Chapter 4

55 8 9
                                    


Chapter 4

Pangatlong araw ko na rito sa Minerva University. At wala naman akong ibang napansin maliban sa walang nag rerecite sa classroom na 'to.

Maliban sa isa.

The girl named Meghan Aurillo.

Nagkaroon kami ng pop quiz kahapon at nang inanounce kanina ang scores ay halos lahat maman kami ay naka perfect

Star section ang napasukan ko bilang exchange student. Pero I really have no idea kung bakit walang naglalakas loob na mag recite. Mukhang walang pakealam ang mga teachers sa nangyayari.

Hindi pa ako nag paparticipate sa anumang activities dito dahil wala talaga akong kaalam alam sa nangyayari sa room na 'to.

Mathematics ang subject ngayong umaga at nagtanong ang teacher sa amin.

"What kind of sequence is this: 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21, 34, 55 ..." basa niya sa naka flash sa powerpoint presentation.

Agad agad namang nag taas si Meghan.

"Yes miss Meghan?" bored na sambit ni ma'am.

"Fibonacci Sequence!" taas noong sagot ni Meghan at ngiti ngiti pa.

"Very good miss Meghan" bored ulit na sabi ni ma'am.

Nagmumukhang teacher's pet ah, mukhang aso na pet.

"Can somebody tell me the tenth row of Pascal's Triangle and the sum of that row."

Magtataas na sana ng kamay si Meghan nang magsalita si ma'am.

"Except for you miss Meghan. Nakakasawa ka na."

Pilit kong inalala ang nilesson namin nung first grading dahil lesson namin 'to doon.

Itinaas ko ang aking kamay at nakarinig ako ng mga mahihinang bulong.

"Wow, the exchange student"

"1, 10, 45, 120, 210, 252, 210, 120, 45, 10, 1" sabi ko at minental math ang mga numbers para ma add "and the sum of the 10th row is 1,024 = 2 raise to the 10th power."

"Impresive, tell me darling what's your name again? And what's school are you from." Sabi ni ma'am bago ako umupo.

"I'm Delia Anastasia Frollante from University de Ethereal."

Pagkatapos kong magpakilala ay umupo na ako.

Tinapos na ng guro ang discussion at nagpaiwan pa ng balakid sa panonood ko ng anime dahil sa lintek na assignment na 'yan.

Inayos ko na ang mga gamit ko at pinuntahan si Vicky sa kabilang room para isama sa lunch.

Inihiwalay kami ng classroom para raw sa iba't ibang environment kami exposed.

Kasama naman ni Vicky si Nyssa kaya hindi naman siya mag mumukhang outcast 'di tulad ko walang kakilala ni isang estudyante rito.

Palabas na sana ako ng classroom nang may tatlong babaeng humarang sa'kin.

Si Meghan at mga alipores niya.

"Hoy, who do you think you are? At bakit ka nag aastang matalino por que sa star section ka nakapasok." tanong ni Meghan na nakataas ang kilay na halos umabot na sa hairline niya.

"First question, my name is Delia. Kung nakikinig ka kanina eh malamang alam mo na kung sino ako." pabalang kong sagot sa kanya

Get ready to be pissed, bb gurl.

"Aba't namimilosopo ka ah. Well, I can't blame you. Mga walang modo ang mga estudyante sa University de Ethereal." sabi ni Meghan na iniikot-ikot pa ang dulo ng rebonded niyang buhok.

"Kanina ang topic natin ay ako at kung gaano ka kapikon dahil hindi ikaw ang natawag sa recitation kanina. Tapos ngayon ang eskwelahan na pinanggalingan ko?"

"Oo kasi para sa baboy ng eskwelahan ninyo." Sabi ni Meghan habang nag lalagay ng liptint na binigay kanina ng isa niyang alalay.

"Well, miss Meghan, may I remind you that the University de Ethereal is just second of Minerva University. At kung nag babasa ka ng history ng University ninyo ay malamang alam mo rin na kung hindi nag donate ng malaking halaga ang eskwelahan namin ay hindi naman aabot ng ganto karangya ang University ninyo..."

Nakarinig ako ng mga 'woah' sa paligid. Pinalilibutan na pala kami ng mga estudyante dito sa hallway

"... At sa sinasabi mong baboy ang University namin pati na rin ang mga estudyante? You might want to look at the surveys in the page of DepEd and see what University got the first rank in cleanliness. And undefeated for 20 years sa mga quiz bee..."

Tiningnan ko ang oras sa smart watch ko at 10 minutes late na ako for lunch

"... Maybe that would change your mind and might want to think first before you speak."

"Pfft, like I care?" inis na sabi ni Meghan. Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa.

"Excuse me, dadaan na ako at baka masapak kita ng 180 degrees."

Pagkasabi ko nun ay nilapagsan ko siya para pumunta sa canteen.

Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay naka salubong ko sina Nyssa at Vicky.

"Delia, kanina ka pa namin hinahanap kala ko ikaw na yung pinagkakaguluhan dun sa harap ng classroom niyo" sabi ni Vicky .

"Ako naman talaga."

"What? Anong ginawa mo?" Tanong ni Nyssa.

Habang kinakain ang order namin ay ikinwento ko sa kanila ang nangyari kanina.

"Ano?! Dahil lang dun ay pinag-initan ka na ng Meghan na yun?" Gulat at galit na response ni Vicky at tumango naman ako.

"You don't know Meghan. Any moment or day from now eh baka pag pyestahan ka ng mga supporters niya" sabi ni Nyssa. May supporter 'yon? Anong tawang sa kulto niya? Meghanatics?

"Well, I don't give a damn. Ano bang masama sa pag recite sa recitation? Palagi na lang kasi siya ang sumasagot sa teacher, nag mumukha ng sipsip."

"Meghan is like the queen bee here in the university. Just like you. Pero unlike you, Delia. Ikaw mabait siya eh medyo sa sama ng loob pinaglihi kaya maitim ang budhi." pagkukwento ni Nyssa.

"First year pa lang kami ay siya na lagi ang nag rerecite. Sa mga quizes, exams, at project na nga lang kami humahabol para makasali sa top. Pero siya pa rin ang top 1." hininaan ni Nyssa ang boses niya at lumapit sa'min ng konte "bali-balita nga na binayaran niya ang mga kasali sa top 10 last year para manahimik para siya ang top 1 this year."

"What the hell. Matalino nga madugas naman ang pag uugali." singhay naman ni Vicky habang nginunguya ang hotdog

"Bakit daw niya yun ginawa?" Tanong ko.

"Ewan. No one knows pati yata boyfriend nun hindi alam eh."

"Himala may jowa yun? May pumatol?" Sabat na naman ni Vicky.

"Sa kasamaang palad, mero'n nga."

"Sino?" Sabay namin tanong ni Vicky

"Si Dexter Zarios Luxurios."

Labyo.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon