Chapter 17
Sumagi man sa isip ko na mukhang dinamay niya ako sa gulo ng pamilya niya, di ko nagawang magalit. Dapat nga ay nangagalaiti na ako dahil nananahimik na ako pagkatapos naming maka-uwi sa Canada bagkus iba ang nararamdaman ko. Hindi galit ang nasa puso ko, kundi awa.
"Alam ko ang dating sayo ay parang dinamay kita, wala lang talaga akong pagpipilian. Gusto kong mapasaya si papa." Kelvin said.
"Okay lang, ang alam ko ay nagsisigaw na dapat ako sa galit ng nalaman ko na parang dinamay mo ako sa gulo niyo pero hindi e. Ewan ko ba kung bakit, gusto ko pa atang tulungan ka." Sagot ko. "Bat mo pala alam na may plinaplano na silang masama?" Tanong ko.
Kung di pa ako makakalimutin ay sinabi niyang alam niya kung bakit ako kinompronta ng mag-iina dahil nga sa may nalaman ako.
"Ah yon ba?" Huminga ito ng malalim. "Nung lumayas kasi ako ay ginawa ko ang lahat para maka-paghanap ng maari kong gamitin laban sa kanila. Dahil una pa lang, may nararamdaman na akong masamang hangarin sa kanila." Dagdag nito.
"Ha?" Nalilito ako sa mga pinagsasabi niya. "So sila ang dahilan ng maglayas ka?" Dagdag ko
"Oo, nagsinungaling ako sayo sa parting ikakasal na ako kaya naglayas ako. Ang totoo okay lang kay papa ang mga disisyon ko. Ginawa ko lang yon para mapapayag ka, pero wag ka sanang magalit." Sagot nito.
Cassandra bat di ka galit? Niloko ka o, wag mong sabihin na okay lang.
"Ewan ko ba bat di ko magawang magalit-galit sayo sa mga nalalaman ko. Magkwento ka pa."
"Katunayan, wala na si mama nung umalis ako. Namatay siya sa isang aksidente at alam ko na may kinalaman si Claire dahil sa pagkawala ni mama ay siya rin ang pagsulpot niya, todo alaga pa nga ito sa papa ko hanggang nahulog na sa kanya si papa. Alam rin ni papa na may mga anak ito sa una nitong asawa, una ay sinubukan ko silang tangapin pero kalaunan ay napag-dugtong dugtong ko na ang mga kapipirangot na mga impormasyong nakuha ko."
Nararamdaman ko na unti-unti na rin akong nalilinawan sa mga sinabi ni Kelvin, isa-isang nawawala ang mga katanungang bumabagabag sa akin simula ng tumapak ako sa mansion nila.
"Ipinapangako ko na tutuldokan ang mga masasamang hangarin nila." Biglang kumuyom ang mga kamao nito.
"Kelvin, hibang man kung pakikingan. Gusto kitang tulungan, dawit na ako rito e." Nakangiti kong ika sa kanya.
Hinawakan ko rin ang nakakuyom na kamao nito.
"Salamat, pero ang maitutulong mo lang talaga ay galingan ang pagpapangap na Girlfriend ko sa loob ng tatlong araw, ayoko ng madamay ka pa."
"Hindi ba sapat ang tatlong araw para mapagbayad mo sila?"
"May mga blanko pa kasi sa mga nakukuha ko." Sagot nito.
"Kung alam mo nong una pa na may masama na silang balak bat di ka nagsabi kay papa mo?"
Di ko na napigilan ang sarili ko at natanong yon. Di rin siguro ako matatahimik pag di yon nasagot.
"Sinubukan ko." Biglang pumiyok ang tinig nito. "Pero alam mo na, matindi ang kapit ni Claire kay papa kaya mas pinaniwalaan ni papa si Claire."
Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko sa sagot ni Kelvin. Sino bang di masasaktan kung ganoon ang nangyari.
"Basta kung may maitutulong ako, gagawin ko." Bulong ko sa kanya bago ko siya niyakap.
Tahimik lang ako sa pagkain habang nag-uusap ang mag-ama. Napag-usapan rin kasi namin ni Kelvin na sakyan ko si Tita Claire. Ako ang naka-isip non, para man lang ay madagdagan ang iniisip ni Tita Claire at di maka-focus sa plano dahil sa akin para na rin magamit ni Kelvin ang mga oras na sasayangin ni Tita Claire mapunan pa ang mga butas na maaring magpabagsak kay Tita Claire.
Natapos kaming kumain ng haponan ng tahimik, ako lang pala ang tahimik. Parang wala rin lang kasi kina Tita Claire, ang kakapal ng mukha. Nalaman ko rin na bukas ay pupunta kaming lahat sa private resort nila, dahil nalaman nilang gustong-gusto kong maligo sa dagat. Ewan ko kung papano nila nalaman basta ang importante ay natupad rin ang kagustuhan ko rito!
"Pwede ko bang kausapin si Cassandra? Gusto ko lang ipakita sa kanya ang mga swimsuit ko, baka may mapili siya at maisuot bukas. Mukhang wala kasi siyang dala." Ika ni Evangeline na pangiti-ngiti.
"Magandang ideya Pricess Evangeline." Papuri sa kanya ni Tito Oman. "Cassandra, mahilig mag swimming ang anak ng mama Claire mo kaya sigurado akong marami siyang swimming wear na pwede mong magamit bukas."
Bakas ko sa mga mata ni Kelvin ang pagtutul. Mabuti na rin na di siya nagsalita, baka mabulilyaso pa kami. Mabuti na rin to para mas mapaniwala ko silang wala akong nasabi kay Kelvin at may takot ako sa kanila.
"Opo." Tipid na sagot ko.
Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Evangeline. Alam ko na may pinaplano siya kung masama man ay di ko siya hahayaang magtagumpay.
"Tara?" Aya ni Evangeline bago tumayo at naglakad.
Nagpaalam muna ako kay Tito Oman at Kelvin bago umalis at sumunod kay Evangeline. Napadpad kami sa isang silid pangbabae, kung di ako nagkakamali kwarto ito ni Evangeline.
"Masaya ako na walang alam si Kelvin." Paguumpisa nito. "Pero, di ibig sabihin non ay ligtas kana. Simula ng lumapit ka kay Kelvin ay para mo na ring inilibing ang kalahati ng katawan mo." Naka-ngisi nitong dagdag.
Tama nga ako, di naman ako bobo para di maintindihan ang gusto niyang iparating. Gusto niya si Kelvin at ewan ko ba bat pa siya nakakaramdam ng pagkagusto e dawit naman siya sa masamang balak ng kanyang ina.
"Oo, nakaramdam ako ng takot. Ninais ko mang lumaban 'di ko magawa dahil alam kong idadamay niyo ang pamilya ko!" Pag-uumpisa ko. "Alam kong may gusto ka kay Kelvin pero wala ka nang magagawa nandito na ako." Tila nanuyo ata ang lalamunan ko sa pinagsasabi ko.
Nawala ang ngiti sa labi ni Evangeline, napalitan ito ng galit. Di nga ako nagkakamali.
"Alam ko, pero nakakasigurado akong sa pagbagsak ni Kelvin kasabay non ang pagiwan niya sayo."
Hindi ko alam bat may naramdaman ako sa sinabi niya. Hindi kaba o takot. Kundi kirot na hindi ko maiintidihan kung saan nangaling.
May kinuha ito mula sa kama at hinagis sa harap ko, isang bagong pares ng damit pang ligo. Swimsuit.
"Oo, totoo ang swimsuit part ayoko namang bumalik ka doon ng walang dala magmumukha pa akong sinungaling pero di ko naman hahayaang gamitin mo ang pagmamay-ari ko di rin naman kasi kasya sayo, mukha kang mataba e."
Pinulot ko ito at hinagis pabalik sa kanya. Di ko talaga gusto ang tabas ng pananalita niya.
"Thank you nalang pero mas gugustuhin ko pang gamitin ang mga undergarments ko bukas kesa sa mga yan na galing sayo. Di hamak na mas maganda ang qualidad ng akin kesa jan mukhang pipitstugin!" Katagang lumabas sa bibig ko bago lumabas sa silid.
Makikita mo bukas Evangeline!
BINABASA MO ANG
Velazquez Blood: Untouched Man
Romantiek(This is my first major story, having multiple chapter. I am not good as your idol writer but I want to give it a try.) Before you proceed to another story, pwede ba kitang abalahin? Okay, Imagine a scene. Bed Scene para wild. Imagine that Virgin si...