Sa Tulay Ko Tinapos Ang Aking Buhay

3 2 0
                                    

Nagmamasid ako sa aking paligid
hanggang ang aking gagawin ay nabatid
tumayo ako sa kama at nagmadaling tumakbo
diko alam san ako pupunta ako'y litong lito

napadpad ako sa isang lugar na madilim
doon ko sinigaw lahat ng aking lihim
tumayo ako sa ibabaw ng tulay
at tinapos ang aking buhay

pasenysa na ama at ina
hindi ko na kase talaga kaya
hindi ko alam kung paano ko sasabihin
lahat ng aking alalahanin

pasenya na sa aking mga kaibigan
kung di ako tumupad sa ating usapan
pasensya na sa aking sarili
dahil sumuko ako at di nanatili

patawad sa Diyos na Maykapal
dahil buhay ko ay diko minahal
patawad sa inyong lahat
pakiramdam ko kase di pa ako sapat

at higit sa lahat patawad sayo anak
dahil hindi man lang kita naipanganak
natakot ako sa panghuhusga ng mundo
pasensya na kung mahina ang nanay mo.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon