birthday there. I'm sorry i forgot to invite you.

To be honest, i really wanted him to come with us. But i know it'll be hard for me, aasa nanaman ako.

Kiocumber: Sus! Oks lang noh, ingat kayo bukas!

Callimansi: thanks :)

I turned off my phone since we're already here. Since it's just 4:00 in the afternoon, we decided to go to the nearest mall to kill some time and to also eat our dinner, syempre katamaran nanaman namin magluto.

The Calmest WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon