1

2 0 0
                                    

Fuck. Ang Pogi

That's the first thing I thought.

He's fair, mukhang may lahi rin ang isang to. His eyes were a light shade of brown and he has long eyelashes. Napaka unfair naman talaga ng world, bakit palagi na lang lalaki yung may makapal at mahabang pilik mata?

His lips were full and red. "So kissable" I thought. Naka side part ang jet black hair niya at medyo magulo. At kahit hindi siya ngumingiti ay kitang kita ang dimple sa right cheek niya, tuwing gumagalaw ang panga niya ay lalo itong nadedepina.

"Uhm..." narinig kong galing kay Hunter, only then did I realize that I was still holding onto his hand. "Uh sorry... Nerea" pagpapakilala ko sakaniya while shaking his hand. I smiled at him, at pinakawalan na ang kaniyang kamay.

"Upo muna kayo" ani ni ate Elle "I'll order more drinks, inom muna tayo ng konti bago magparty party sa dance floor"

Nauna na akong umupo, sa left ko nakaupo si Nate, on my right was Kim, then Tine and nasa dulo ng couch si Carlo. May isang bote na ng Jack Daniel's sa gitna ng mesa at halos paubos na rin ang laman nito.

"So classmates kayo ni Elle from PUP?" tanong ni Nate habang inaayos ang upo niya at medyo humarap samin.

"Uh no... actually first year BSA students kami, and 2nd year student from CPSPA si ate Elle" ani ni Kim na nakakuha sa atensyon naming lahat "I met ate Elle sa Olongapo, same school kami sa St. Joseph"

"Really? Taga Olongapo ka din?" Gulat na tanong ni Nate kay Kim. "Uh huh nag dodorm na lang din ako near PUP"

"Uh you guys want some Jack?" Tanong ni Tyler samin. "Sure" sabay na sagot ni Kim at Tine. Si Carlo naman na tumango lang. Binalingan ako ng tingin ni Tyler, raising one of his eye brows, silently waiting for my answer.

"Uh no thanks, I'm not really a whiskey type of person" umiiling kong sagot. Nag taas ng kamay si Tyler, calling one of the waiters, siguro ay mag papakuha ng baso.

"So what do you like to drink?" Tanong ni Nate sakin habang kinakausap ni Tyler yung waiter. "I like tequila and vodka, I'm more of a shots kind of girl" sagot ko sakanya.

And as if on cue dumating na si ate Elle kasama si Gabriel na may dalang isang bote ng Cuervo, Absolut, Bacardi at Jim Beam. Si ate Elle naman ang may hawak ng mga shot glass, lime and salt.

Na-excite ako nang nakita ko yon. Yes, palagi kaming umiinom magkakaibigan, pero dahil students kami at limited ang budget namin ay halos puro gin lang ang iniinom namin. Minsan kung may special ocassion ay mag ba-bar kami somewhere near PUP, kaso hindi rin kami maka order ng ganitong klaseng mga drinks, dahil puro tower lang ang afford namin.

Minsan lang ako nakaka-inom ng ganitong drinks, usually sa family events lang.

"Papatayin mo naman ata kami ate Elle" natatawang sabi ni Carlo habang umuusog ng upo dahil dito rin pala makiki table sina Gabriel.

"Sus kala niyo lang yon" ani ni ate Elle na ngayon ay nakaupo na at binubuksan na ang bote ng vodka. "Konti lang yan, baka mamaya umorder pa tayo, lalo na nandyan si Kim lasingera pa naman yan" tumatawang sabi niya.

"Hindi naman lasingera" pagde-deny ni Kim "slight lang".

Nagtawanan kaming lahat. Nilagyan na ni ate Elle ang mga shot glass ng vodka at binigyan kami isa isa. Nang lahat kami ay meron na, umambang mag che-cheers si ate Elle.

Tinaas namin ang mga shot glass namin. "Happy Birthday Elle" malakas na sigaw ni Nate, ngunit halos matabunan na ito ng music. Happy hour na at halos lahat ng tao ay nasa dance floor na at nag sasayaw.

The Brightest StarWhere stories live. Discover now