Chapter 18

2.8K 50 3
                                    

Chapter 18

Kasalukuyan naming binabay-bay ang daan pa punta sa kanilang resort, medyo malayo-layo rin daw ito. Nasa ibang sasakyan kami ni Kelvin habang sina Tito Oman at Tita Claire ay nasa ibang sasakyan na pinagmamaneho ni Manuel. Ewan ko kung saan si Evangeline ang pagkaka-alam ko may susundoin itong kakilala.

"Anong pinag-usapan niyo ni Princess Evangeline?" Kelvin suddenly asked.

Di pa niya alam, pagkabalik ko kasi ng kwarto galing kay Evangeline ay agad akong nakatulog. Sakto pa na naliligo siya sa pagpasok ko.

"Nah, makikita mo mamaya." Nakangiting tugon ko ng maalala ang sungitan namin kagabi.

Tinawag ba naman akong mataba. Well, tignan nalang natin. Alam kong mapapanganga ka nalang pagnagawa ko ang plano ko.

"Malapit na tayo, pero may gusto muna akong puntahan."

Tumango naman ako. Iniba ni Kelvin ang direkasyon sa sinusundan naming sasakyan nila Tito Oman, di naman siguro nila napansin. Pumasok kami sa isang tawagin nalang nating masukal na daan. Kahit saan ka tumingin ay puro puno ang makikita mo. Huminto ang sasakyan ng pumarada ito sa isang malaking puno. Lumabas naman si Kelvin at agad akong sumunod.

"Ma, ipinapangako ko na bibigyang linaw ang pagkawala mo." Mababakas ang lungkot sa tinig ni Kelvin.

Nakaharap siya sa malaking puno. Minabuti ko munang di siya gambalain.

Umupo muna ako sa paanan ng isang kahoy malapit kay Kelvin. Itinaas ko ang mga binti ko at niyakap ito. Pinagmasdan ko lang ang lalaking seryoso ang tingin sa puno. Pwede kayang dito nakalibing ang mama niya?

Matapos ang ilang minuto ay may naramdaman akong tumabi sa akin. Iminulat ko ang aking mata at nakita ang nakangiting mukha ni Kelvin.

"Naka-iglip ka ata?" Tanong nito.

"Hindi ah, niraramdam ko lang ang katahimikan ng lugar."

"Yeah, maganda rito no?"

"Kung di mo mamasamain, dito ba nakalibing ang mama mo?" Di ko na talaga mapigilang magtanong.

Ngumiti ito, "Hindi, sa Canada nilibing si mama. Doon kasi siya nagmula."

Canadian pala ang nanay ni Kelvin, mababakas naman na may dugong banyaga si Kelvin. Sa itsura palang at tindig ng pangangatawan.

"Halika na?" Iniabot niya ang kamay niya at tinulungan akong makatayo.

Ng marating namin ang resort, bumungad agad sa akin ang napakagandang tanawin. Dagdag pa ang napakalamig na simoy ng hangin, tama lang ang sikat ng araw. Naririnig ko rin ang ingay mula sa dagat na asul. Di nga nagkamali ang mga narinig ko, maganda talaga sa palawan.

Naglalakad kami ngayon sa pinong puting buhangin pa punta sa cottage kung na saan sila Tito Oman. Sa di kalayuan ay matatanaw mo ang isang babaeng napaka-daring ang suot. Halos lumawa na ang dede at pumutok ang pangibabang bahagi ng one piece. Si Evangeline ang babaeng yun.

Bago kami nagpasyang magpunta sa cottage ay nagbihis muna kami ni Kelvin. Nakasuot siya ngayon ng plain white na sando, tinirnohan ng Black floral short. Ako naman secret, tinabunan ko muna ng malaking T-shirt.

"Cassandra!" Sigaw ni Evangeline ng makita ako.

Niyakap niya ako, halatang plastic.

"Let see what you've got!" Bulong na paghahamon nito.

Di na ako sumagot pa. Bumaling ang pansin nito sa kasama kong lalaki, Kelvin. Niyakap niya ito, ganon pa rin. Wagas makadikit ng dede.

Kumaway rin sa akin si Manuel na nakaTop less. Si Tita Claire naman ay nginitian ako. Tong mag-iinang to parang walang masamang gawain, ang kakapal!

"Kelvin, bumisita ka ba sa paborito niyong lugar ng mama mo?" Tanong ni Tito Oman.

Tumango naman si Kelvin. Siguro maraming masayang ala-ala ron si Kelvin kasama ang kanyang Ina.

"O, Cassandra. Wala ka bang napili sa mga swimsuit ni Evangeline?" Tanong ni Tito Oman ng mapadako ang Tingin niya sa napakalaking T-shirt na suot ko.

Ngumiti ako at tumango rin. "May na dala naman po akong undergarments na pwedeng pang beach."

Lumawak ang ngiti nito, "Sigurado akong mababaliw ang anak ko kapag nakita ka niyang suot yun."

Ngumiti naman ako. Naglakad na si Tito pa balik ng cottage. Dumako ang tingin ko kay Kelvin na namumula ang mukha. Hinila ko nalang siya papasok ng cottage baka sa dala ng init kaya namula siya.

"Cassandra, di ka maliligo?" Bungad na tanong ni Tita Claire.

Bait-baitan, nakarating na siguro sa kanya ang balitang di ako nagsumbong kay Kelvin at alam ko kung kanino galing, sa maldita niyang anak. Pero, may di sila nalalaman.

"Maliligo po."

"Ang suot mo kasi." Puna nito.

"Katunayan po, suot ko na ang susuotin ko mamaya. Tinabunan ko lang, nahihiya po ako e." Sagot ko.

Tumango naman ito at nagpaalam na magbibihis daw siya. Napadako ang tingin ko sa isang lalaking kasama ni Evangeline na papalapit sa cottage, si John. Siya kaya ang sinundo ni Evangeline? May namamagitan ba sa kanila o may pinaplano na naman tong babaeng to. Imposible namang alam niya na Ex ko si John.

"Bro!" Sigaw ni John at niyakap si Kelvin.

"Naligaw ka ata?" Lokong tanong ni Kelvin sa kanya.

"Nah, sinundo ako ng kapatid mo." Sagot naman nito. "Oy, Cassandra."

Ngumiti ako bago nag-iwas ng tingin. Ang awkward sa pakiramdam. Umupo naman ito sa bakanting upuan katabi si Evangeline na seryosong nakatitig sa akin.

"Maligo na tayo?" Sigaw ni Manuel at nagtatatakbong pumunta sa dalampasigan.

"Tara!" Aya sa amin ni Tito Oman.

Kung di ko lang alam na may sakit si Tito Oman ay mapagkakamalan ko itong napakahealthy na tao. Masayahin, mapagmahal at higit sa lahat di nawawalan ng sigla. Pero hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung ano ang sakit ni Tito, ang importante ay matuldukan na sila Tita Claire.

"Sabay-sabay na tayong maligo." Ika ni Tita Claire at hinubad ang telang nakabalot sa kanya.

Maganda ang hubog ng katawan ni Tita Claire. Tinirnuhan niya ito ng puting once piece, halatang alagang alaga niya ang katawan niya.

Tumayo naman si Evangeline at rumampa sa harap namin. Feeling din e, pero atleast maganda naman ang suot niya. Mukhang maliit lang sa kanya.

"Halika na Cassandra." Aya nito sa akin ng nakatapak na siya sa buhangin.

Seryoso nga siya sa pagkalaban sa akin. Hmm, okay pagbibigyan kita.

Tumayo ako at naglakad pa punta sa gitna ng cottage sinigurado kong makikita ako ni Evangeline. Huminga muna ako ng malalim dahil sa totoo lang kinakabahan ako.

Ginaya ko kung paano maghubad ang lalaki ng damit. Umihip agad sa katawan ko ang malamig na simo'y ng hangin ng mawala na ang tanging tumatakip sa halos hubad kong katawan.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Evangeline sa di niya inaasahan. I am just wearing a plain black pair of undergarments. Inshort panty at bra lang ang suot ko, napilitan lang ako. E, kinalaban niya kasi ako. Di naman ako gaanong self conscious sa katunayan nga ay sumasali ako nong kabataan ko sa mga beauty contest which is normal ang magsuot ng ganito.

"Woah, di mo sinabing ang ganda rin pala ng katawan mo doktora?" Puri sa akin ni Manuel na basa na ang katawan.

Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad papunta sa kinatatayuan ni Evangeline.

"Let the battle begin?" Bulong ko sa kanya.

Velazquez Blood: Untouched ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon