Hinilamusan ko ang aking mukha, para mahimasmasan, syempre iniwasan ko ang kilay ko na perfectly made, kilay is still life even in situations like this.
Nag-iinit ang katawan ko, sa halong galit at alak sa aking sistema. Pero dahil sa mga sinabi nung gagong Hunter na yun kanina, pakiramdam ko ay nawala ang tama ng alak sa utak ko.
Yes, he has a point, I shouldn't have said those things. But did he really have to say all of those things in front of everybody? Attacking my insecurities. I know na sanay ng nagbibiruan ang mga babae about their appearances.
Saying things along the lines of "ang ganda ganda ko kaya" o di naman kaya'y "ang pangit pangit ko na". Pero iba parin pala talaga pag sa ibang tao na nangaling, and a guy at that.
I have been insecured about the way I look, since I can remember. Everytime I look at the mirror halos lahat ata ng imperfections ko ay napapansin ko.
My asymmetrical face, medyo mas malaki kase ang left side ng face ko kesa sa right. Hindi rin katangusan ang ilong ko, and I may not have big visible pimples, but I have little bumps on my forehead.
I'm really insecure about my appearance, but I was starting to accept it, but now a man single handedly ruined my improving self esteem.
And I hated that his words had this effect on me. Halos wala nang natira sa self confidence ko dahil lang sa mga sinabi ng lalaking yun.
"Tara lets dance" yaya ko sa mga kaibigan ko nang nakabalik ako sa table namin. Everybody was just staring at me, hindi ko binalingan ng tingin si Hunter, tanging kina Kim lang ako nakatingin.
Tyler was back though at mukang hindi niya alam ang mga nangyari kanina. " o dance daw kayo" sabi ni Tyler na halatang medyo lasing na.
Tinaasan ko lang ng kilay ang mga kaibigan ko na hindi parin tumatayo at nagtititigan lang.
Naunang tumayo si Carlo at nag lakad papunta sakin, sumunod naman ang dalawa ko pang kaibigan. Kinuha ko ang baso sa table na may laman na whiskey at ininom yon. Straight. Wala na kong pake kung kanino man yon. I wanted to get drunk so badly. Ngayon lang naging disadvantage ang mataas na alcohol tolerance ko.
Tinalikuran ko na ang table namin at dumeretso papuntang dance floor.
I wanted to dance every word Hunter said. Isasayaw ko na lang ang galit ko. Habang nag lalakad papuntang dance floor ay niyakap ako ng patagilid ni Tine, " you okay?" Tanong niya.
"Im fine" nginitian ko na lang siya, "gusto ko lang sumayaw at magpaka saya" dagdag ko.
We danced and danced and danced. Halos hindi ko na nga alam kung sino ang mga kasayaw ko. Iba iba, mapalalaki man o babae. Pati si Tyler ay nakasayaw ko rin, hawak hawak niya ang aking baywang habang sabay na gumigiling ang katawan namin.
Halos kalahating oras rin siguro akong walang tigil na sumasayaw. Bumalik na ang mga kaibigan ko sa aming table. Pinagpapawisan na ako at medyo hinihingal. Napagdesisyunan kong bumalik na rin sa table namin.
When I got back, nandon na silang lahat. Si ate Elle ay lasing na lasing na at nakahilig na sa balikat ni Gabriel, naka pikit narin ang kaniyang mga mata. Si Nate at Tyler naman ay nakikipag kwentuhan sa aking mga kaibigan.
Umupo ulit ako sa tabi ni Kim. Ramdam na ramdan ko ang titig ni Hunter sakin. The last time I looked at him ay kanina ng nagkasagutan kami, hindi ko na siya muling tinignan pa.
I dont even wanna look at him. Baka mapaaway lang ako.
Nakita kong may bagong bote nanaman ng Absolut sa table, at mukang kabubukas lang. I reach out for the bottle at nilagyan ang shot glass ko.
YOU ARE READING
The Brightest Star
RomansaDespite the pressures of being a first year Accountancy student at the Polytechnic University of the Philippines, Nerea would like to think she was already a pro at balancing and managing her time, between her academics, family and social life. Her...