Chapter 17

51 6 6
                                    

Chapter 17

"Baby, sige na pansinin mo na 'ko."

"A-yo-ko sabi."

Nandito kami ngayon sa condo unit niya. It's supposed to be our date yesterday pero hindi siya naka-sipot agad dala nang emergency nila sa Dark Cave. I understand his reason, but he should've called or at least texted me.

"Delia naman, alam mo naman na malaking responsibilidad ang naka patong sa'kin sa Dark Cave," pilit niyang pagpapaliwanag.

"Ugh! 'Di ka ba titigil?"

"Delia naman.."

"Alam mo ba kung ilang oras ako naghintay doon?" Halos magtatalong oras akong naghintay sa napagusapan naming lugar. Kung hinda pa umulan ay hindi ko pa maiisipang umuwi, "Tatlong oras, Dex. Tatlong oras ako roon."

Ngumuso naman siya at naglakad palapit sa'kin. Niyakap niya ako at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. "Galit ako sa'yo. Alis ka riyan."

"Hindi ako aalis dito hanggat 'di mo ako pinapatawad," sabi niya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ko

"Eh di 'wag! Pake ko sa 'yo?"

Itutulak ko na sana siya nang hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa'kin. "Uuwi na ako alis ka riyan."

"I'm so sorry, baby."

 Fuck, since when did I became soft?

"Ano bang mero'n sa'yong lalake ka at napapalambot mo ako ng wala sa oras?"

Inangat niya ang tingin sa'kin pero hindi pa rin kinakalas ang pagkakayakap. Ngumisi siya na parang nangaasar.

"So... I can make you soft anytime, huh?"

"Argh! Ang landi landi mo na!"

Nagpapadyak ako patungo sa sofa at pabagsak na umupo doon. Kinuha ko ang cellphone ko pero hindi ko naman ginamit. Nakatapat lang ito sa mukha ko pero hindi ko binubuksan. Nakatingin lang ako sa kawalan at ilang minutong hindi pinansin si Dexter.

"Delia, mag salita ka naman, oh," sabi ni Dex na ngayon ay nasa tabi ko na. Iniripan ko lang siya at umusog papalayo sa pwesto niya. Lumapit ulit siya sa akin kaya tinapakan ko ang sapatos niya

"Aray! Bago pa lang to, uy."

I made a face at iniripan siya ulit. Wala akong planong pansinin siya, pero may plano akong asarin siya.

"Delia, magsalita ka na."

"Ano namang sasabihin ko?" iritado kong tanong

"Sabihin mo, Salamat Shopee."

Inis kong ibinato sa kanya ang isang maliit na libro pero agad naman niya itong nasalo. Hindi ko na napigilan ang sarili kaya napatawa na rin ako. Para kaming tanga na tumatawa dahil sa walang kwentang bagay.

"Ano ba kasing ginawa ninyo at hindi ka naka-sipot kahapon?"

"Uhm.. Stuffs that you don't want to know."

Dahan dahan akong tumango dahil sa sagot niya. I know every move that the Dark Cave does. I have the help of Emman for tracking the moves of every member of the Dark cave. I know you all think that I acted overly earlier, well, half of that was real. Nabagot ako kakaantay sa kanya pero hindi naman ako galit.

"Galit ka pa ba?" tanong niya.

"Nood tayo ng cartoons," suhestiyon ko.

"Ha?"

"Hangaw."

Kumunot ang noo niya at napatingin sa akin. "What's hangaw?"

"Wala," natatawa akong in-on ang tv at inilipat ang chanel sa pambatang palabas.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon