Ito na ang Huli

6 2 0
                                    

Ito na ang huli na gagawan kita ng tula
Ito na ang huli na ikaw ang gagawin kong paksa
Ito na ang huling beses na sasabihin kong mahal kita
Ilalagay ko lahat ng posibleng tugma
ng mga ginamit nating salita
upang ipakita ang pagmamahal sa isat isa

Dahil ngayon, pinipili kong magpaalam na
pagod na rin kasi akong ipilit pa
pagod na akong magbakasakali na baka maaayos pa
Siguro nga tama sila

Kailangan ko na nga talagang tanggapin na tapos na
na ipinagpalit mo na ako sa kanya
kaya sisiguraduhin ko na ito na ang huli
pangako ko di na to mauulit muli

Tatanggapin ko na na ating pagsasama ay pinilit mong itapon
para sa taong nagbabalik sa alaala ng kahapon
Siguro nga hindi ikaw yung taong pang walang hanggan
kase nakakagulat na ang bilis mo akong binitawan

Kailangan kong tanggapin na siya na at hindi ako
Siya na at hindi ako ang kahawak kamay mo
pero sana wag mong pagsisihan ang iyong panloloko
balita ko kase mabilis daw yan maghanap ng bago

Pero sige kung yan ang gusto mo
tatanggapin ko na lang lahat ng ito
Wala eh di pa tapos ang tayo
pero nagsisimula na pala ang istorya niyo

Tatanggapin ko na lahat at ito na ang huli, pangako
ito na ang huli na magsusulat ako tungkol sayo
hindi na ako maghahabol sa tulad mo
ito na ang huli kaya sana maging masaya na kayo.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon