Me to Night:
Thanks for tonight! Ingat sa byahe. Text me when you get home!I texted him as soon as I got back to my dorm room. Tulog na si Tonette pagdating ko, si Pat naman ay baka umuwi sa Cavite after ng class niya kanina.
Nagpahinga ako sandali bago naligo at nag handa na matulog. Nakahiga na ako sa aking kama nang nag text si Night.
Night:
I'm home. Matulog ka na maaga ka pa aalis bukas.Nasabi ko kase sakanya kanina na plano kong umuwi samin ngayong sabado. Maaga ang sasakyan kong train sa PNR para masulit ko ang oras ko sa bahay dahil kaylangan ko na rin umuwi pagdating ng linggo.
Me:
K. GoodnightHindi na siya nag reply. I wasnt sleepy yet so nagcheck muna ako ng mga social media ko.
I opened instagram at sinearch ang name ni Night. Nakita ko ang profile niya at binuksan yon
Hunter_Aderholt
17 10,568 154
Posts Followers FollowingWow! Famous naman pala si mokong ang daming followers. I checked his photos, halos lahat ng photos niya ay scenery, 4 lang ata ang picture na nandon siya. And its either naka side view o kaya naman ay nakatalikod. Masyado namang pa mysterious ang mokong na to.
Maingat ako habang tinitignan ang mga pictures niya baka mamaya ma like ko pa, sabihin pa niya ini-istalk ko siya!
I followed him right after at nagpatuloy sa pag browse sa aking feed. A few moments later a new notification popped up.
Hunter_Aderholt has requested to follow you
Naka private kase ang account ko. In-accept ko naman agad ang request. Ilang sandali pa ay nakita kong nag message siya
Hunter_Aderholt:
Sabi ko matulog ka na_NereaNightingale:
Hindi pa ko naantok! Ikaw bakit gising ka pa?Hunter_Aderholt:
I still have some work to doHunter_Aderholt
Hindi ka pa pala matutulog bakit nag goodnight ka na?I was a little taken a back by what he said. Bakit parang iba ang meaning nang sinabi niya para sakin? Hindi ko na sineen ang message niya, binasa ko lang naman yon through my notification panel.
Pinatay ko na ang cellphone ko at pinilit ang sarili na matulog.
Dito nag simula ang halos walang tigil namin na text conversation. Kinabukasan habang nasa tren ako ay siya ang katext ko hangang sa makarating ako sa bahay ay katext ko parin siya. Hangang ngayong Tuesday na ay ganon parin.
From morning to night magkausap kami. Natitigil lang kung may kaylangan siyang gawin o kung ako ang may kaylangang gawin. Pareho naman kaming naka imessage kaya libre lang ang text, okay lang din naman kung hindi dahil naka post paid plan naman ako kaya unli all net text.
Hindi kami naubusan ng topic, hindi ko na nga alam kung saan nangagaling ang mga topic namin dahil tuloy tuloy talaga ang conversation.
Ughhh I really hate my Tuesday schedule! Yan ang nasa utak ko habang may pinapagawa ang Prof namin sa Ethics. Tuwing Tuesday kase 3-9pm ang schedule ko. Nakakatamad at medyo nakaka stress kase 7:30 naman ang class ko kinabukasan.
"Pssst" narinig kong tawag sakin ni Carlo. Bumaling ako sakanya dahil sa likod siya nakaupo, "kain tayo lugaw sis" sabi niya.
Tumango lang ako bilang sagot. Naging routine na namin na kumain ng lugaw after ng class namin tuwing Tuesday. Noong una ay kaming dalawa lang ni Kim, nag crave kase ako ng lugaw. Ngayon eh halos 10 na kaming kumakain tuwing Tuesday.
YOU ARE READING
The Brightest Star
RomanceDespite the pressures of being a first year Accountancy student at the Polytechnic University of the Philippines, Nerea would like to think she was already a pro at balancing and managing her time, between her academics, family and social life. Her...