3

1 0 0
                                    

Pagod pa at medyo may tama, pero hindi na ako pwedeng matulog kase 7:30 ang class ko at baka pagnatulog ako ay hindi na ko magising mamaya. Specialized subject pa naman mahirap absenan.

Pagkarating ko sa dorm ko ay tulog si Pat sa kaniyang kama sa taas ng akin. Studio type lang ang dorm namin with 2 double decks. Ako ay sa baba, sa taas ko naman ay si Pat, sa kabilang kama ay si Tonette. 3 lang kami kaya naman vacant ang kama sa taas ni Tonette.

Naghilamos na lang ako at nag tooth brush para kahit papano ay mahimasmasan, mamaya na ako maliligo, magpapahinga muna ako.

Nahiga muna ako sa kama ko at kinuha ang extrang cellphone ko. 2 ang phone ko, yung main phone ko ay yung parati kong gamit at dala dala kahit saan, ako ang bumili non, pinag-ipunan ko yon. Ito naman extra ko ay christmas gift saakin ng lolo ko last last christmas, hindi ko ito masyadong nagagamit at palaging iniiwan lang sa bahay.

I checked my social media accounts. Nakita ako ang mga story ni Kim at Tine sa Instagram, puro picture at video namin yun kanina sa club. Nakapag post na rin ang gagang si Kim ng picture nila ni ate Elle at binati ito ng happy birthday, ang isa pa niyang post ay picture naming 4 na magkakaibigan, nakaupo sa couch habang hawak ang kanya kanyang shot glass.

Nang mag 5:30 ay biglang may nag notification sa phone ko. A post sa Facebook group ng section namin by our professor

Alyssa Ajorro:
Can't come to class today due to a seminar I have to attend to. Use your time to take some rest and prepare for your next classes.

Thank you lord. Yan ang nasa utak ko habang binabasa ang post ng Prof namin. Makakatulog pa ko, P.E ang next class ko at mamayang 12pm pa yun, kaya naman makakatulog pa ko ng ilang oras.

Nilapag ko ang phone ko at hindi na naisipang magpalit ng damit dahil unti unti ng sumasarado ang mga mata ko.

Nagising na lang ako nang may kumalabog na pintuan, na alimpungatan ako ng lumabas si Pat ng dorm, siguro papasok na rin siya. Pag tingin ko sa cellphone ko ay 9am na pala, inaantok pa ko pero alam kong hindi na ko makakatulog.

Hindi rin ako hina-hang over, walang sakit ng ulo o pagsusuka tanging umay lang ang meron ako everytime after ng inuman.

Kinuha ko ang bag na ginamit ko kagabi para sana i-charge ang main phone ko, dahil panigurado ay lowbat na yun.

Maliit lang ang dala kong bag, kaya madali lang makita, pero wala doon ang cellphone ko. Agad akong kinabahan. Ilang beses na kong nawawalan ng cellphone, 2 beses na noong highschool, kaya mas doble ingat ako ngayon, na halos hindi ko na bitawan ang cellphone ko para hindi mawala sa paningin ko.

Wala talaga sa aking bag, kaya hinanap ko sa aming dorm. Wala rin sa dining table, wala rin sa kama. Halos halughugin ko na ang buong dorm pero wala don.

Tinawagan ko na rin yon gamit ang extra phone ko, with the hopes na magriring o kaya ay mag vibrate. Pero wala talaga

Fuck! Lagot nanaman ako nito sa lola ko pag nalaman na nawala ko ang phone ko. Kahit pa sabihin na ako ang bumili non ay paniguradong papagalitan parin ako pag nawala ko yon.

I tried to think of the last time I checked my phone.

When was it? Sa club ba? Sa kotse ni Hunter?

Tama sa kotse nga ni Hunter, I remember checking the time last night. So dun ko sa kotse ng mokong na yon naiwan ang cellphone ko? Nakita na kaya niya? Baka hindi pa kaya hindi niya sinasagot ang tawag or baka naman tulog pa yon?

Aghhhhh I hate that I left it in his car. I'm thankful, yes, kase for sure wala naman siya pagagamitan sa cellphone ko kase mukang mayaman naman siya. But I still hate the fact na may possibility na makikita ko ulit siya to get my phone.

The Brightest StarWhere stories live. Discover now