Chapter 9

21 7 2
                                    

Chapter 9

Hindi ako maka-focus sa lesson ng aming guro sa hindi malamang dahilan. Maaga naman akong natulog at nakakain naman ako nang maayos. Pero why naman ang lutang ko.

"Miss Aurillo? Is miss Meghan Aurillo present?" Tanong ng dean pagkapasok niya ng classroom.

Nagtaas naman ng kamay si Meghan. Nakangiting tagumpay pa ang gaga.

"Yes po, dean? I'm here!"

"Come with me. Bring your things," seryosong sabi ni dean.

"Why dean?"

"Ah basta. Nagtatanong ka pa? Oh baka gusto mong sabihin ko sa klase ang kabulastugan mo?"

Nagsimula namang magbulongbulongan ang mga kaklase ko sa classroom.

Sumunod agad si Meghan kay dean palabas.

"Huy, alam na ba ni dean yung ginawa ni Meghan?"

"I don't know. Nasa phone ko lang naman yung nagiisang evidence. Kaya malabong dahil dun ang dahilan," sagot ko kay Maeve.

Lesson. Lesson. Recitation. Standing ovation.

Potek, ang saya.

Halos kalahati ng klase ay nakatayo ngayon sa surprise board work sa math. Pati nga ako ay muntikan na mapatayo.

Bakit gano'n ang ibang guro? Magpaparecitation ng lesson na 'di pa naman natuturo? Kabwiset duy!

"Huy... Delia baka naman," bulong sa'kin ni Maeve.

Nakatayo ngayon si Maeve dahil hindi nakaka sagot sa mga tanong ng guro.

"Psh, lesson 'yan nung grade 8. 'Di mo ba natatandaan?" Bulong ko pabalik.

"King*na, lesson nga last week hindi ko tanda, nung grade 8 pa kaya?"

Natawa naman ako sa sagot niya. Tiningnan ko ang board at pumunit ng papel sa notebook ni Maeve para isolve ang expression na pinapasagutan kay Maeve.

Hinahanap ang inverse ng f(x) = 2x + 5

Dali lang naman eh.

Sinolve ko na ang function at nilagyan pa ng explaination sa gilid ng kada line para may masabi si Maeve kapag tinanong siya ni ma'am. Pasimple kong ibinigay kay Maeve ang papel na may solution. At sakto naman na tinawag siya para magsolve sa unahan.

Hindi napansin ni ma'am Wilde na tumitingin si Maeve sa papel na binigay ko sakanya dahil naglalakad ito na parang nililibot ang classroom.

Abot tenga naman naman ang ngiti ni Maeve at nag thumbs up pa sa'kin nang matapos niyang ma-solve kuno ang inverse ng function. I just rolled my eyes at nginitian siya.

"Very good miss Buenafe," the teacher complimented her. "Now explain to your classmates on how did you come out with the answer."

Pasimpleng tumalikod si Maeve at tiningnan ang papel na binigay ko. Bopols talaga 'tong babaeng 'to. Imbis na isaulo na ang explainations. Grabe naman kung hindi pa niya yun maintindihan.

"What are you looking at miss Buenafe?" Tanong ni ma'am Wilde.

Mukhang naintindihan naman ni Maeve ang ginawa kong solution at lumiwanag ang mukha niya.

"Sorry ma'am, I just have rashes on my hands. He. He. He."

Inexplain naman niya isa-isa ang linya sa sinulat niya sa black board na color green.

May mga konting loop holes nga lang sa mga sinabi niya pero hindi na yun pinansin ni ma'am Wilde at pinaupo na siya.

"Uy gagabells! Thankie ah?"

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon