Chapter 22

2.7K 58 0
                                    

Chapter 22

Ng dahil sa mga napagtanto ko ay natahimik ako.

"Pero, sorry Cassandra. Alam kong narealize mo na ang lahat but sadly patay na raw si Kelvin!" Ika ni Tita Claire bago ito naglakad.

Wala pa rin akong nasagot.

No, hindi pwedeng patay na si Kelvin!

"Anong gagawin natin ka papa?" Tanong ni Evangeline sa ina niya.

"Don't worry, nandon na si Miro para mapilitan itong permahan ang mga papelis na nagdidikta na sa atin na ang mga kayaman niya." Sagot sa kanya ni Tita Claire.

Ninais ko mang magsisigaw dahil sa mga gawain nila pero parang natutup ako sa mga narinig ko kanina.

"Paano? Di naman magiging epektibo ang perma niya hanggang di pa siya namamatay." Ika ni Evangeline.

"Sigurado akong malalagutan din siya ng hininga pagnakita niya ang bangkay ng nagiisa niyang anak. Malubha na ang ginawa nating sakit sa kanya, pwede na siyang atakihin sa puso ano mangoras ngayon na mas padadaliin ng nakakagimbal na pangyayari sa anak niya!"

Tumawa naman si Evangeline, bakas sa mga yun ang kasiyahan sa mga narinig. Wala na talagang papantay sa mga ito! Ubod ng kasamaan!

"Cassandra, sasaya ka rin sa piling ko. Pangako!" Narinig ko si John na nagsalita.

Ibinalin ko sa lalaking traydor ang paningin ko. Nasusuka na ako sa mga sinasabi niya. Di ko alam kung paano niya na tiis si Kelvin! Sigurado akong may pinagsamahan na sila pero bat nagawa niya parin to.

"Magimbal ka nga sa pinagsasabi mo!" Galit na sagot ko sa kanya.

"Alam kong galit ka pa dahil sa nangyari. Naiintindihan kita pero lilipas din yan, alam kong mamahalin mo rin ako pagkatapos nito."

"Hindi ko alam kung saan ka pa nakakuha ng lakas ng loob para sabihin yan sa akin! Di kaba nandidiri sa pinagagawa mo? Dahil ako, diring-diri!"

"Kaibagan ko lang yun, ikaw. Ikaw mahal kita. Kaya nagawa ko yun!" Pagpapaliwanag nito.

"Gagu ka ba! Kay babaw ng dahilan mo para pagtaksilan si Kelvin. Mahi--."

Di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong siniil ng halik. Ninais ko mang buwagin ito pero di ko magawa dahil nga sa nakatali ako.

Ng matapos siya ay dinuraan ko siya sa mukha. Di ko na kinaya ang pandidiri ko sa kanya, gusto ko na siyang pagsasakalin at patayin.

Alam kong nagpipigil lang ng galit si John para di ako saktan. Kitang-kita ko sa mata niya ang mga galit sa akin.

"John, let me do the pleasure." Ika ni Evangeline sabay hablot ng buhok ko. "Alam kong di mo kayang saktan si Cassandra kaya tutulungan kita."

Walang sinagot si John, mukhang payag ito sa gagawin ni Evangeline.

Kinalad-kad niya ako gamit ang buhok ko at isinandal sa pader.

"Siguraduhin mo lang na di ako makakawala--"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinikmuraan.

"Ano? Di ko narinig." Nilapit niya pa ang tenga niya sa bibig ko, nagpapangap na di narinig ang sasabihin ko.

Nandidiri man ay kinagat ko ang tenga niya. Gamit ang lakas ng baba ay hinigpitan ko pa ito, nakaramdam rin ako ng pagagos ng dugo mula sa tenga niya.

"Aray!" Sigaw nito sa sakit ng ginawa ko.

Bahala na, makaganti lang. Sinikmuraan naman niya akong muli sanhi ng mapabitaw ako sa pagkagat sa tenga niya.

Mukhang namanhid ang tiyan ko sa ginawa niya kaya napa nangisi nalang ako. Di alintana na puno na ng dugo ang bibig ko.

Nagdurogo na rin ang tenga ni Evangeline, galit na galit ito nakikita ko sa mga mata niya. Nagmukha man akong aswang, wala akong paki-alam.

Sasampalin ulit ako ni Evangeline ng biglang natumba si John na ikinatigil niya.

"Hindi!" Sigaw ni Evangeline.

Di ko alam kung bakit siya napasigaw dahil ang tingin ko ay naka'y John na mukhang wala ng malay sa sahig. Anong nangyari sa kanya?

"Di ko na ulit pang hahayaang may manakit sa babaeng pagmamay-ari ko!" Isang sigaw mula sa lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nabibingi lang ba ako? Bakit, bakit ko naririnig ang boses ni Kelvin.

Velazquez Blood: Untouched ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon