Chapter 9

3.5K 64 0
                                    

Chapter 9

Akay-akay ko ngayon ang bulaklak na binili sa akin ni Ethan at ang mga paper bag na may laman ng pinamili ko. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako binilhan isang bouquet ng Calla Lilly marahil siguro sa sinabi kong bibili ako para sa sarili ko nong magtanong siya kaya nakaramdam siya ng awa? Yun na siguro yun.

Pagkatapos niya akong bilhan ay agad siyang umalis, meeting daw. Siguro masyadong busy siyang tao, o busy sa babae? Pwede, gwapo siya.

Kasalukuya'y naglalakad ako sa daang di ko alam, naligaw yata ako. May pinuntahan pa kasi ako pagkatapos sa flower shop, alam niyo na tawag ng gutom. Di ko ata napansin na napalayo na ako sa hotel na tinutuluyan ko. Magdidilim na rin, pagkatapos ko kasing kumain pumasok pa ako sa isang Mall. Oo na, ako na ang dakilang lakwatsera.

Nasa isang makitid na eskeneta ako ngayon, binabaybay ang medyo mahabang kalyeng kinakain ng dilim. Di ko alam kung nadaanan ko ba to, exactly. Kasi may naalala akong makitid na daan nung mapunta ako sa Mall. Nagtanong na ako kung saan ang hotel na tinutuluyan ko, di ko naman maintindihan ang mga direksyong pinagsasabi nila. Wala na'rin akong perang dala, naubos na naiwan din kasi ang credit card ko sa hotel room ko.

Di ko na pansin na may nakatayo na palang tatlong banyaga sa harap ko sa dami-rami ng iniisip ko.

Sinubukan kong bahagyang lumiko para makadaan dahil nakaharang sila sa daraanan ko, ganun din ang ginawa nila. Tila, may binabalik silang masama sa akin.

"Wh-what do you want?" Natatakot ko na tanong.

Ngumisi naman ang isa sa kanila. Doon ko napagtantong amoy alak ang hininga niya.

"Just, one night with you lady." Sagot nito.

Sa sinabi niya'y tumalikod ako sa takot at humakbang, di pa man ako nakakadalawang hakbang ay hinarangan naman ng kasama niyang dalawang lalaki ang daraanan ko. Napaatras ako sa ginawa nila sanhi ng paglapat ng likod ko sa katawan ng lalaking nagsalita.

Ramdam ko ang init ng katawan ng lalaking nasa likod ki at ang naninigas niyang alaga.

"Cassandra, di oras ng libog ngayon! Nasa panganib ka." Bulong na turo ko sa sarili.

"Just one night with you lady." Ika ng lalaki na nasa likod ko at sinubukan akong hagkan sa leeg.

Di pa man niya nagagawa ay hinarap ko ito at tinadyakan ang bayag. Tatakbo na sana ako ng hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila kong kamay sanhi ng pagkalaglag ng mga bitbit ko.

Ngumisi ang lalaking nakahiga at tumayo, lalapit na sana ito ng bigla itong natumba. Sa gulat ay napapikit nalang ako, binitawan rin ng dalawang lalaki ang kamay ko at alam ko ay may sinugod sila.

Tanging ungol mg sakit ang naririnig ko. Hanggang ngayon ay nakapikit parin ako sa takot, kung sino man ang tumulong sa akin nawa'y bigyan ka ng pambihirang lakas.

Lumipas ang ilang minuto ay may narinig akong papatakbong yapak. Di kaya natalo ang tutulong sa akin kaya napatakbo nalang? Shit, oo malibog ako pero ayaw ko naman ulit mangyari yung alam mo na sa taong di ko mahal.

Naramdaman kong may humawak sa dalawa kong braso at pinilit ako makatayo, di ko parin minulat ang mga mata dahil sa takot at kabang nararamdaman.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tinig mula sa pamilyar na lalaki, tinig na huli kong narig tatlong linggo na ang nakakalipas.

Iminulat ko ang mga mata ko at di nga ako nagkakamali, ang lalaking mala adonis ang dating at ang lalaking gusto kong kalimutan, Kelvin.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ako no?" Imbes na sumagot sa tanong niya ay yun ang nasabi ko.

Kumamot ito sa kanyang batok at nagsalita. "Oo, e. Ayos ka lang?"

"You mean, galing pilipinas hanggang dito sa Canada?"

"Hindi, nauna ako dito. Di ko nga alam na nandito ka." Depensa nito.

"Nakita kita sa Mall." Dagdag nito ng makitang di ako mukhang naniniwala sa kanya. "I have bad feelings, kaya sinundan kita. Di ka ba magpapasalamat sa akin dahil niligtas kita?"

Napagtanto ko naman na nagsasabi siya ng totoo. "Salamat." Ika ko sabay tapik sa braso niya

"Ahhhhh." Napadaing ito sa sakit sa ginawa ko.

Nagtaka ako, napuruhan ba siya? Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at pina-ilaw ang flash nito. Nakita ko ang sugat sa kanyang braso mula sa isang matulis na bagay. Isa lang ang na isip ko, kutsilyo.

"Ma-may tama ka?" Ika ko.

"Saan ka ba pansamantalang tumutoloy dito? Hatid na kita, para wala ng mangyaring masama sayo." Pag-iiba nito ng topic.

Bahagya kong sinuntok ang tiyan niya sa sinabi niya. Di ba siya nagaalala sa ginawa niya?

Tumawa lang ito sa ginawa ko at halatang alam niya na para saan ang ginawa ko.

"Malayo naman ito sa bituka."

"Dominus Hotel." Ika ko.

Lumawak ang ngiti nito sa labi, parang may ano? May kakaiba.

"Kung alam mo yun, ihatid mo ako. May first aid kit doon at doctor ako. Kaya kong linisan ang sugat mo." Dagdag ko.

Mas lumawak pa ang ngiti nito, di ko na alam anong iisipin. May lason ba ang kutsilyong yun para mabaliw na ang lalaking to?

"Kung hindi mo alam, paheram nalang ng pera. Sasakay tayo ng taxi, bayaran lang kita pagdating natin sa hotel."

Tumalikod ito at naglakad. Alam siguro niya ang sinasabi kong hotel kaya sumunod nalang ako.

Ilang minuto nasa harap na kami ng hotel. Ang dating malawak niyang ngiti ay nawala na sa ngayon.

Tatalikod na sana ito para umalis ng hilain ko siya papasok. Di naman kaya ng konsensya ko kung may mangyaring masama sa lalaking to dahil sa pagtulong lang niya sa akin. Di ko rin inakalang magapapatianod lang ito sa ginawa ko.

Ng marating naman ang kwarto ay hinanap ko agad ang first aid kit.

"Mahapdi to, pero konti lang." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

Tila wala parin itong emosyon, simula pa nong marating namin ang hotel na to.

Nilapit ko naman ang cotton namay halong gamot para sa paglilinis ng sugat sa medyo may kalaliman niyang sugat. Kaya pato ng first aid, alam ko.

Napangiwi ito ng malapat ko na ang bulak sa sugat niya pero di ito gumalaw.

"This one will burn." Ika ko naman ng papahiran siya ng panibagong gamot para sa sugat.

Wala parin itong imik, gaya ng kaninay napangiwi lang ito. Nang matapos ay tinapalan ko na ang sugat niya at niligpit ang kit.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito na ikinabasag ng katahimikan.

"Wala, nagpapahinga lang. Relax, you know. Stressed sa trabaho." Pag gawa ko ng alibi.

Lingid sa kaalaman niya na siya ang dahilan bat ako nandito.

"Akala ko parehas tayo ng dahilan." Sagot naman nito.

Di na ako muling nagsalita ng mapansin kong magsasalita pa siya. Bumuntong hininga ito at muling ibinuka ang bibig. "Andito ako para sana kalimutan ang nangyari sa atin."

Paulit-ulit ko munang intindihin ang sinabi niya? Ganun din ba siya ka apektado sa mali naming nagawa?

Velazquez Blood: Untouched ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon