Chapter 16

2.9K 66 0
                                    

Chapter 16

"Alam mo anak, halos di na kita makilala. Nagulat nga ako sa nalaman ko." Pag-uumpisa ni Tito Oman. "Ewan ko kung ano ang mayroon kay Cassandra bat ka nagkaganyan. Pero isa lang ang tiyak ko. Natutuwa ako, sana ay ipagpatuloy niyo lang yan bago ako mawala." Biglang pumait ang tuno nito.

Sino bang di mabibigla na ang dating banal na lalaki ngayon kung maka-asta parang nakakain na ng napakaraming puday! Kaloko, di ko inaasahang magiging ganito ang pagpapangap namin.

"Pa, walang mangyayaring masama sayo. Maaabotan mo pa kaming magka-apo, di ba Cassandra?" Sagot naman ni Kelvin.

Di ako agad nakapagsalita sa huling katagang binitawan ni Kelvin. Nakaka-bigla talaga ang pagbabagong anyo niya at di ko maiitatanging napaka-galing niya sa pagpapangap.

"Kung ganon, ihada na natin ang kasal niyo. Gusto ko sa lalong madaling panahon." Saad ng ama ni Kelvin.

Wait. What? Pagkatapos ng apo, kasal na naman. Naku-parang naiipit na kami ni Kelvin rito at sa tingin ko'y wala lang sa kanya. Di naman pwedeng i-bukaka ko ulit ang mga hita ko para mabigyan siya ng apo at mag-sabi ng I Do na labag sa kalooban! Gusto ko naman ng sencere!

Natapos kaming kumain. Maging si Kelvin ay walang naisagot sa kasal-kasal na yun. Kasalukuya'y papunta na kami sa aming kwarto. Gusto kong maliwanagan, ayoko ibukaka uli ang hita ko na nagawa ko na at pinagsisihan ko at maikasal ng bigla-bigla!

Ng maka-pasok ay agad kong sinara ang pinto.

"Don't worry, ako na ang bahala ron." Tila alam na ni Kelvin kung ano ang gusto kong sabihin.

"Di ko naman siguro dapat problemahin to, kasi tatlong araw lang naman ang pagpapangap natin. Pero ginugulo ako nito e, kaylangan bang pati apo ay papangapin natin? Pati ang kasal? Ayaw ko oyy!" Ika ko.

"Oo, alam ko."

"Basta pagkatapos ng tatlong araw ay aalis ako, bahala ka ng gumawa ng dahilan. Di ko na kakayanin pang magtagal rito, nakakapanibago ka. At na pre-pressure ako sa kagustohan ng papa mo."

"Okay, may plano na rin naman ako."

Tumango ako sa sinagot niya, di ko na rin inalam kung ano ang plano niya sa pagtatapos ng palabas na to. Nag-paalam ako para kumuha ng tubig sa kusina.

Ng makita ang ref agad akong kumuha ng baso at nagsalin ng tubig. Agad ko rin itong nilagok babalik na sana ako ng mapahinto ako sa isang silid na bukas.

"Miro, nagbalik na si Kelvin. May pakiramdam akong kukunin niya pabalik ang mga mana niya, kung mangyayari yan ay kukunti pa sa one/fourth ng buong kayamanan ni Oman ang mapupunta sa akin. Masasayang lang lahat ng pagsasakripisyo ko!" Tinig ni Tita Claire na may kausap ata sa telepono.

Tama ba ang narinig ko? Akala ko pa nama'y bukal ang kalooban ni Tita Claire gaya rin siya ng mga anak niya sabik sa kayamanan. Pero sino naman ang kausap ni Tita Claire? At anong mga sakripisyo ang nagawa na niya?

"Miro, maghanap ka ng paraan. Kung maari gusto kong mawala na si Kelvin para buo ang mapunta sa akin, sa atin."

This can't be, ito nga siguro ang dahilan bat ganon makitungo si Kelvin sa kanya.

"Sigi, gawin mo ang lahat." Mukhang ito na ang wakas sa ngayon ng kanilang pag-uusap.

Di ko narinig ang mga sagot ng kausap ni Tita Claire. One thing is clear for me right now, kaylangan tong malaman ni Kelvin.

"Cassandra? Anong ginagawa mo dito?"  Nabigla ako dahil sa tanong mula sa babaeng tila may galit sa akin.

"Du-dumadaan lang." Napakapa ako ng isasagot.

"Princess Evangeline anong nangyayari jan sa labas?" Dinig kong tanong ni Tita Claire na pansin niya ata na nasa labas kami ng silid kung nasaan siya.

"Babalik na ako sa kwarto." Pagpapa-alam ko at muli na akong naglakad.

Shit, ang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Parang sasabog na ako sa kaba!

"O, anak bat ka nakatayo jan?" Dinig kong tanong ni Tita Claire kay Evangeline di na ako muling bumaling ng tingin sa kanila. "Narinig ba niya?" Tanong uli nito na nagpabilis sa hakbang ko.

Di ko na narinig ang sagot ni Evangeline. Halos takbuhin ko na ang kwarto namin pabalik.

"Cassandra!" Rinig kong tawag sa akin ni Tita Claire na sinusundan pala ako.

May kasama rin itong yapak, sa tingin ko ay si Evangeline. Mas dinalian ko pa ang hakbang ko, malapit na!

Nahinto ako ng may humablot sa kamay ko, "Kelvin!"

Nanglilisik na mga mata ang bumungad sa akin mula kay Tita Claire, alam ko na ang sagot kung bakit ganon.

"I want you to know one thing that I can do to you and your family if you try to spill what you've hear." Bulong nito. "Yes Cassandra, I did a background check to you. Alam ko lahat ang tungkol sayo dahil may pakiramdam akong mangyayari to na pwede kong gamitin para matikom ang bibig mo!" Dagdag nito sa seryosong tono.

Mas lalo akong kinabahan sa mga binitawan niyang salita kaya di na ako nakasagot. Ano ba naman to Cassandra, pati pamilya ko madadamay!

"One thing is clear to us now, pwede kang maging hadlang sa mga plano namin kung ganon alam mo na ang kapalit, ang buhay mo at buhay ng pamilya mo. Pero kung ititikom mo lang ang bibig mo, pwede ka pa naming bigyan ng parte sa makukuha namin." Tita Claire said.

"Bat ka sumigaw Cassand... hey, bitawan mo siya!" Sigaw ni Kelvin na narinig ata ang pagsigaw ko ng pangalan niya.

"Niyaya ko lang siya mag-tea." Pag-gawa ng palusot ni Tita Claire at binalingan niya ako ng masamang tingin.

"Sa tingin mo maloloko mo ako? What happened Cassandra, bat ka napasigaw?"

Di pa rin inilubay ni Tita Claire ang masama niyang tingin sa akin, gayon din si Evangeline.

"J-just what Ti-ta,. I mean mama said......." Kinakabahan kong sagot. "Na-nabigla kasi ako, kaya na-napasigaw ako." Dagdag ko.

"I don't buy that one." Bago niya ako hinablot sa pagkakahawak ni Tita Claire.

Dinala niya ako sa kwarto, naka-hinga naman ako ng maluwag ng mawala na sa paningin ko ang mga nanlilisik na mga mata nila.

"Sa tingin ko ay may nalaman ka sa mga plano nila." Naagaw ni Kelvin ang atensyon ko. "Don't worry, alam ko kung ano ang mga yun. Di ako tanga para di mabasa ang mga galaw nila." Seryosong dagdag nito.

"Pero, nanganganib ang buhay ko at ang pamilya ko."

"Wag kang mag-alala sa pamilya mo. Di nila alam ang tunay mong pagkatao." Sagot niya.

"What? Di kita maiintindihan. Ginalugad niya ang tungkol sa akin, humanap siya ng mga pwede niyang gamitin kung maging hadlang man ako sa kanila."

"Look Cassandra, maari ngang gumawa sila ng background check sayo." Pag-uumpisa nito, iniangat niya ang nakayuko kong mga ulo gamit ang mga kamay niya. "Trust me, kung ano mang-impormasyon ang nahanap nila. Di manganganib ang pamilya mo kasi pineke ko ang ang katauhan mo. Binigyan ko sila ng ibang apelyedo nong nagtanong sila ng pangalan mo dahil alam ko, alam ko na mangyayari to. About naman sa kaligtasan mo, wag ka nang mag-alala. Habang katabi mo ako, di ka nila masasaktan." Dagdag nito.

That makes me melt, nawala ata ang mga pangambang bumabalot sa akin.

Velazquez Blood: Untouched ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon