Chapter 7

29 8 8
                                    

Chapter 7

"He'll live." sabi ko kay kuya Clark pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nangyari kanina.

Tapos na rin ang introductorial ceremony patungkol sa pagiging menace ko. It's already past midnight. Siguro mga 2 am na nang makauwi kami sa bahay dahil may simpleng birthday celebration pang naganap kanina.

"Mom, totoo po ba yung sinabi ni kuya na dapat yung first born na babaeng anak ang susunod sa sa magulang bilang menace?" tanong ko kay mommy na nasa passenger seat.

"Oo, halatang 'di ka nakikinig sa mga Judicature kanina nang sinabi ang mga laws."

Nakaka-boriiiiing kaya.

"Pa'no kung hindi ako magkaanak ng babae? I mean pano kung lahat lalake ganun?"

"Edi try and try until you succeed."

Napa-face palm na lang ako sa sinabi ni daddy at pinalo naman siya sa braso ni mom.

Alam ko na talaga kung kanino nagmana si kuya.

"Happy birthday ulit, Delia." sabi ni Dad nang makapasok kami sa bahay. "You sure that you don't want to celebrate your debut?"

Nginitian ko si dad, "Yeah. I'm fine with an intimate celebration, dad. Ayaw ko ng engrandeng birthday party."

Lumungkot naman ang mukha ni daddy. "I want the best for my princess, but okay we'll just celebrate your birthday as simple as possible."

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpasalamat.

I'm so dead tired. Pagkatapos ba naman nung sinaksak ko yung si Anubis ay may tatlong naka itim na jacket rin ang humabol sakin. Mabuti na lang nga at nakita ko agad ang kotse ni kuya sa harap ng nasabing café kaya sumakay agad ako roon at pinaharurot agad ang sasakyan.

Mabuti na lang at sabado ngayon. Birthday ko. Walang pasok. At higit sa lahat ay hindi na ako sa Minerva mag-aaral!

Nag-half bath lang ako at diretsong humiga nang pabagsak sa kama.

"HAPPY BIRTHDAY, DELIA! OUR SUPER DUPER ULTRA MEGA BEAUTIFUL DAUGHTER.."

Literal na napalundag ako pag pasok ko ng kusina. Kumpleto sila. Sila dad, mom, kuya Clark, Stella, tita Lanie, at ang iba ko pang mga pinsan.

May tarpauline pang dala-dala sila kuya Harold at ang kapatid nitong si kuya Rex

Napabusangot ako nang makita ang mukha ko sa tarpauline na sigurado akong si kuya Clark ang nagsuggest.

"Hoy! Mga kupal talaga kayo! Bakit ganyan ang mukha ko sa tarp? Ha?" Singhal ko sa dalawa kong pinsan na naka hawak at ito namang magaling kong kapatid napahawak pa sa tiyan sa sobrang pagtawa.

Ang sarap pag-umpugin.

"Ang cute naman ah? Parang ang lalim ng dinudukot mo sa ilong mo." nagsitawanan naman ang mga lintek kong pinsan.

Mga kupal. 'Di ko sure kung magkapamilya ba talaga kami o ano.

"Ano ba kayo tara na nga kanina pa kami gutom. Tinanghali pa nang gising 'tong si Delia."

Pumunta na kami sa may garden para mag celebrate. Tinanghali na pala ako ng gising tapos mga isang oras pa ako bago lumabas ng kwarto para maligo at iniisip na isa na akong ganap na menace.

"Happy birthday, Delia!"

Bati rito. Bati roon. Hindi ko na nga maasiwa kung sino sino ang mga bumabati at nagbibigay ng regalo sa'kin.

Hindi naman ganito nung mga nakaraan kong kaarawan. Maybe this has something to do with being the menace.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng garden sa kabilang dulo ay ang mga bata na nag lalaro. Sa gitna naman ay mga normal na tao. At sa kabilang dulo naman ay ang ang mga gurang kong pinsan na nagiinuman kasama si kuya Clark.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon