#TCW13
"Girl! Kumalma ka nga!" pagsusuway sa akin ni Serena
Hinila niya ako papaupo sa sofa, at binigyan ng tubig. Tinanggap ko yun at ininom agad, kabadong-kabado talaga ako. Akala mo sasabak ako sa marubdubang defense at haharap sa terror na teacher dahil sa itsura ko ngayon.
"Ky, malapit na daw ba sila?" talong ko kay Kylie.
Kinuha niya mula sa bulsa ng shorts niya ang kaniyang cellphone, "Hindi pa rin nagre-reply si Elton." Aniya at pinakita sa akin ang huling pag-uusap nila ni Elton. Nginitian ko lang siya, akmanı tatayo na ako elit, pero hinila nanaman ako ni Serena umupo.
"Calli, chill ka lang ano ba!" panunuway nanaman niya sa akin. Sinimangutan ko siya, sumandal ako sa sofa at humalukipkip. Today is Kio's 20th birthday, and I prepared a surprise for him tonight, with the help of my friends and his friends.
Simple lang naman ang inihanda namin, nagluto ako ng paborito niya, nagkabit kami ng fairy lights, at may helium balloons na lumulutang-lutang sa ceiling ng condo ni Hyde. I also prepared a gift for him. We decided to celebrate it here, para wall talagang idea is Kio na may hinanda kami para sakanya. I told him that my parents are here and we have plans with my Kuya tonight.
Ngayon ay hinihintay nalang namin silang dumating. Hanggang 7:00 pm ang schedule nila ngayon, kaya't sakto rin talaga, nagkaroon kami ng oras para makapag prepare. It's already 7:30 pero wala pa rin sila, that's why i'm getting a little bit uneasy, kinakabahan talaga ako kasi baka maging fail yung surprise. Weird enough, something is really bothering me right now, i feel like something is going to happen, i can't even explain it, basta kinakabahan ako bukod pa sa kaba ko para sa surprise.
I decided to sit down and distract myself with my phone. While i was scrolling down my news feed, all of their phones alerted at once. I lifted my gaze and looked at them weirdly, may gc sila na di ako kasama? Kylie was the first one to pick up her phone. "what the hell..." she exclaimed in disbelief.
I was about to ask her if everything's alright, but Snow immediately blocked my way with her worried expression. "Bhie, samahan mo ko sa baba! Kulang tayo ng paper plates and utensils, hindi nakapag dala si Gav!" sabi niya at tinignan ng masama si Gavin.
I looked at his direction and he just gave us a peace sign. Napa-iling nalang ako at tumawa ng mahina, panigurading rinatatat na ni Snow si Gavin kaya hahayaan ko na siya. "Tara, bili tayo sa baba." pag-aaya ko kay Snow at kinuha na ang aking wallet.
Habang naghihintay kami ni Snow sa may elevator, naalala ko ang sabay-sabay na pagtunog nang kanilang mga cellphone kanina. "Snow" i called her. She immediately faced me, "Oh?" she asked.
"May gc ba kayo na wala ako? Bakit sabay-sabay tumunog yung mga cellphone niyo kanina?" nagtatampong sambit ko sakanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya tsaka siya umiling sa akin, "Baliw! wala kaming gc na iba, kaya lang naman siguro nagkasabay-sabay kasi NTC yung nagtext" hinugot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa, binuksan niya ang messages at ipinakita sa akin na NTC nga ang nag-text sakanya kani-kanina lang.