Chapter 20

2.9K 54 0
                                    

Chapter 20

Tahimik kaming lahat habang kumakain, gayon din si Tito Oman siguro dahil alam na niya na may nangyari sa amin ni Evangeline. Mula rin kagabi ay di ko na kinausap pa si Kelvin dahil sa mga katagang binitawan niya kahapon, nalilito na talaga ako sa lalaking to. Di ko na alam kong parte pa ba to ng pagpapangap namin, di naman kasi ako bobo para di maintindihan yun e. Pero pwede ring may iba siyang dahilan.

"Cassandra, gusto kong humingi ng tawad sa ginawa sayo ni Evangeline." Pag-uumpisa ni Tito Oman na bumasag sa katahimikan.

"Oman." Saway ni Tita Claire sa kanya, marahil alam na rin ni Tita Claire.

"Okay--"

"Evangeline mag-sorry ka na." Putol sa akin ni Tito Oman.

"No! Siya ang nauna---."

"Princess Evangeline!" Putol rin ni Tito sa kanya.

That damn excuse! Ako pa talaga ang pinagkakalandakan niyang nauna!

"Sorr--"

"Okay lang, kalimutan na natin yun." I cut her out, ayoko kasing makarinig ng sorry na kaplastikan.

"Mabuti, kumain na ulit kayo." Masayang sabat ni Tito Oman.

"Di ka rin ba hihingi ng tawad sa akin Cassa--."

"Enough Princess Evangeline!" Saad ni Tito Oman sa malalim na boses.

Binalingan ko ng tingin si Evangeline na masama ang titig sa akin gayon din ang ina nito na halatang pinagsumbungan na niya. Pero, napansin kong wala si Manuel, saan ito? Marahil may ginagawa, wag naman sanang ginagawa na pwedeng ikakapahamak namin ni Kelvin. Sa pagkaka-alam ko kasi dawit din siya sa mga masasamang balak nila Tita Claire.

Natapos kami sa aming pagkain ng bigla-bigla akong hinila ni Kelvin palabas papunta sa isang malawak na damuhan sa likod ng mansion nila. May nakahanda ng sapin at may basket na sa gitna, mukhang magpi-picknik kami rito, di siguro na natiis ni Kelvin na magdamag akong tahimik sa kanya.

Cassandra don't over think! Okay?

Ng bitawan niya ako ay umupo siya, gayon din ako.

"Isa rin to sa paboritong tambayan namin ni mama." Ika niya.

Napangiti ako ng maalala ang tahimik na lugar kung saan kinausap ni Kelvin ang puno, mukhang kinahiligan ng mag-inang ang mga tahimik na lugar.

"Bat mo ko sinama rito?" Tanong ko.

"Gusto ko lang kasi na makapag-relax ka bago ka umalis bukas, alam mo naman. Simula ng dinamay kita rito, gumulo na ang buhay mo."

Natutup ako ng maalala kong pangtatlong araw ko na rito. Napakabilis ng pangyayari, mukhang di napansin ng isip ko ang paglipas ng panahon. Tatlong araw lang pala ang pagpapangap namin, pero bakit ayaw kong umalis?

"Di ba sabi mo, sa ayaw at sa gusto ko aalis ka na pagkatapos ng tatlong araw dahil tapos na rin ang napag-usapan nating pagpapangap. Sa totoo lang, ayoko pang umalis ka. Siguro kahibangan ang dahilan ko pero gusto pa kitang makasama sa miserabling buhay ko pero wag kang mag-aalala. Hahayaan kita, makaka-alis ka ng tahimik bukas. Naka-handa na rin naman ang plano ko."

"Ayokong umalis." Di ko alam bat ito ang nasabi ko, dinidiktahan ata ng puso ko ang bibig ko.

Kumunot ang noo nito ng humarap ako sa kanya.

"Gusto kong makitang bumagsak ang mag-iinang yun." Umpisa ko. "Lalong-lalo na si Evangeline."

"Pero--"

"Wala ka pa bang maaring gawin para matapos na sila?" Pag-iiba ko ng topic kasi ayaw ko talagang umalis.

"Marami na akong nakuhang ebidensya laban sa kanila sa tulong ng isang kaibigan na di ko inaasahang tutulong sa akin." Sagot nito.

Sino ang kaibigang di niya inaasahang tutulong sa kanya.

