#TCW18
Naiinip na ako.
Ang tagal ni Kio.
Nakabusangot ako habang hinihintay si Kio dito sa starbucks. Kanina pa ako nandito, 2 hours ko na siyang hinihintay. An hour ago, nahiya nanako kaya umorder nalang muna ako ng drink. Ngayon paubos ko na yung inumin ko, iniisip ko kung bibili na ba ako ng cake. Nababadtrip talaga ako.
Kanina sobramg tagal niya pa mag-reply sa akon. Buti nalang sinagot niya na tawag ko kanina, kaya nandito pa rin ako. Kakagising niya lang daw, napuyat siya 'coz he finished his part for their group requirement. I let his reason pass, alam ko naman na naghahabol talaga ng oras lahat. Pero naiinip na talaga ako, pinipigilan ko lang talaga mainis kasi acceptable naman ang rason niya.
We're supposed to go out for a date today. Sabi niya kasi, since patapos na kami sa first sem, we needed this break, and we need to spend more time together before the holidays. My family is going to Korea for Christmas, and we're gonna spend our New year at Bataan with my Lolo's from the father side. While Kio's family will be staying here for Christams, and they'll go out of the country by New Year.
Nakatulala lang ako habang iniisip ko kung gaano katagal kaming hindi magkikita ni Kio during the Christmas break, it makes me sad, but family always comes first. Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ay natulala ako.
Shet, ang gwapo!
A familiar face was the first thing i saw. Think, Calli, think. Where did i even met this greek god of a face. Habang hinahalughog ko ang utak ko ay nakatingala pa rin ako sakanya.
"Uhm... Miss? So, can i take a seat? Wala na kasing bakante." he said.
Nakakahiya ka, Calliana!
I cleared my throat and gave him a smile. "Sure!" i beamed
Okay lang naman talaga kasi may tatlong upuan pa dito sa table. Tatlo nalang kasi kanina kinuha nang isang student yung isang chair, naki-share lang din ata sa lamesa. He sat in front of me and read his book in an instant. Damn. Sobrang gwapo talaga niya sis, ang lalim pa ng boses. Sabihin ko nga kay Maze.
I brought out my phone and sent a message to Maze.
Calli: Baks
After a few minutes, she replied.
Maze: bakit? wala akong pera.
Calli: Bobo! Kelan pa ako nangutang sayo?!
Maze: Ay sorry, akala ko isa sa mga jowa ko.
Wala naman siya nun!
Calli: Gaga, wala kang jowa.