Ang Aking Talento ay ang Pagiging Kuntento

9 2 0
                                    

Nais kong ikwento rito
ang pananatili ko sa isang tao
kahit hindi na ako ang kanyang gusto
kahit hindi na ako ang tinitibok ng kanyang puso

Alam kong lahat ay aking kasalanan
dahil wala naman na siyang pananagutan
matagal na siyang sumuko sa aming pagmamahalan
ako na lang itong kumakapit para sa walang hanggan

Grabe naman kase yung pagiging kuntento ko
kahit konting oras na maibigay niya,
konting pag aalala o pag aaruga
nagiging kuntento agad ako

Parang ayoko nang maging talento
ang aking pagiging kuntento
parang pinaparusahan ko na kase yung sarili ko
nananatili ako sa tabi nung tao
kahit iba naman ang kanyang gusto

Ayoko nang maging talento
ang pagiging kuntento
kase kahit ganon lang ang kanyang ipinapakita
nabubuo agad araw ko, sumasaya

Ayoko nang maging talento
ang pagiging kuntento
kase di na patas sa sarili ko
na hinuhuli ko siya para unahin na lang yung ibang tao

Ayoko nang maging talento
ang aking pagiging kuntento
mas gusto kong maging talento
ang pagsuko kung alam kong ako ay talo.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon