8

3 0 0
                                    

"Tara inom" narinig kong sambit ni Auie, one of our friends.

It's Thursday once again at medyo maaga kami pinauwi ng Prof dahil nagpresent lang naman kami ng update about sa research namin.

"Hoy! inom nanaman wala na kong pera" ani ni Tine habang pababa kami sa hagdan. "Bili na, ang tagal ko ng hindi umiinom e, gin lang naman tapos dun na lang tayo sa dorm ni Kim" pagpipilit ni Auie.

"Hoy bat nasama nanaman ang pangalan ko dyan, basta talaga inuman sa dorm namin" depensa ni Kim.

"E hindi naman kase pwede sa dorm ni Rea e" sagot ni Auie, "bilis na sagot ko na isang bote"

Hindi talaga pwede sa dorm namin, napagkasunduan kasi namin ng mga dorm mates ko na limited lang ang pwede naming papasukin sa dorm namin. Kaya everytime na may isasama kami sa dorm ay nagpapaalam muna kami sa isat isa. Except, kung mag-isa lang kami sa dorm sa mga oras na yon.

Buti na nga lang at mababait ang dorm mates ni Kim, magaling din makisabay sa mga trip namin. Kaya naman sa tuwing may kaylangang gawin, school related man o hindi ay doon kami sa dorm nila pumupunta.

"Sino sino ba? Sasabihan ko lang mga dorm mates ko" pagsuko ni Kim. "JC sama ka iinom kami sa dorm nila Kim?" Pagyaya ni Auie sa isa pa naming classmate.

"Sige tol, sunod ako don kain muna kami" pagsang-ayon ni JC sabay turo sa mga classmate namin na kasama niyang kakain.

30 minutes later, naka-upo na kaming lahat sa sahig ng dorm ni Kim, may malaking pitsel sa gitna, tatlong bote ng gin, tatlong pack ng juice at dalawang baso.

Si Tine ang nag sinde, na-master na ata niya ang pagsisinde ng gin, dahil palaging ito ang iniinom namin, ata siya din palagi ang taga sinde.

"Hoy Kristine! Tigilan mo nga yang pagcecellphone mo, wag mo nang asahan yang si Marc" pang-aasar ni Carlo sabay abot sakin ng baso.

"Hoy wag kayong ganyan mahal na mahal ni Tine yun, ginawan pa niya ng tula yon" pag-aasar ko.

Inirapan ako ni Tine, "ikaw" tinuro niya ako, "hindi porket masaya yung love life mo, pwede mo ng maliitin ang akin"

I rolled my eyes at her.

"Ay may love life, sino yan ha?" Nanunuyang tanong ni Auie saakin.

"Wala! Wala akong love life wag kang magpapaniwala dyan kay Tine" sagot ko kay Auie, "ikaw! Porket hindi ka sinundo niyang si Marc ang bitter mo na!" Pang-aasar ko ulit kay Tine, talking about an incident that happened the first day of the 2nd semester. 

"Ay sis namemersonal" panunuya ni Kim, "payag ka non? Ginaganyan ganyan ka lang?"

"Hoy Kimberly! Hindi porket nakahanap ka na ng bagong kalandian, ay pwede mo ng atakihin ang miserable kong love life" sarkastikong sabi ni Tine.

"Hoy! anong kalandian yan a? Bat di ko alam yan?" Tanong ko

"Nako yan si Kim, nakita ko kanina may kausap sa IG" pang-aakusa ni Tine. "Oonga palagi ngang naka bukas IG ni Kim, this past few days" dagdag ni Carlo.

"IG? si Nathan ba yan?" Pinag-taasan ko siya ng kilay.

Uminom si Kim galing sa kanyang baso, ng hindi kami sinasagot. She looked so guilty doing so!

"Hala! Sino si Nathan?" Tanong ni Auie, "ganyan ka na sakin Kim a, hindi ka na nagsasabi" nagkunwareng pout pa siya.

"No one" mataray na sagot ni Kim.

"He's someone we met nung nanood kami ng basketball game ni Night" panglalaglag ko.

"O sino naman si Night?" Confused na tanong ni Auie.

The Brightest StarWhere stories live. Discover now