TAYONG DALAWA SA ILALIM NG PUNO NG MANGGA

21 3 0
                                    

Tayong dalawa ay nasa ilalim ng puno ng mangga
Magkatitigan ang ating mga mata
Isang gabing madilim saksi ang buwan at bituin sa kalawakan
sa ating itinatag na pagmamahalan

Ito na ang nagsilbi nating tagpuan
dito natin naipapakita sa isat isa ang ating pagmamahalan
kahit maraming tao ang hindi sang ayon sa pag ibig nating natagpuan

Araw-araw tayong bumabalik dito
kung gabi ay pumupuslit ka at ako
para lamang magkasama tayo
at masaksihan ang mga alitaptap sa puno

Nakakalungkot isipin na ngayon mag isa na lang ako
wala na akong kikitain sa ilalim ng puno
hindi dahil sa pinagpalit moko sa iba
at hindi rin dahil sa di mo na ako mahal
kundi dahil sa malagim na pangyayari

Ang isang malagim na pangyayari sa aking buhay
na ayaw ko nang balikan
yun ay yung isang gabi na bigla mo akong niyakap
akala ko niyakap mo ako dahil matagal tayong hindi nagkita
yun paka niyakap mo ako upang saluhin ang bala

Hindi ko akalain na yung gabing yun ang huli
ang yakap na iyon ay hindi na mauulit muli
dahil sa isang bala na sinalo mo para sakin
binawian ka ng buhay dahil wala ni isa ang tumulong satin

Tayong dalawa sa malamig na gabi
umiiyak tayo at nagpapaalam sa isat isa
sinasabi mong mahal mo ako at babalik ka
tayo lang dalawa at namamaalam ka na at unti unti mong pinikit ang iyong mga mata

Ngayon patuloy pa rin akong bumabalik dito
nagbabakasakali na makita ko kahit man lang kaluluwa mo
dahil mahal gusto kong sabihin na mahal na mahal kita at gusto na kitang makasama
kaya magpakita ka na kahit sa panaginip man lang ba

Natuto akong magtiwala sa Diyos
dahil alam kong siya lang ang may karapatang bawiin ang buhay
sabi ko magtitiwala ako sa kanyang mga plano
at baka isang araw magising na lang akong nasa tabi mo

Ilang dekada ang lumipas mahal ko
hindi pa rin ako nagsasawa at napapagod
patuloy akong bumabalik sa ating tagpuan
tulad ng ating pangako at nakagisnan

Inaantay ko pa rin ang pagbabalik mo
mahal kahit mahina na ako
kahit matanda at uugod ugod na
andito pa rin ako tulad ng piningako ko

Sa pagdating ng dapit hapon
nagpaiwan ako sa ating tagpuan
nagbabakasakali pa ring ikaw ay masilayan
at hindi ako nabigo, mahal, hindi mo ako binigo

Nakita kita sa di kalayuan
masaya ka nakangiti at ako ay kinakawayan
inaaya mo akong sumama sa iyong paroroonan
magalak at masaya kong tinanggap ang iyong kamay habang dahan dahan mo akong inaalalayan

Ang pag ibig natin ay nagsimula dito
bumalik ka at hindi mo ako binigo
ang pag ibig na sinimulan sa may puno ay dito rin natapos
tayong dalawa pa rin at dito pa rin sa  ilalim ng puno ng mangga.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon