Mahal Mo Ako Pero Gusto Mo Siya

8 2 0
                                    

Hindi ko alam paano sisimulan ang aking tula
dahil ang aking mga mata ay napupuno na naman ng luha
tuwing naaalala ko ang mga ngiti sa iyong mukha
sa tuwing nakikita at nakakasama mo siya

Pinilit ko namang ayusin lahat
pakiusap ko lang na ipakita mo na ako ay sapat
kase mahal kahit di tayo karapat- dapat
ilalaban ko pa rin itong lahat

Masakit na makita kayong dalawa
pero kung sa kanya ka naman sasaya
bat ko naman ipagkakait sayo diba?
eh dapat sumaya ka kahit di ako ang iyong kasama

Diko maintindihan yung sarili ko
pero mas hindi ko maintindihan yung pinupunto mo
sabi mo kase mahal mo ako
pero bakit ka sumusuko para lang sa taong iyong gusto?

Akala ko ba mas lamang ang pagmamahal kesa pagkagusto?
pero bakit unti unti ka nang sumusuko?
di mo ba alam na mas nasasaktan mo ako?
dahil ang tanging gusto ko lang ay ipaglaban mo ako hanggang dulo
pero ang tanging ginagawa mo ay bitawan at ayawan ako
Tapos bigla kong malalaman na naguusap at meron na palang kayo.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon