Chapter 1

113 14 25
                                    

Chapter 1

"Okay class get back to your proper seats at siguraduhin ninyong nireview niyo ang mga notes niyo this quarter because we will have a test."

What? Eh wala namang sinabi kahapon namagkakaroon ng test ah?

"Delia, may nasabi ba si ma'am na may test tayo ngayon?" tanong ng seatmate kong si Vicky. Ngayon nga lang ako kinausap nito eh. Sa apat na taon naming mag kaklase, simula grade 7 nabibilang lang yata sa mga daliri ko sa kamay at paa ang pag uusap naming dalawa.

"Huy! Delia, naririnig mo ba ako?"

"Ah, oo- walang sinabi na may test tayo ngayon"

Halos mapatalon kami sa upuan namin nang nakarinig kami ng malakas na pag palo sa table. Naku, nakita yata kami ni madam terror.

Yan si ma'am Lanie Asuncion. Teacher namin sa esp, martes ngayon kaya may subject kami sakanya. At sa kamalas malasan naman ay siya ang first subject namin kada martes. Tinatawag siyang madam terror ng halos lahat ng batch na nahahandelan niya at isa na kami dun. At siya pa yung nakatoka na mag pa test saamin. Alam niyo ba kung ano ang nakakainis? Tita ko siya.

Hindi ko naman alam kung para saan yang test na iyan. Malayo pa naman an summative namin at mas lalo na ang quarterly exam. 2nd quarter palang kaya.

"Oh siya, we will spend the whole morning class para maka take kayo ng exam at ako ang proctor niyo ngayon"

"Pakshet, pare. Hindi tayo makakapag teamwork."

"Oo nga, si madam terror pa naman ang mag babantay satin."

Rinig kong bulungbulongan ng mga kaklase ko sa likod

Hindi ko nga malaman kung star section ba talaga 'tong section namin kasi mukhang mas masahol pa kami kung magdayaan kaysa sa mga lower section. Pero nilulugar naman naming ang team work, tulad ngayon. Kapag mga seryosong test or exam, walang kalokohang nagaganap. May kanyakanya naman kasi kaming katalinuhan kaya lahat naman ay nakakapasa.

Ibinigay na ni madam terror-este ma'am Lanie ang mga questionnaire sa mga nasa unahang estudyante at ipinasa na ito hanggang makaabot sa likuran.

Nag bigay na rin ng hudyat si ma'am upang maka pagsimula na kami ng exam.

Boom! Matematika agad. Mabuti nalang paborito ko ang math. Hindi ko alam pero isang araw nung grade 8 naumpog ako sa desk ko at ayun na gets ko bigla yung lesson namin sa math at nag tuloy tuloy iyon hanggang sa ngayon na grade 10 na kami.

Nang buksan ko ang questionnaire ay nagulat ako dahil ang iba sa mga questions ay mga lesson last year at ang iba naman ay mga lessons last grading kaya naging madali lang sakin ang ibang mga tanong.

Tiningnan ko ag wrist watch ko at 45 minutes ay natapos ko na ang exam.

Hindi ako ang unang natapos sa klase kundi yung ibang lalake sa likod. Malamang nag shot gun nanaman sila dahil multiple choice lahat ng questions.

Pero bahala sila, it's their choice. Minsan swerte ang shot gun style.

"Are you all done?" sabay naman kaming sumagot ng 'yes po' kay ma'am Lanie at ipinasa na namin sa harapan ang mga test paper

Ibinigay na samin ang susunod na test Science. Ang pinaka ayaw kong subject. Pakain mo na sakin ang lahat ng math problems 'wag mo lang akong paansweran ng science na 'yan.

Natapos na rin kami at lunch break na. tatlong exam pa ang sinagutan naming matapos ng science. English, Ap, at Logical test. Inaayos ko na ang gamit ko dahil pupunta na ako sa Cafeteria.

Shall We Run? (Menace Series #1) [on hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon