PUP is throwing a benefit concert for the victims of the Taal volcano eruption back in January. Hindi man kasing ganda ng line-up gaya ng sa Paskuhan sa UST, keri naman ang mga mag pe-perform.
Bands like Parokya ni Edgar and Itchy worms, will be performing. Magpe-perform din si Gloc-9 and a lot of up-and-coming bands.
Pupunta kami ng nga friends ko, si Uellienne lang ang hindi sasama, dahil napaka tamad ng babaeng yon.
I was debating on whether to invite Night or not. Sasama kaya siya? Does he go to these kinds of events? Magugustuhan kaya niya?
Dapat ko ba siyang imbitahin gayong gulong gulo parin ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. I still dont know if I like him or not, romantically speaking that is. We still talk, alot actually. From morning to night parin ang conversations namin, hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang layuan ngayon palang. But if I do distance myself from him, does that mean I'm acknowledging na may feeling nga ako para sakanya or is it just me trying to avoid future heart breaks?
Kaso nakakahiya rin naman kung hindi ko siya iimbitahin, baka mamaya magtampo yon dahil hindi ko siya in-invite.
Me:
Hey! PUP will be throwing a benefit concert for the victims of the Taal volcano eruption. Pupunta kami ng mga friends ko, wanna come?It took him a while to reply, siguro ay busy siya sa trabaho.
Night:
Sure. How much are the tickets? And when is it? Para ngayon palang ma clear ko na ang schedule ko.Me:
Sa Friday, Feb 28, 6pm pa naman ang start. And dont worry about the tickets its on me, mura lang naman.Actually 300php ang tickets ng outsiders, ang students naman 250php. Pero dahil ako naman ang nag-invite sakanya, ililibre ko na lang siya. Feeling ko rin kase minsan lang makatikim ng libre tong si Night e. Galante kase, kaya for sure siya palagi ang nanlilibre.
Night:
Gale, I can pay for both of our tickets, just tell me how much it is.Me:
I never said you couldn't, Night. Hell, You can even throw a concert, yourself. But this time libre ko na, you just need to show up, thats all.I changed the topic after that, dahil alam kong magpupumilit pa siya na bayaran ang tickets namin.
I told him he can invite his friends, if he wants. Kaso wag na lang daw dahil busy daw ang mga ito.
The days leading to the concert was hetic, dahil isang buwan na lang ay finals na, kaya bagong mga lessons at projects nanaman, sabayan mo pa ng isang damakmak na assignments. Kaya hindi rin kami masyadong nakapag-usap ni Night.
I should really find out if I like him or not, dahil kung hindi ko naman pala siya gusto, theres no reason to distance myself from him, right? And if I do like him, at least ngayon palang pwede ko ng pigilan ang feelings ko at pwede ko na siyang iwasan.
By the time the concert is over, I should already have an answer.
The day of the concert nag text sakin si Night confirming the time, may mga tatapusin muna daw siya sa trabaho bago pumunta. Sinabi ko rin sakanya na dito sa condo complex na lang mag park, dahil panigurado puno ang parking lot sa school.
Wala ang dormates ko dahil may pasok sila tuwing Friday. Kahit kase may concert, ay may morning classes parin. Hindi naman daw sila aattend ng concert e, pareho silang uuwi after ng class nila kaya naman mag-isa lang ako buong weekend.
Buti na lang at tapos na akong mag-ayos ng dumating si Tine, kaylangan kase naming mag picture, assignment namin yun, due tomorrow. Kailangan naming mag post on facebook of a photo of ourself, showing our "real/true" side. Bakit ba ganito ang mga assignments namin? Nakakahiya! Hindi pa naman ako pala-post ng solo pictures ko on FB. Puro group photo lang o di naman kaya ay shared memes.
YOU ARE READING
The Brightest Star
RomanceDespite the pressures of being a first year Accountancy student at the Polytechnic University of the Philippines, Nerea would like to think she was already a pro at balancing and managing her time, between her academics, family and social life. Her...