Natawa ito, "Natawa nga ako ng malaman ang gusto nilang gawin sa akin. Gusto na nila akong mawala para ang lahat ng mana ko ay mapunta sa kanila. Mas nakakatawa to, dahil sa akala nilang di na ako babalik dahil naglayas na ako, binigyan nila ng sakit si papa. Oo, sila ang dahilan bat nagka-cancer si papa. Dahil sa pinapainom nilang gamot, sa kagustuhang mawala na ito at mapasa na sa kanila ang yaman ni papa. Pero nong bumalik ako, itinigil na nila ang pagpapa-inom kasi alam nilang pagmawawala si papa, sa akin lahat ang bagsak ng mga inaasam-asam nila."

Kumuyom ang mga kamay ko dahil sa mga narinig ko, napakasama nga nila!

"Pero may isa pang di malinaw at di rin na sagot ng tumutulong sa akin. Bat nadawit si Tito Miro."

Naalala ko ulit ang sandaling narinig ko si Tita Claire na kausap ang pangalan na yon.

"Narinig ko ang pangalan yan, nung aksidenting napadaan ako sa kwarto nila isa rin sa dahilan bat nila ako kinompronta." Ika ko. "Kausap niya si Tita Claire, di ko nga lang maintindihan dahil si Tita Claire lang ang naririnig ko. Pero isa lang ang nakakasiguro ako, masama rin yan! Kasabwat yan nila Evangeline." Dagdag ko.

Tumango ito, "Pumasok na rin yan sa isip ko pero bakit? Bakit tutulongan ni Tito Miro sila Tita Claire, ang alam ko ay naghiwalay sila dahil sa pagtataksil ni Tita Claire sa kanya. Sa pag-sama ni Tita kay papa."

I see, may nakaraan silang dalawa pero bakit nga ba? Ano ang papel ng taong nagngangalang Miro sa kwentong ito?

"Si Miro ba ang ama nina Manuel at Evangeline?" Tanong ko dahil pwede rin ito.

Tumango ito bago pumait ang ngiti kaya kahit na marami pa akong tanong ay nanahimik nalang ako.

"Natatawa ako pagna-aalala ko ang nangyari sa inyo ni Evangeline kahapon." Pag-iiba nito sa topic.

Napangiti ako ng maalala ang naka-awang na bibig ni Evangeline ng makita akong naka two piece.

"Di ko inaakalang papatulan mo siya Cassan--"

"Bakit sino ba siya para katakotan? Effective na man di ba?" I cut him out.

Natawa ito, di ko alam kung bakit.

"Iba ka talaga Cassandra. Di mo ba siya kilala? Nakapunta ka nga ng Canada."

"Mukhang mas kumakampi ka pa sa kanya? Bakit sino ba siya?" Medyo naiinis na ako.

"Wala ka bang nakitang magazine doon. Brochure man lang?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Model siya sa Canada. Sikat, pero dahil rin kay papa. Alam mo naman gaano ka laki ang pangalan ni papa."

"Kahit na, alagang beauty pageant to no!"

Yeah, nakwento na rin ni Kelvin sa akin ang lahat pang pagaari ni Tito Oman sa Canada gaya ng Bar, Resort, Condo Building at marami pang iba na nagbigay sa kanila ng karangyaan dahil rin sa mama ni Kelvin. Nalaman ko rin na maliit na business owner lang si Tito Oman ng magkakilala sila ni Tita Vanessa, nanay ni Kelvin na anak ng isang mayamang angkan sa Canada. Kaya nung nagsama sila nagtrabaho sila ng buong sipag hanggang natayo nila ang mga pag-aari nila. Kaya nga lang namatay si Tita Vanessa dahil sa isang car accident.

"Dito lang ako Kelvin, tutulungan kita!" Bulong ko sa kanya ng tumahimik ito. "Ihi muna ako, naiihi ako e."

"Doon ka nalang sa puno!" Pagloloko nito.

"Gagu!"

Tumayo na ako at naglakad papasok ng mansion gamit ang back door. Narinig ko pa itong tumatawa dahil sa biro niya, yung lalaking yun parang manyakis na. Di na mababakas ang dating virgin man!

"Maganda ba sa pakiramdam ang pagpapangap ha, Cassandra?"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Di ako nakasagot, dahil nakaramdam ako ng kaba.

"Nagulat ka Cassandra? Nagulat rin ako sa narinig ko!" That confirmed my thought narinig kami ni Evangeline.

What to do now?

Velazquez Blood: Untouched ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon