AEBAECEE

47 4 0
                                    

A/N: Do not be confuse, this is the start. Enjoy reading alphabets! ❤

"Lorenzo, okay ka lang?" Bigla kong itinago 'yung papel na hawak ko. Napansin naman agad ito ni Nanay Soling, kung kaya't nangunot ang kaniyang noo.

"Oo naman 'nay." Pinilit kong maging masigla ang aking pagsagot, pero di talaga kaya. Ang hirap talaga kapag pinipilit mo 'yung mga bagay-bagay.

Alam ko naman, na alam na ni Nanay ang bumabagabag sa aking kalooban, kaya't bakit ko pa nga ba pinipilit itago?

Lorenzo, umayos ka nga!

I bow down my head. Contemplating if I will tell her everything what is going on in my head. Naramdaman ata ni Nanay na kailangan ko na talaga ng kausap, kung kaya't lumakad siya patungo sa aking inuupuang kama.

Bakat na bakat pa 'yung pawis sa kaniyang damit, halatang galing pa sa pagdidilig ng mga halaman at pagwawalis sa aming bakuran. Nang umupo na si Nanay sa aking tabi, iniwasan ko ang kaniyang mga titig. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang magkaroon ng seryosong usapan kay Nanay. She always have the right words to say in every situation. Hindi maikakaila na siya ang nangunguna sa pagpapanatili ng "Peace and Order" sa aming baranggay.

Nanay suddenly touches my head.

Nakakapanghina.

"Lorenzo anak, tungkol ba ito kay Biana?" Just by hearing that question, naramdaman ko na lamang bigla ang kirot sa aking dibdib.

Yumuko ako, as much as possible ayaw kong bumitaw ng mga salita kay Nanay.

This is my problem.

I have to man-up.

Pero, maitatawag nga ba itong problema? Kung alam ko naman ang kasagutan?

Hirap naman!

"Enzo, tumingin ka nga muna kay Nanay. Porke't binata ka na, ay hindi mo na matignan si Nanay sa mata?" I chuckled. I know she's trying to lighten up the mood.

I turn my head and look at my mother.

Looking through her eyes, I can see she cares a lot.. not just with my feelings, but also for Bibiana.

"N-nay.." Talagang pumiyok pa talaga ako, ang hina ko naman.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan ang pagsasalita. Hinawakan naman ni Nanay 'yung mga kamay kong kanina pa pala nakakuyom.

"Andito na po 'yung result ko sa entrance test."

Nanay Soling just nodded, signaling me to continue talking.

"Masaya po ako, dahil pumasa po ako 'nay. Alam mo naman po dibang matagal ko na po itong pangarap. P-peroo.."

Hindi ko na naipagpatuloy ang dapat kong sabihin, dahil hinigit na ako ni Nanay para sa isang mahigpit na yakap.

"Anak, huwag mong ubusin ang oras mo sa mga bagay na alam mo naman na ang kasagutan. Ang mga bagay na dapat mo na lamang pinagtutuunan sana nang pansin ay kung paano ka magpapatuloy kasama ang kasagutang hawak mo." Hinagod nang hinagod ni Nanay ang likod ko.

See? My mother always has the right words.

Opo 'nay, I just hope Bibiana will accept everything.

Sabi ko na lamang sa aking kalooban.

"LUI!" Sumilay bigla ang ngiti sa aking pisngi nang marinig ang pagtawag ni Bibiana sa aking pangalan. The bubbly and very loud Bibiana in my life. Wala namang ibang tumatawag sa akin ng "Lui" kundi siya lang.

Lumingon naman agad ako sa kaniya at tinanggap ang mahigpit niyang yakap, naramdaman ko pa ang mga malalim niyang hininga dahil sa kaniyang pagtakbo patungo sa akin.

"Di ba sabi ko sa'yo huwag kang takbo nang takbo." I said in a serious tone. She pouted. She's cute.. just too cute for me to ignore.

"Okay lang akong tumakbo, kapag ikaw naman ang finish line." She giggled.

Bibiana Santillan and her banat always completes my day.

Pinitik ko naman ang kaniyang noo, which caused her to break our hugs, na ayaw ko pa sanang putulin.

I will miss this girl.. so much.

Nagsimula na kaming lumakad patungong plaza. It is Sunday today, pagkatapos kong mag-serve sa simbahan ay dumiretso ako dito sa aming tagpuan. Dito lagi kami ni Bibiana. Mag-kwe-kwentuhan. Maglalaro na parang mga bata. Mang-aaway ng bata.. ah, si Bibiana lang pala 'yung nang-aaway, dinadamay lang ako nitong maliit na babaeng.

Bibiana held my left arm.

Like she will never let go of it.

Napunta ang aking mga mata sa paghawak niya.

These litttle fingers..

Bi, you should let go of me habang maaga pa.

"Bi.." Pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm." She replied.

Umupo naman kami sa bakanteng bench dito sa plaza.

"Ano nga ulit 'yung pangarap mo?" I asked her. I know her dreams. I recorded it all in my memory. Everything she says, everything she likes and dislikes. Alam ko. I just wanna hear it again.

Baka sakali... magbago pa ang isipan ko.

Bibiana looked at me, na nakakunot ang noo.

Ba't ba ang cute niya pa rin?

"Lui ha, lagi ko 'yang kinikuwento sa'yo. Five years old pa lang ako, sinabihan na kita niyan. Hindi naman malayo agwat natin ah, bakit ang dami mong nalilimutan kapag tungkol sa akin?" Sa dami ng kaniyang sinabi. I just looked at her.

Ayaw kong malimutan ang detalye ng kaniyang mukha.

Ang singkit niyang mata.

Kung paano kumunot ang kaniyang noo when she's annoyed.

How her chubby cheeks turn red when she's happy.

Kung gaano siya kaingay tumawa kahit na sa maliliit na bagay.

Her cute nose na palaging dahilan ng aming mga away, dahil pinipilit niyang mataas ang kaniya.

Everything about her..

Ayaw kong malimutan ang babaeng naging dahilan sa pagdadalawang isip kong abutin ang aking pangarap.

"Uy, ano ba naman 'yan. Di ka naman nakikinig eh!"

I laughed. Para talagang bata..

"Sige na, sabihin muna." I pushed.

She eyed me and just gave me an evil smile.

"Okay, sasabihin ko.. peroo. Habulin mo muna ako! Bleh!" Nangunot bigla ang noo ko. Here we go agaaaaain.

I'm not fun of doing any childish things, but for Bibiana. Ewan ko ba, nakikita ko na lamang ang sarili kong hindi na ako.

We run around the plaza na parang mga bata, again and again. Nang nakaramdam na ng pagod, humiga kami sa damuhan.

We looked at the blue sky.

Kahit naman siguro malayo ako, we're still looking the same sky.

"My dream is.. makita kang naghihintay sa akin sa altar."

Hindi ako makagalaw. Alam ko na ito dati pa. Pero bakit parang bago sa aking pandinig?

"That's my dream, ever since I was five." Lumingon ako sa kaniya. She smiled so brightly.

There's a moment of silence.

At nagtitigan lang kami na walang kumukurap sa aming dalawa.

"Bi.. I wanna be a priest."

After I said those words.. a tear fell from her eyes. 

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon