Isa, dalawa, tatlo tatakbo palayo
Palayo sa isang tulad mo
Na itinuring kong mundo
Dahil akala ko marunong kang makuntento
Akala ko ikaw na ang kukumpleto sa aking pagkatao
Ikaw lang pala ang isa sa mga sisira sa aking mundong unti unti kong binubuoApat, lima, anim, diko namalayan na nahulog na pala ako ng napakalalim
Nung minsan na sumilong tayo sa lilim
Ako ay nagtanong tungkol sa iyong mga lihim
Dahil para bang wala kang tiwala sa akin, kaya di ko na maatim
Pasensiya na, kapag naiisip kong wala kang tiwala, para kasi akong sinasaksak ng libo libong patalimPito, walo, siyam, paghanga ko sayo ay balak nang ipaalam
Dahil ang aking nararamdaman ay gusto ko nang iparamdam
Naisip ko din na sa iyo ay magpaalam
Dahil alam ko na ang bawat sandali na kasama kita ay maaring hiramIsa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, SAMPU
Sa pagbilang ko mula isa hanggang sampu
Doon ko nakita na ang pagmamahal na alay ko
Ay hindi sapat para kumpletuhin mo ang aking mundo
Isa kang duwag na sundalo
Sa gitna ng giyera, imbes na ako ang iligtas mo
Ako pa yung tumatayo para protektahan ang tulad mo
Sa muling pagbagsak ko ay hindi na ako nakatayoMahal pasensiya na, pinipilit kong bumangon
Ngunit paulit ulit lang na pagbagsak ang aking kinahahantungan
Paulit ulit na lang akong nasasaktan
Siguro hanggang dito na lang ang aking katangahan
Nagiging masokista lang ako, kahit alam naman natin na wala itong patutunguhan
Sobrang sakit na, lalo pang sumakit
Lalo nung nakita ko kayo na naglalambingan
Kaya napag isip isip ko na ako ay bibitaw na
Niloloko ko na lang ang sarili ko
Mahal kita, pero siguro tama na.
BINABASA MO ANG
Lost and Lonely Thoughts
PoetryI hope you enjoy this lost and lonely thoughts of mine