12

0 0 0
                                    

"Hoy may nag text sayo" sabi ni Phoebe sabay dungaw sa nag-on na phone ko, " are you at school... dont forget to eat... take care..." pagbasa niya sa mga texts.

Ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon na buksan ang cellphone ko dahil katatapos lang ng first class namin. Dahil nga sa desisyon ko na layuan siya, hindi ko na lang pinansin ang mga text. Mamaya ko na lang rereplyan pag nasa dorm na ko.

"Hoy mag reply ka naman!" Ani ni Phoebe sabay palo sakin ng mahina.

"Yaan mo siya" parang walang pake-elam kong sabi.

"Ay LQ?" Nanunuyang sabi ni Kim.

"Gaga panong LQ, eh hindi naman kami lovers" iritadong sabi ko, "alam mo ikaw, kumain ka na lang dyan, wag ka ng maki chismis"

Vacant kase namin ngayon dahil wala raw ang prof namin para sa 2nd subject. Matagal nanaman kaming maghihintay dahil 3hrs per subject. Kaya mamaya pa ang 3rd subject namin.

Ang iba naming mga classmates ay kumain sa labas o di naman kaya bumaba para bumili ng pagkain sa lagoon. Kaya kaming 3 lang ni Kim at Phoebe ang naiwan sa classroom, kasama ang iilan sa mga kaklase namin.

Palagi kasing nag babaon ng pagkain tong si Kim, ako naman nakikikain lang sa mga kaibigan ko. Dakilang buraot!

"Bakit nga sis, bakit ayaw mong replyan?" Curious na tanong ni Phoebe.

"Wala lang trip ko lang" pagkikibit balikat ko.

"Sus! Sige ganyan ka na, hindi ka na nag sasabi samin ah. FO na!" Sabi ni Kim.

Inirapan ko silang dalawa. Nagtawanan sila bago ako  kinulit muli. "Sige na sabihin mo... yieee sasabihin niya na yan" sabi ni Phoebe gamit ang tono na para bang nanunuyo ng baby.

Umirap muli ako bago dumiretso ng upo. Kinwento ko sakanila ang nangyari. From Tyler's call, to me going to the club, to sleeping in Han's condo. I also told them about the kiss, I didn't go into detail about it though. I just them that Night kissed me.

"Malandi ka! May pag kiss na naganap?" Parang uod na binudburan ng asin ang dalawa kong kaibigan.

"Ano kiss sis? Smack? French? Torrid?" Tanong ni Phoebe, na kinikilig parin.

"Torrid ka dyan?! Alam mo ikaw" sabi ko habang naka turo sakanya, "yan ang natututunan mo sa wattpad e."

"Sagutin mo na lang! Change topic ka e!" Nangingiting sambit ni Phoebe.

"Smack lang!" Pagsisinungaling ko. Hindi ko aaminin sakanila na halos pudpurin ni Night ang mga labi ko dahil sa halik.

Sometimes when I'm alone, mostly when I'm about to go to sleep, I remember his kisses. The way our lips interlocked, the way it felt like our lips were meant for each other. I feel like I could still feel his lips on mine. I can still remember the tingling feeling in my stomach, when he held onto my waist.

At sa tuwing na aalala ko yon, feeling ko nagkakasala ako, I feel like I shouldn't be thinking of him like that. Kaya naman sa tuwing na babakante ang oras ko, ay naghahanap ako ng gagawin, because if not, I'll just think about his hot kisses.

Kaya mas lalo kong disitansya ang sarili ko sakanya. Halos lahat ng reply ko sakanya, may laman na "I'm busy". Hindi ko alam kung nahahalata na ba niya, dahil minsan hindi narin siya nagtetext, o baka naman busy lang din siya?

I miss him though. I miss our nonsense conversations. I miss telling him about my day, and how sometimes he would tell me about his as well. Na mimiss ko na siyang kulitin,

So in order for me not to think about him I busied my self with school work and friends. Ang mga kaibigan ko na lang ang kinulit ko, kahit minsan na bu-bwiset na sila saakin, kinukulit ko parin sila.

The Brightest StarWhere stories live. Discover now