Chapter 1
(Cassandra's POV)"One more, Misis! The baby is almost there!" I said in low tone, para naman mabawas-bawasan kong papano ang pressure na dinaranas ng nanganganak.
"Ahhhhhhhhh!" Isang malakas na eri, galing kay Misis Lacson, ang nanganganak.
"Ongaaa..." -New Born Baby's Cry
Another successful Labor, Congrats Cassandra you did a great job.
I handed the baby to Nurse Joy, my assistant Nurse para malinisan. Tinahi ko naman ang dapat tahiin, then I check Misis Lacson's health and Condition para malaman kung stable na ba siya.
"Dr. Tuazon!" Tawag sa akin ni Nurse Joy sabay bigay sa baby na malinis na sa ngayon.
I handed the baby to it's mother, ito kasi dapat ang pagkakataon na ma feel ng baby ang presensya ng mommy niya.
It was a healthy little boy, shit. Manang-mana sa asawa ni Mrs. Lacson. Maganda ang hubog ng mukha ng bata, siguradong may itsura pag laki and hey, his little buddy down there! May tinatagong laki, daks kaya si Mr. Lacson? I wish I have one like him!
.
."Congrats Dr. Tuazon!" Bati sa akin ni Nurse Joy for having a successful labor.
"Congrats also, Nurse Joy! You also did a great job. Biruin mo, pang-apat na yon sa araw nato." Sagot ko.
Yes, May tatlo pang nauna kaming pina-anak ni Nurse Joy nitong araw na to. Nakakapagod talaga, and thanks God! Out ko na, makakauwi na rin ako at makakapagpahinga.
"By the way Nurse Joy, mauuna nako. I just want to rest na kasi, kapagod." Pagpapa-alam ko.
"Okay po Doktora, maya-maya nalang po ako. Hihintayin ko pa si Julius." Sagot naman nito.
"Nako Joy ha? Wag niyong demonyohin tong office ko, may CCTV o. Magvi-viral talaga kayo kung may gagawin kayo rito." Lokong habilin ko sa kanya.
Me and Nurse Joy has strong bond, she was my first assistant nung nagsimula akong magtrabaho dito sa Dr. Plaza Memorial Hospital, Age of 27.
"Ms. Cassandra, my god. Di talaga namin yun gagawin ni Julius rito no, baka maingit ka!" Sagot naman nito.
Normal na sa aming magbiruan everytime matapos ang trabaho namin, she is my friend a true friend here.
"Buti alam mo! O siya, alis na ko. Enjoy!" Pagpapa-alam ko at agad umalis.
Baka pag di pa ko umalis di na ko makauwi kaka-usap namin.
I am now walking papuntang karatig na convenience store para makakain, gutom na rin ako e, kapagod ng maghanda ng makakain. Nilakad ko lang, pinagawa ko pa kasi kotse ko atsaka malapit lang naman tong store. Then, pagkatapos sasakay nalang ako ng bus pauwi sa condo ko.
When I finished eating I checked my wrist watch para tignan kung anong oras na.
"11:36, o my. Malapit na ang last trip ng bus." Bulong ko.
So I immediately run sa bus stop and thanks God naabotan ko ang bus yun ngalang punuan. So, wala na akong choice di kasi ako makakauwi if mamimili pa ako.
Masyado ng masikip sa loob ng bus, sa katunayan halos sardinas na kami rito ngayon. Okay lang, malapit rin lang naman condo ko.
One caught my attention, shit. What a aroma! Ang bango, it is kinda a masculine perfume from a random stranger here. I tried to find kung saan galing ang amoy ng biglang nagbrake ang bus and some accidentally touched my precious butt!
"You, flirt!" I shouted and give the man with a crisp slap. "Bastos!" Sigaw ko pagkatapos.
"Are you out of your mind miss?" Tila nalilito nitong tanong.
Woah? Am I talking to God Adonis, the man adored by the Goddess of beauty Aphrodite? Shit, that thick brows and lashes! That navy blue eyes, and kissable thin lips matches his perfect symmetrical face and dark black nicely cut hair. Wait, erase-erase. Binastos ako ng mokong nato e!
"If you want ass bitch! Go find some prosti, di yung nanghahawak ka! Mukha ka namang mayaman e!" Sigaw ko.
Di porket mala-adonis ang beauty mo hahayaan naman kitang bastosin ako. Manigas ka!
"Miss are taking drugs? Naku, ilegal yun. At anong nanghahawak, ano ka sineswerte?" Sagot naman nito.
Woah? Ako pa nagdru-drugs ha!
"Well did you know too sir, illegal din yang panghihipo? Sa katunayan pwede kitang kasuhan ng Republic Act of amm, of. Basta, pwede kitang kasohan!" Sagot ko naman.
Pasalamat ka di ko alam yung R.A na yun.
"For your information too miss, pwede kitang kasohan ng Slander o Oral Defamation sa pagbibintang mo ng walang ebedinsya! Additionally, pwede rin kitang kasuhan ng Physical Injury dahil sa pananampal mo!" Sagot naman nito.
May God, wala akong alam sa pinagsasabi niya. Ang alam ko lang sobra ata ang Physical Injury na kaso para sa sampal, pa epal din e.
"Wow, magaling! Ako pa talaga tinatakot mo?" Sagot ko naman.
Halos ata lahat ng atensyon ng tao sa bus ay nasa amin na.
"Ma--am." Tawag sa akin ng ginang na nakaupo malapit sa akin.
"Yes po manang?" Magalang kong sagot.
"May sasabihin po ako, wag sana kayong magalit." Ika nito na tila nangangam ba.
"Yes po manang, di po ako nagagalit sa mga taong mabuti. Maliban sa mga taon MANYAK!" Diniinan ko talaga ang pag sabi ng manyak para marinig ng lalaking nanghipo sa akin.
"Paranoid ka na ba miss?" Tanong naman ng lalaki.
"Baka ikaw sir?" Sagot ko naman.
Kapal ng mukhang mag sabi ng paranoid!
"Ang apo ko po ang nanghipo sa inyo." Sabat naman ng ginang.
Ha?
"Wha-at? Please, enlighten me manang." Ika ko ng narinig ang sinabi ng matanda.
"Di naman yun sisadnadya, nagbrake po kasi bigla." Sagot naman nito habang nakayuko at akap-akap ang batang lalaki, mga 6 years old siguro ang edad.
"Ammm, ehhh. Okay lang po yun manang." Kinakabahan kong sabi.
Ano ba tong pinasok mo Cassandra! Nakakahiya, tagal naman ng susunod na bus stop malapit sa condo ko para makaalis na ko rito.
"Pero sa akin di okay!" Tila naiinis na sabi ng lalaki.
Halos naman ng tao sa bus ay nagtawanan dahil sa nangyari. Ayoko na, nakakahiya na. Dagdag pa tong lalaking to e!
"Ah ehh, Sir Pogi! Sorry na, akala ko ikaw yun e!" Ika ko.
Ang dating palaban, ngayon para nang tutang nabahag ang buntot. Kainis.
"Kalimutan na natin yun, please!" Ika ko sa pag-asang madadala pa ang lahat sa limot, tiwala!
"You committed a serious thing, at pinahiya mo pa ko sa harap ng maraming tao. Blaaa-blaaa." Dami pang sat-sat!
Oo na, ibabayad ko na ang katawan ko. Happy? Joke, di ako papayag na rumihan ng lalaking to ang holy body ko, though gwapo siya! Ay basta, ayoko!
Sa swerteng ganap, narating na ng bus ang bus stop na malapit sa condo ko, kaya dali-dali akong bumaba. Wala ng lingon-lingon importante maka-alis na at makalayo na sa lalaking yun.
"Message!"
Ringtone yan nang Cellphone ko, kaloka ang ganda no?
Agad ko namang tinignan at binasa ang message galing sa unknown number.
'Nagmamadali ka atang bumaba Dr. Cassandra Wang Tuazon ng Dr. Plaza Memorial Hospital. Natakot kaba? By the way, I am Kelvin Velazquez. I am pleased to met you, nga pala nalaglag mo ID mo ng nagmamadali kang bumaba so nakuha ko information at number mo. Don't worry, makukuha mo naman tong ID mo bukas. And be ready, maniningil pa ko sa ginawa mo.' Laman ng text message galing sa unknown number.
Ang gandang tanga mo naman Cassandra!
BINABASA MO ANG
Velazquez Blood: Untouched Man
Romansa(This is my first major story, having multiple chapter. I am not good as your idol writer but I want to give it a try.) Before you proceed to another story, pwede ba kitang abalahin? Okay, Imagine a scene. Bed Scene para wild. Imagine that Virgin si...