Babalikan na Sana Kita pero Teka...

9 2 0
                                    

Ang sabi ko di na ako babalik pa
pero sa aking pag iisa
maraming bagay akong napagtanto
at isa na rito ang pagbalik sayo

Ang dami mong binigay na rason
para di na ako bumalik sa kahapon
pero ang pag ibig mo ay parang isang lason
unti unting sinisira ang aking sistema dahil nagpapakatanga na naman ako ngayon

Ang sabi ko di na ako babalik pa
pero heto ako ngayon naglalakad kung saan ka papunta
patakbo kong binabagtas ang bawat daan na iyong nilakaran
upang makita ka muli at mahagkan

Dahil gusto kong isigaw sayo na BABALIKAN KITA
oo tama, babalikan nga kita, tatanggapin na uli kita
diko alam kung bakit ganto ang nadarama
eto na naman ako nagsisimulang magpakatanga

Babalikan kita dahil alam ko na mas mahalaga ka kesa sa masasakit mong mga salita
Babalikan kita kase alam ko na kahit anong gawin mo mahal pa rin kita
Babalikan kita kase kahit san ako pumunta ikaw pa rin ang hinahanap ko sinta

Kaya pakiusap wag mo na akong takbuhan
Tumigil ka muna, huminto at lumingon ka naman
Pakinggan mo muna ang aking mga dahilan
Maupo tayo at isa-isa nating pag usapan

Una, pagod na akong makipaglaro ng habulan
Araw-araw, gabi-gabi kong napapanaginipan
hindi ako pinapatulog ng mga alaala ng nakaraan
pinipilit kong takbuhan pero wala na akong mapuntahan

Pagod na rin akong makipaglaro ng taguan
Na kunwari wala akong pakelam at hindi ako nasasaktan
Sa tuwing nakikita kita na masaya habang siya ay pinagmamasdan
Oo mahal, nakikita ko kase andito ako sa iyong likuran habang pinagmamasdan mo ang aking kaibigan

Kanina sabi ko babalikan kita pero teka
parang mas gusto ko na lang yatang hayaan ka
dahil hindi naman siguro maganda na mahal kita at nasa akin ka
habang ang puso mo ay may mahal nang iba, kaibigan ko pa

Babalikan na sana kita pero teka
di naman ako papayag na ako ay maging pangalawa
Natuto na ako sa unang beses mong pagbabalewala
hindi ko na hahayaang makadalawa ka pa

Babalikan sana kita pero teka
natuto na kase ako, hindi na ako tanga
natuto na akong buksan ang aking tainga
kaya napapakinggan ko na ang sinasabi ng iba

Babalikan na sana kita pero teka
hindi na kase nakapikit ang aking mga mata
kaya mahal pasensya ka na ha
hinding hindi na kase ako babalik pa
dahil nakita ko na ang tunay kong halaga.

Lost and Lonely ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon