Chapter 5

33 9 1
                                    

Happy reading!!

Chapter 5

Nasa loob na ako ng kotse namin at pauwi na ako. Hindi ako pinayagan na mag stay sa dorm ng school dahil dalawang linggo lang naman daw ako papasok dun.

Ako na lang at ang driver ang na rito sa sasakyan dahil half day lang pala sila Stella kanina.

Iniangat ko ang kamay na sinusuotan ng smart watch at sinambit ang pangalan ni Meghan.

Nasa backseat ako kaya baka hindi naman mapansin ni Mang Go, driver namin, kung mag hohologram form ang mga informations.

Meghan R. Aurillo

November 13, 2003; 15 years old

Mother: Epifenia Rosales-Aurillo
Father: Oryol Sandres Aurillo VI
    -both are members of an organization in Indonesia. Their first born is the succesor.

Siblings:
Oryol Sandres Aurillo VII; January 01, 1993; 26 years old
Ivory Eia Aurillo; August 18, 2008 ; 12 years old

Marami pang impormasyon na lumabas pero wala naman akong napansing kakaiba kaya inoff ko na ang relo.

"So they already gave you their early gift for your introductorial ceremony?" Nagulat naman ako nang biglang nag salita si Mang Go.

"A-ah, hindi ko lang sure kung early gift 'to sa'kin ni tita para sa introductorial ceremony ko kasi binigay lang 'to para sa first mission ko."

Tumingin naman si mang go sa rear view mirror na nakakunot ang noo at halos mag salubong na ang kilay nito "First mission? But the ceremonial of the high rank officials ng Menace of Darkness is not even held yet."

"Dapat ba na magkaroon ng seremonya bago maatasan ng misyon?" Tumango naman si mang Go "Wala naman nasabi si tita at mom."

Tumingin ako sa may bintana at napagtanto na nasa harap na pala kami ng bahay

Binuksan ko na ang pinto ng kotse nang nagtanong ako kay mang Go.

"Teka, bakit may alam ka tugkol sa Menace of Darkness? Are you some what....  part of it?"

But instead of answering my question he just gave me his sweetest and meaningful smile kaya bumaba na lang ako at pumasok na sa bahay.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig pero halos umalis sa katawan ang kaluluwa ko sa aking nakita.

Si kuya Clark at ang fling niyang si Kate, naghahalikan sa island counter.

Jusko naman kalandian ng dalawa. Kadiri.

Tumikhim ako at parang nabuhusan ang dalawa ng malamig na tubig at dahil sa hiya ay niyakap ni kuya ang babae na pulangpula ang mukha at nagtago sa dibdib ni kuya.

Pa-sweet mode si Kate, plastic naman 'pag wala si kuya. Wowers.

Ako naman ay dumiretso sa ref para uminom ng tubig.

"You two go to your room. Mukhang may plano na kayong bigyan ako ng pamangkin." sabi ko bago lumabas ng kusina.

Narinig ko namang may sinigaw si kuya kaya kumaripas na ako ng takbo patungong kwarto.

Bumaba na ako dahil kakain na raw sabi ni ate Kate.

"Nasa'n si mom?"

"Pumunta ng France kaninang umaga, bisitahin daw si Dad." sagot naman ni kuya.

"Yun lang?" Tumango naman si kuya.

"Aray!" Sabi ko at napahawak sa batok ko.

"Ay anong nangyare sa'yo?" Tanong ni ate Kate sa'kin

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon