"Sis inuman daw after ng midterms " ani ni Kim "nag yayaya si Ate Elle, libre daw niya, birthday niya daw and post midterms celebration"
Nandito kami ngayon sa dorm ni Kim, reviewing for the upcoming midterms, one week from now. Hindi ako umuwi ngayon sa bahay namin sa Las Piñas because I wanted to focus on reviewing. Mauubusan ako ng oras kung uuwi pa ko sa Las Piñas.
Kanina pa may ka-chat si Kim, well what's new, palagi namang may ka-chat tong gagang to.
"Hoy Kim mag-review ka nga muna, alak na naman yang nasa utak mo" seryosong sabi ni Tine, habang nag so-solve ng isang accounting problem. "Pero sige G ako dyan, never akong tatanggi sa libreng alak"
"Hoy mahiya ka naman hindi naman natin masyadong ka-close si Ate Elle, dalawang beses ko palang ata nakakasama yun eh" sabi ko ng hindi nag-aangat ng tingin sakanila, dahil inis na inis na ko kasi kanina ko pa sino-solve tong multiple choice question na ito, pero hindi ko makuha ang sagot.
Mababaliw na ako, multiple choice na nga lang tong tanong sa sample midterms na nirereview namin at hindi ko pa makuha ang tamang sagot, pano pa kaya kung walang choices. Baka bumagsak ako sa midterms nito.
"Si Ate Elle mismo ang nagsabi sakin na mag-invite pa ko, konti lang daw kase yung invited na friends niya, kaya ako na lang daw ang mag-invite ng friends ko, the more the merrier daw kasi" ani ni Kim na ngayon ay busy sa pag-pindot sa calculator niya.
Schoolmate ni Kim si Ate Elle noon sa Olangapo. Mas matanda siya ng isang taon sa amin, 2nd year CPSPA siya ngayon.
"Kunware ka pa Rea eh, alam naman nating gusto mo rin, kelan ka ba tumanggi sa libreng alak" ani ni Carlo habang kumakain ng ube pandesal na binili namin kanina.
"True lang din" natatawang sabi ko. Finally nakuha ko na rin yung sagot sa question kanina at makakapag move-on na ako sa next question.
"Basta sasabihin ko na kay Ate Elle na G na tayo ah, pagbigyan na natin birthday niya naman eh, and tama si Carlo, libre, sino ba naman tayo para tumanggi sa grasya" hawak nanaman niya yung cellphone niya habang mabilis na nagta-type.
Palagi kaming ganitong apat. Everytime na may major exam, minsan kahit quiz nga lang sa minor eh sama-sama kaming nag-rereview dito sa dorm ni Kim.
Sa parehong building kami nakatira ni Kim. 2 floors below ng dorm niya ang dorm ko. Itong si Carlo naman ay one tricycle away lang ang dorm.
Si Kristine ang hindi ko maintindihan kung bakit dumadayo pa dito sa Sta. Mesa gayong sa Sucat siya nakatira. Napakasipag din ni Tine na magpabalik balik dito, considering na napakasikip sa PNR, na main mode of transportation niya, na kulang na lang ay magkapalit na kayo ng mukha.
"Magla-last trip na lang ako" ani ni Tine, na tinutukoy ang schedule ng train na sasakyan niya pauwi. Nakaupo kaming lahat ngayon sa kama ni Kim. It was now 7pm at napagdesisyunan na namin na itigil ang pagrereview. "Hatid niyo ko ah" dagdag pa niya.
"Ang tanda tanda mo na mag-papahatid ka pa, ayoko nga" sabi ko habang nag s-scroll sa instagram ko. "Hoy wag kang ganyan bata pa yan si Tine, grade 1 pa lang yan eh" nanunuyang sabi ni Kim.
"Anong bata e mas matanda pa nga sakin yan, height niya lang yung pang grade 1 no" nang-aasar na sabi ko habang inaayos na ang mga dala kong libro at mga papel. "Alam niyo ang sama niyong dalawa, pati si Carlo natatamaan" ani ni Tine. Tinignan lamang kami ni Carlo nang masama at hindi na nag salita dahil busy sa paglalaro ng ML sa phone niya.
Pagkahatid namin kay Carlo sa sakayan ng tricycle, hinatid na rin namin si Tine sa PNR station, at pagkatapos ay umuwi na rin kami ni Kim sa sari-sarili naming dorm.
YOU ARE READING
The Brightest Star
RomanceDespite the pressures of being a first year Accountancy student at the Polytechnic University of the Philippines, Nerea would like to think she was already a pro at balancing and managing her time, between her academics, family and social life. Her...