Chapter 18

37 6 7
                                    

HAPPY 1.01k READS! 🦖02-11-2021

Chapter 21

Tinitigan ko siya nang direkta sa mata habang nag-iisip ng isasagot sa tanong niga kanina.

"I'm sorry."

"What?" he looked at me.

"I s-said, I'm sorry," sagot ko ng diretso. "We can't be together. We are part of two rival groups. Hindi tayo pwede, Dex."

"Wha— No! This can't be!"

"Yes it can. Hindi tayo para sa isa't isa. Magkalaban tayo."

"You— you're a menace?"

"Yes, I am."

"So you chose that damn organization before me?!" He shouted. He doesn't seem to care of the students surrounding us.

"D-dex.."

"Pareho kayo ng mama ko," he sounded tired. "Huh, nagkamali talaga ako sa'yo"

"Delia?"

Nagulat ako sa biglaang pag-tapik sa 'kin ni Maeve. "H-huh?"

"Anong 'ha'? Kanina ka pa nakatitig kay Dexter. Mga three minutes na"

What? Tatlong minuto akong nakatitig sa kawalan. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Pinaghalong kilig, inis, at takot.

Though I was just daydreaming earlier, the thought of leaving the man I like felt like a massive punch to my heart.

"Anong nangyari habang nakatulala ako?" tanong ko kay Maeve na nasa tabi ko ngayon.

"Wala naman masyado," she answered. "Ilang beses ka lang namang tinitignan ni Dex habang bumalik siya sa pagkanta dahil hindi ka sumasagot sa kanya."

"Sh*t, nakakahiya."

"Sinabi mo pa."

Like what Maeve said, Dexter is back singing love songs. Ilang minuto ulit ang lumipas bago tumigil si Dexter at naglakad palapit sa pwesto namin.

"Hey, baby..."

I was frozen in place.

"Delia, kanina pa kita tinatawag pero hindi ka tumitingin sa'kin," ngumuso ito.

"A-ano kasi. Ano hehe," hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin. Ano? Sasabihin ko bang na-iihi ako sa kilig?

"That's okay," he sweetly smiled at me. At kahit konti lang ang ilaw na nakatutok sa 'min, naaninag ko pa rin ang kislap ng ngipin nito. "So have you thought about my question earlier?"

"W-what question?"

"Seriously?" parang bumagsak ang balikat nito. "Hindi mo ba narinig o gusto mo lang ulitin ko pa para sa'yo?"

"Uhm.."

Humakbang ulit si Dexter palapit sa akin. This time, halos magdikit na ang katawan naming dalawa. "Baby..."

"Will you be mine?"

Biglaan kong hinila ang batok ni Dexter at walang pakundangang inilapat ang labi ko sa binata.

Matapos ang ilang segundo ay ako na ang kusang naghiwalay ng mga labi namin. Tumingin ako sa paligid at nakitang gulat na gulat sina Maeve, Easton, Serge, at ang ilang mga estudyanteng naka panood ng pangyayari.

Ngayon ko lang na-realize ang kahihiyang ginawa kk. How can I be so impulsive?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at dahan dahang tumingala kay Dexter. Hanggang ngayon ay nakaawang pa rin ang labi nito at hindi pa rin makabawi sa ginawa kong paghalik.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon