Isa lang ang aking gusto
ito ay yung ako naman yung unahin mo
na sana bago ka umoo sa ibang tao
maisip mo muna akoPagod na kase akong maging pangalawa
pwede bang ako naman yung una?
pagod na ako na sa sarili ko laging walang natitira
kasi nauubos na sa ibaPakiusap naman
pwede bang ako naman?
pwede bang ako muna bago yung iba?
kase ang hirap hirap naMakinig kang mabuti
dito sa aking mga sinasabi
isa lang ang gusto kong mangyari
yung pwede bang ako muna kahit sandaliPakinggan mo ako
pakinggan mo ang mga sinasabi ko
ako muna ang unahin mo
ako muna bago ang ibang taoAko muna, sarili mo muna
bago mo unahin ang iba
mahirap kase na naubusan ka na
tapos sayo pa walang matitiraPakiusap aking sarili
sa iyong sarili ka muna manatili
sa iyong sarili ka muna umoo
bago mo unahin ang kapakanan ng ibang taoPagod na pagod na kase ako na maging pangalawa
pagod na akong gawing pangalawa ang aking sarili kesa una
pagod na akong magpakumbaba at makinig sa iba
habang ako ay umiiyak at magdusanakikipaglaban akong mag isa sa aking mga sariling problema
na akala ng iba ako ay masaya
ngunit hindi nila alam na ako ay hirap na
pero pinipilit ko pa ring unahin sila at maging masayaPinipilit ko kayong pakinggan
tipong pati sa sarili ko ako ay nagbibingi bingihan
kaya hindi ko napansin na sarili ko pala ay akin nang napapabayaan
sa kakapakinig sa iba hindi ko na napapakinggan ang sarili kong nagsasabi ng ako naman.
BINABASA MO ANG
Lost and Lonely Thoughts
PoetryI hope you enjoy this lost and lonely thoughts of mine