Nagbabaga Noon, Nanlalamig Ngayon

4 2 0
                                    

Sa bawat gabi na ako ay nilalamig
Lagi kang nandyan para ibigay sa akin ang iyong nagbabagang pag ibig
Hindi pa kita tinatawag pero nandyan ka na
Mahal nandyan ka na, at ako ay iyong dinidinig

Ikaw ang aking mundo, at ako naman ang iyo
Binuo mo ang aking pagkatao
At ikaw ang nagbibigay ngiti sa labi ko
Doon pa lang ako na ay sigurado
Nagpakakampante ako
Na baka ikaw na nga ang kukumpleto
Sa aking mundo, sa aking pagkatao

Ngunit ngayon, nasan ka na?
Mahal nasaan na pag ibig na alay mo?
Nasaan na ang pinangako mong mundo?
Nasaan na ang iyong mga pangako?

Ang dating nagbabaga, ngayo'y nanlalamig na
Ang dadating apoy na nag aalab
Ngayon ay unti unti nang nawawala
Ang dating saya napalitan na ng luha

Bakit lahat ng saya ay naglaho?
Ang mundo ko ay unti unti nang gumuguho
Mahal sa iyo bang gabing malamig
Ay may iba na bang nagpapainit?

Ngayon ako ay sigurado
Sigurado na nagmahal ako ng tarantado
Tarantado, ginago mo lang ako
Minahal kita, pero ako ay iyong niloko
Ginamit mo lamang ako

Ako pala ang apoy
Apoy na nag aalab noon
At unti unti mong pinapatay ngayon
Ngayon ako ay nakapagdesisyon
Bibitawan na kita, hahayaan na kitang maging masaya sa kanya
Ayon sa aking konklusyon, baka ikaw ay isa sa magbibigay leksyon
Sa buhay ko ngayon.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon