Chapter 23
"Pa-patay ka na, pinapatay ka na ni Mama!" Natatakot na sigaw ni Evangeline.
Nakatitig lang ako sa lalaking nakatayo sa harap namin. Ganun parin ang mukha nito, nakakalula tignan. Bakas din sa mga mata nito ang galit, pero paano siya naka ligtas?
Tumawa ang isang pamilyar na lalaki papasok ng silid. Nanlaki ang mata ko ng makita si Manuel, siya ang sinabi ni Tita Claire na tatapos kay Kelvin bat siya narito?
"Ku-ya? Akala ko ba pi-natay mo na siya?" Natatakot pa rin na tanong ni Evangeline.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari dito!
"Manuel?" Tinig ni Tita Claire na kakapasok lang. "Kelvin? Bu-hay ka pa?" Bakas na rin ang takot sa mukha ni Tita Claire.
Hinarap siya ni Kelvin at sinakal. Walang ginawa si Manuel tinignan lang ito, wait. Siya ba ang sinasabi ni Kelvin na di niya inaasahang tutulong sa kanya? Kung oo, ano ang kanyang dahilan para talikuran niya ang kanyang ina.
"Manuel, tulungan mo ako." Nangangapos na paghingi ng tulong ni Tita Claire sa anak nito.
Walang itinugon si Manuel at lumapit ito kay Evangeline na naguguluhan din sa mga nangyayari. Niyakap niya ito.
"Kuya, tulungan mo si mam--."
"Hindi dapat lang yan sa kanya!" Putol ni Manuel kay Evangeline, bakas doon ang galit.
Hinarap ni Manuel ang kanyang ina, wala man lang bakas ng pag-aalala ang mukha niya.
"Di ko alam kung anong klasi kang ina! Anak mo kami di ba, ay mali. Ampon lang pala kami!" Umpisa ni Manuel.
Di ko alam kung bakit siya nagkakaganon sa mama niya, nalilito ako. Kays mas minabuti ko nalang makinig, gayun din si Evangeline dahil sa pagkalito'y nanahimik nalang.
"Manuel, magpapaliwanag ako. Tulungan mo muna ako, akala ko ba wala na ang lalaking to?" Tila nauubusan na ng hangin si Tita Claire kaya binitawan na siya ni Kelvin.
Pina-upo ni Kelvin si Tita Claire sa isang bangko at tinali. Wala paring bakas ng awa sa mukha ni Manuel.
"Okay naman sana ang lahat. Matatangap ko rin naman na ampon lang kami, alam ko rin na matatangap din to ni Princess Evangeline."
"Kuya--"
"Ang di ko lang matangap e, sa tagal nating nagsama. Ipagpapalit mo lang kami sa kayamanan? Ang buhay ko at buhay ni Princess Evangeline?"
"Anong pinagsasabi mo Manuel?" Bakas na ang pagkalito sa tinig ni Tita Claire.
"Narinig ko kayong nag-uusap ni Tito Miro ang kinilala naming ama ni Princess Evangeline." Biglang pumait ang tuno nito. "Takot kayong may kahati pa sa makukuha niyo sa tatay ni Kelvin kaya napagusapan niyong tataposin kami kasi alam niyong di kami papayag ng walang makuha dahil sa mga naitulong namin sa inyo!"
Napaatras si Evangeline sa narinig, nabigla ito. Nabigla rin ako sa mga pinagsasabi ni Manuel.
"Di ko naman ginusto yun Manuel!" Pagsuko ni Tita Claire.
"Pero pumayag ka!" Galit na sigaw ni Manuel na nagpatikom kay Tita Claire! "Kaya kinausap ko si Kelvin na tutulongan ko siya, nagpangap akong walang alam at kunwari'y sinunod ko ang utos niyo dahil ayokong mapahamak si Princess Evangeline."
Napakurap-kurap nalang ako ng biglang pagsasampalin ni Evangeline si Tita Claire. Umiiyak ito na siguro dala ng bigat ng nararamdaman. Unti-unting nawala ang galit ko sa kanya, napalitan na ng awa.
Ng matapos si Evangeline ay yumakap ito sa kuya niya. Umiiyak pa rin ito. Naramdaman kong kinakalas na ni Kelvin ang mga tali sa akin. Ng matapos ay napayakap ako sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"Sorr--"
Di ko na pa pinatapos ang sasabihin niya at inangkin ko na ang kanyang labi. Gulat pa ito nung una pero sa huli ay sinuklian niya na ito.
Shit, I miss this guys so much! Binigyan niya ako ng takot!
Mapaklang tumawa si Tita Claire na ikinaagaw ng atensyon namin.
"Wag muna kayong magsaya. Alam kong nagtagumpay si Miro, di bali ng wala kaming makuha. Buhay naman ni Oman ang kapalit!" Galit na sigaw nito.
"About that." Sagot ni Kelvin at itinuro ang pinto.
Pumasok si Tito Oman ng malawak ang ngiti. Kasunod nito ang nakapusas na lalaki bitbit ng mga polis, marahil ay si Miro ito.
"Anong ibig--."
"Di ko alam bat napapayag ka ni Miro sa mga plano niya. Alam kong ginamit ka lang niya dahil masama ang loob niya sa akin at kay Vanessa dahil kami ang nagsama sa halip na silang dalawa!" Putol ni Tito Oman kay Tita Claire.
Umawang ang labi ni Tita Claire dahil sa pagkalito.
"Alam mo bang gustong-gusto ni Miro si Vanessa hangang ngayon. Kaya gusto niyang maghiganti sa amin nung nagsama kami at ginamit ka niya!" Dagdag ni Tito.
"Di ko alam yun, sorry!" Mahinang tugon ni Tita Claire mukhang natataohan na siya na ginamit lang siya ni Miro at hindi siya minahal.
"Sorry, di na mababayaran niyan ang buhay ni Vanessa! Dahil alam ko na, na ikaw ang dahilan bat siya naaksidente!" Biglang pumait ang boses ni Tito Oman.
Mapaklang tumawa si Tita Claire, "Okay, tangap ko na ang pagkatalo ko. Pero makakabawi naman ako, malapit ka ng mamatay Oman dahil sa akin!"
Tumawa ng malakas si Tito bago nagsalita, "Anong malapit na? Di ako bobo para hindi magtaka sa mga gamot na binibigay mo sa akin kaya nagpangap ako ng may sakit kahit di yun iniinom at ginamit yung paraan para mapabalik si Kelvin dahil naaamoy ko na kung ano ang gusto mo."
Natikom ang bibig ni Tita Claire. Maging ako ay di nakapagsalita sa mga naririnig!
BINABASA MO ANG
Velazquez Blood: Untouched Man
Romansa(This is my first major story, having multiple chapter. I am not good as your idol writer but I want to give it a try.) Before you proceed to another story, pwede ba kitang abalahin? Okay, Imagine a scene. Bed Scene para wild. Imagine that Virgin si...