Ayawan na
Hindi na masaya
Ako ay bibitaw na
Tama na sana
Pero mahal pa rin talaga kitaGusto ko nang sumuko
Pero pilit kong iniisip na pagsubok lamang ito
Kailangan kong magtiwala sa nararamdaman ko
At kumapit sa salitang tayoAyokong ang pangako natin sa isat isa ay mabali
Dahil lang sa aking pagkakamali
Salamat dahil ako ang iyong pinili
Makakaasa ka na kahit mahirap, mahal, pipilitin kong manatiliHindi ko hahayaang matapos ang ating relasyon
Nang dahil lamang sa maling desisyon
Dahil ayokong mabuhay na naman sa ilusyon
Kasama ang aking imahinasyonIisipin ko na lang na kunyare masaya
Na kunyare kaya ko pa
Kahit sa totoo lang, hindi na
Kahit sa totoo lang sobrang sakit naAyokong mabansagan na isang duwag na sundalo
Yung tipong hindi man lang lumaban at bigla na lamang sumuko
Ayokong magpakakampante at magpakasigurado
Dahil isa ka lamang tao
Na ang isip ay pabago bago.
BINABASA MO ANG
Lost and Lonely Thoughts
PoetryI hope you enjoy this lost and lonely thoughts of mine