Pagsuko

5 2 0
                                    

Sana ako naman ang iyong mahalin,
Yan ang Lagi kong dinadalangin
Hindi ko alam kung tama bang ika'y aking mahalin,
Ayokong ikaw ay paasahin
Yan ang mga salitang binitiwan
mo sa akin.
Nasaktan man ako sa iyong paningin
Lagi pa din kitang hahanap hanapin

Sinasabi na ng mga kaibigan ko
Na ikaw ay pakawalan ko
Pati mga kaibigan mo
Pinapasuko na ako
Pero andito pa din ako
Handang maghintay para sayo
Gustuhin ko man kasing sumuko
Hindi ko naman alam kung paano

Ilang beses kong pinagplanuhan
Na ikaw ay aking sukuan
Ang hirap pigilan
Ng aking nararamdaman
Ilang beses ko na ding sinubukan
Na ikaw ay aking kalimutan
Pero nananatili ka pa din sa aking isipan

Sinubukan kong makuntento
Pero ang hirap pala lalo
kung wala ka sa piling ko
Ang pagmamahal na alay sayo
Ay binalewala mo
Masakit para sakin
lalo kung ikaw ay aking pipilitin
Matagal ko ng naamin
na wala kang paki sa akin
pero masama bang isipin
na ika'y magiging akin?
Ang tayo ba ay akin na lang papangarapin?

Napakadami kong katanungan sa aking isipan
Na lagi kong hinahanapan
Ng mga kasagutan
Tila ba walang hangganan
Ang sakit na nararamdaman
Sa bawat pagpatak ng luha ko
Parang binibiyak ang aking puso

Kailan ba ako matututo?
Kailan ba ako susuko?
Kailan ko uunahin ang sarili ko?
Kailan naman yung ako?
Ilan sa mga tanong na nabubuo
sa mumunting isipan na meron ako
Sa isip ko na ikaw lang lagi ang tumatakbo.

Sana matuto na ako
Sana matuto akong makuntento
kahit na wala ka sa piling ko
Siguro hanggang dito na lang ako
Dahil pagod na pagod na ang puso ko
Mahal, ito na ang huling beses na magpapakatanga ako sayo
At aasa sa salitang TAYO
Ito na ang pamamaalam ko sayo
Na inalayan ko ng pagmamahal ko

Mahal kita pero ako'y pagod na
Makikinig na lang siguro ako sa mga sinasabi nila
Dapat na nga sigurong sumuko ako sa mga kahibangan ko
Sana pakakatandaan mo, ang mga bilin ko sayo
Lagi lang akong nandito para sayo
Sa huling pagkakataon, mahal kita pero siguro tama na
dahil titigil na ako sa pagpapakatanga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon