Dumating ka sa diko inaasahang pagkakataon
nakalubog ako sa problema at baon na baon
ang aking buong pagkatao ay hindi ko na maiahon
tipong wala na akong magawa kaya nakikisabay na lang sa alonNgunit tinulungan mo ako at dumating ka
ipinakita mo sa aking di ako nag iisa
pinilit mong buksan ang aking mga mata
na mayroong Diyos na di mawawalaSobra akong natutuwa mahal ko
dahil pagtapos ng lahat nakatagpo ako
ng isang lalaking tulad mo
may pananampalataya at takot sa Diyos at marangal na taoSalamat sa iyo sinta at ako'y nakabangon
naiahon ko ang aking sarili sa dilim ng kahapon
maraming salamat dahil hindi mo ako iniwan kahit minsan
matagal mo akong ginabayan at di pinabayaannakapag isip ako at napagdesisyunan
na aminin na rin sayo ang tunay kong nararamdaman
napakasaya ng mga araw na di nagtagal ay naging buwan
umabot sa ilang taon ang ating pagsasamahannang bigla kang nagsabi na magkita tayo
sa ating dating tagpuan sa likod ng simbahan malapit sa puno
dumating ka at sa salitang binitawan mo
ang mundo ko ay unti unting gumuhoAko'y iyong binuo
pero ngayon heto na naman ako unti unting gumuguho
Ang sakit ng nararamdaman ko
namanhid ako ang alam ko lang puno na ng luha ang mata koBinuo mo ang durog durog kong puso
pero ngayon mas lalo mo lang itong dinurog parang di na nga mabubuo
kase ibinigay ko ang lahat sayo
akala ko ikaw na akala ko tayo na hanggang duloAndito ako ngayon sa upuan sa harap ng simbahan
Nanunuod kung paano ikasal ang ating kaibigan
nakalulungkot dahil kasabay natin silang bumuo
ngunit hindi tayo umabot hanggang duloNakangiti ako dahil masaya ako para sa kanila
Ngunit iba ang sinasabi ng aking mga mata
malungkot sila at lumuluha
dahil ang tanging lalaking minahal ko ay aking nakikitanasasaktan ako at bumabalik lahat ng alaala
nasasaktan ako hindi dahil may kasama siyang iba
nasasaktan ako hindi dahil may asawa na siya
nasasaktan ako dahil mas pinili niyang maging seminaristaNapaiyak na lang ako sa simbahan habang nanunuod ng kasalan
bumabalik sakin ang nakaraan
masakit dahil wala akong nagawa, Diyos na ang aking kalaban
kaya mas pinili kong umiyak at ika'y sukuan
dahil alam ko una pa lang wala na akong labanNagpalamon na lang ako sa kalungkutan
binalewala kung ilang tao ang makakakita sa mukha kong luhaan
Ang hilom na puso ko ay bigla na namang naging duguan
bumalik na naman ang alaala ng nakaraan kung saan dehado ako sa labanBumalik lahat ng alaala ng nakaraan
Dahil tanaw ko ang lalaking gusto kong pakasalan
nandoon sa harap ng simbahan
at sinisimulang ikasal ang aming kaibigan.
BINABASA MO ANG
Lost and Lonely Thoughts
PuisiI hope you enjoy this lost and lonely thoughts of mine