Chapter 6

32 7 13
                                    

Chapter 6

Lumipas ang mga araw at finally, sa wakas, huling araw ko na bilang exchange student.

Dream come true! 'Di ko na kailangan magpanggap na gusto ko ang eskwelahang ito.

Friday na ngayon at maayos na maayos ang araw ko.

Hays, sino naman ang 'di gaganda ang araw kapag last day na sa pagiging exchange student? Well, maliban kay Vicky.

"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan." pukaw ko sa nakatulalang Vicky.

Ngumuso naman ang bruha, "Eh kasi mamimiss ko 'to"

"Ano namang nakakamiss dito? Eh ang maganda lang naman dito ang mga pagkain sa cafeteria nila."

Bumusangot naman si Vicky at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa niyang reaction paper tungkol sa stay namin dito sa Minerva University.

Yung reaction paper ko kasi ay last week ko pa natapos. Puro kaplastikan lang naman ang nilagay ko dun. Baka kasi may magreklamo kung ilalagay ko dun na:

Dear ma'am Lanie,
  
                                    Masasama po ang mga budhi ng mga taga Minerva University. Lalo na po si Meghan Aurillo. Masyado pong pasipsip. Hehe lovelots ;3

Oh, 'di ba baka mag karoon ako ng VIP pass niyan sa guidance office pati na rin sa office ng principal.

Bilang ko lang ang mga taong may matinong utak dito sa  eskwelahan.

Gulat nga ako nang malaman ko nung isang araw na bumagsak si Meghan sa isang quiz dahil hindi siya pinagaya ng top 2 sa klase na si Maeve.

At dahil inaakala ni Meghan na ako ang dahilan sa pagkawala ng trono niya bilang queen b ay pinagpiyestahan lang naman ako ng mga alipores niya. They pulled pranks on me pero palagi ko naman ito nalulusutan.

One time, they planned to throw eggs on me in the hallway. Pero dahil sigurista ako nagsuot ako ng leather jacket at nang nakita ko ang isa sa mga alalay niya ay binuksan ko ang payong ko at iniharang ito sa akin kapag may tumatapon ng itlog.

Sayang nga nung mga itlog, paborito ko pa naman yun.

Hyst, buhay nga naman parang life.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si mom.

"Hello? Sino 'to? Wrong number ka miss. Chapy ka chapy. Krek-krek-krek." sagot ko saka tumawa.

Lumayo muna kay Vicky na hanggang ngayon ay 'di pa tapos ang two pages reaction paper niya.

"Anak ka talaga ng tatay mo." sagot ni mommy at natawa naman ako.

Malamang, alangan anak ako ng pinsan ko?

"Hey 'nak, mamaya pumunta ka sa café na malapit diyan sa Minerva, mga tatlong kanto siguro 'yon. Susunduin ka namin."

"Ah, bakit po hindi na lang dito sa loob ng school?" Kunot noong tanong ko.

"Basta, saka susunduin natin ang daddy mo." lumiwanag naman ang mukha ko sa sinabi ni mom.

"Talaga?! Uuwi si daddy?"

"Malamang kaya nga susunduin natin diba?" Sabi ni mom at humalagapak ng tawa sa kabilang linya.

Wow! Alagad ni confucius! Philosopher si mother.

"Oh, basta after class pumunta ka na sa café," sinabi niya ang pangalan ng café. "Maglakad ka na lang malapit naman yun."

Pagkatapos ay binabaan na ako ng telepono.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon