7

1 0 0
                                    

It was a stressful week, ang dami naming assignment sa accounting, may pa research pa sa RIPH! Ang daming ginagawa! Buti na lang I have something to look forward to at the end of the week.

February 14 ang date sa Friday, pareho naman kaming single ni Kim kaya siya na lang ang niyaya ko.

Pumayag naman si Kim na sumama saakin na manood ng game ni Night. Sabi ko kase sakanya, for sure maraming pogi dun, and syempre being the flirts that we are pumayag agad si gaga.

Nang nalaman ko ngang valentines day pala sa Friday ay napagtanto ko na baka kaya ayaw ni Night na pumunta ako sa game nila ay dahil may date siya before o di naman kaya ay after.

Kaya tinext ko agad siya.

Me:
Hey, sorry I didnt realize its valentines this coming Friday. I understand if you dont want me to come to your game.

Night:
Why do you have a date?

Me:
Me? No, wala naman akong boyfriend e. I was thinking about you, baka ikaw ang may ka date HAHAHA kaya its okay if you dont want me to go and watch your game.

Night:
No, come watch if you want.

Night:
And I dont have a date

Well if he says so, then pupunta talaga ako, baka dun pa ko makahanap ng ka date!

Hapon pa naman daw ang start ng game at dahil susunduin naman daw kami ni Night, hindi namin kaylangang mag madali. Tinapos ko muna ang iilan sa mga assignment ko, sa sabado kase ay kaylangan namin pumunta sa Malabon para sa research namin sa RIPH.

Hindi nanaman ako makakauwi ngayong linggo, pero its okay kase for sure next week ay uuwi ako. Naka uwi na kase ang mommy ko from Australia, seawoman kase siya.

3:45 daw kami susunduin ni Night dahil 4:30 ang start ng game. Somewhere in San Juan lang naman daw.

Naka black na sweat pants ako at isang maluwag na black crop top, I paired it with my pink airmax 97, at nagsuot ng bullcap at isang maliit na backpack.

Tumawag saakin si Night nang nasa Teresa na daw siya, kaya nag message agad ako kay Kim na sa baba na kami mag kita.

Nagkasabay kami ni Kim sa elevator. Naka white botton down crop top siya at suot nanaman niya ang ripped jeans niya na buong hita ata ang ripped. I swear konting galaw lang niya ay halos makita na ang panty niya!

Nang nakababa kami ay paparating na rin si Night. Hindi na siya lumabas dahil kami na mismo ang nag bukas ng pinto. Sa shut gun seat ako umupo habang si Kim naman ay sa likod.

"Hi" bati namin ni Kim kay Night ng maka pasok kami. Naka puting t shirt siya at jersey shorts, naka slippers lang din siya, siguro ay mamaya pa mag papalit ng sapatos.

"Hello" bati niya saamin pabalik habang tipid na naka ngiti.

"Wow ngayon ko lang na realize, thirdwheel pala ako sa valentines dates niyong dala" binulong ni Kim saakin habang nag kakabit ako ng seatbelt.

"Tumigil ka baka sabunutan kita Anastasia Kim" pinanlakihan ko siya ng mata.

Habang nasa byahe ay daldal lang kami ng daldal ni Kim. What can I do, pareho kaming natural na madaldal. Samantalang si Night ay tahimik lang.

"Hey can we stop at a convenient store for a minute, may bibilhin lang ako" sabi ko kay Night ng may mamataan akong isang 7/11.

"Sure" sagot niya sabay pilig sa manibela para medyo lumiko. "Tara Kim samahan mo ko" ani ko habang tinatangal ang aking seatbelt.

The Brightest StarWhere stories live. Discover now