Dahil tapos na nga ang midterms ay medyo maluwag na ang schedule namin, may assignments and projects parin here and there, pero hindi na masyadong nakaka pressure.
Sobrang miss na miss ko na ang cellphone ko! Buti na lang at friday na, makukuha ko na ito ngayon!
The last time I spoke to Hunter was last Monday. Yun ang first and last phone call namin. Hindi ko nga alam kung tuloy pa ba ang super-late-lunch na pupuntahan namin ngayon.
Pero his instructions were clear. Friday, 2:30pm niya ako susunduin, so yun na lang ang pinang-hawakan ko.
1:30 na at nagreready na ko. Sanay kase talaga ako na maagang nag reready, mas gusto ko yun kesa sa nagmamadali ako kase late na ako. I hate being late!
I wore a white-and-blue striped wrap dress and paired it with my all white AF 1. Mahilig talaga ako sa sneakers kaya madalas doon nauubos ang pera ko.
Nang naayos ko na ang kilay ako ay naglagay ako ng kaunting lip tint. I braided my hair in 2 as well, medyo mainit kase, para medyo mapreskuhan naman ako. Nagdala na rin ako ng powerbank at charger dahil hula ko drained na ang battery ng cellphone ko.
2:25 nang bumaba ako, dito na lang ako maghihintay. Kung dadating nga ang gagong yun. I wore my shades at umupo sa isang mono block na upuan habang nag hihintay.
Pinaghandaan ko ang look ko for today. I still dont know kung anong klaseng party ito. Baka mamaya puro mayayaman ang mga pumunta, kaya kailangan maki pagsabayan ako.
A few minutes of waiting at may pumaradang isang puting range rover sa harap ng building. Alam ko na agad na si Hunter yun. Well its not everyday na may range rover dito no!
Tumayo na ako at lumakad papunta sa kotse niya. Nakita kong bumukas ang pinto sa drivers side at lumabas si Hunter mula roon.
Naka light blue botton down shirt siya, na naka tiklop ang manggas hanggang sa siko, at naka white shorts na hangang taas ng tuhod ang haba paired with some white sperrys, naka shades din siya tulad ko.
Ano ba naman to, matching talaga kami? Parehong white and blue ang motif ng suot namin. Pag nagtabi kami ay magmumuka kaming mag jowa!
Naglakad siya papunta sa passnger side ng kanyang kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Tipid siyang ngumiti at sinenyasan ako na pumasok na.
"No, give me my phone first" sabi ko at nilahad ang kamay sa harap. I have to make sure first, baka mamaya sumama ako sa kaniya tapos hindi naman pala niya ibabalik saakin ang phone ko no!
Tinitigan niya muna ako bago bumuntong hininga. May hinugot siya mula sa kanyang back pocket at pinatong sa nakalahad kong kamay.
It was my phone! Gosh I miss you! Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Binuksan ko yon at nakitang 97% ang battery life, chi-narge niya ang phone ko?
"Now can you get in" medyo iritadong sabi niya habang minu-mwestra ang loob ng sasakyan.
"Galit ka?" Inis na sabi ko sakanya sabay irap at pumasok na sa kanyang kotse. Alam kong hindi naman niya makikita yon dahil naka shades ako. Pero I still wanna roll my eyes at him!
Pagkapasok ko ay sinarado na niya agad ang pinto, buti na lang at bukas ang aircon dahil sobrang init. I was putting on my seatbet ng marinig kong bumukas ang pinto sa drivers seat.
Nang masarado niya ang pinto ay nag suot agad siya ng seat belt. Ngayong nasa loob na kami ng kotse niya at medyo malapit kami sa isat isa ay amoy na amoy ko ang bango niya.
Shit! Ang bango naman nitong mokong na to. Hindi perfume ang naaamoy ko, body wash siguro? Dahil medyo "malambot" ang amoy. Nahiya tuloy ako at pinaalala sa sarili ko na magpabango pag baba ko mamaya, buti na lang at may dala akong maliit na perfume.
YOU ARE READING
The Brightest Star
RomanceDespite the pressures of being a first year Accountancy student at the Polytechnic University of the Philippines, Nerea would like to think she was already a pro at balancing and managing her time, between her academics, family and social life. Her...